TWO

1819 Words
HIMAYA’S POV “Magandang Araw. Welcome to Hacienda Florenciana, Senyorito Jude. Masaya po kami na nakarating ka rito ng maayos at ligtas.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay umayos ako ng tayo at noon ko napansin si Senyorito Jude na nakatingin sa amin na para bang hindi makapaniwala. Mataman niya kaming tinitigan isa-isa, pero tumigil ang kanyang paningin sa akin at halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ka-lakas ang t***k nito gayong hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng gwapo. “Thank you, Miss?” tanong niya. “Aya po, Senyorito. Tara po at dumulog na kayo sa hapag-kainan. Alam kong nagutom kayo sa biyahe,” yaya ko sa kanya at nagpatiuna sa paglakad papunta sa kusina ng mansion. Hindi ko pinansin ang kamay niyang inilahad sa akin lalo na at masama na naman ang tingin ni Isang sa akin. Ayaw kong mag-isip siya ng kung ano-ano, lalo na at may pagka-tsismosa rin siya. Baka magulat na lang ako at ginagawa na akong pulutan sa inuman. Umupo si Senyorito Jude sa hapag-kainan at kumuha ng pagkain. Kumuha siya ng maliit na mangkok at naglagay ng Sinigang na Hipon doon. Humigop siya ng sabaw doon at parang biglang nagliwanag ang kanyang mukha. “What do you call this dish? It’s delicious!” puri nito sa luto ko. “Sinigang na Hipon po ang tawag diyan – ” “Ako po ang nagluto niyan, Senyorito,” naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Isang at saka yumukod sa harap ni Senyorito Jude. Hindi nakatakas sa akin ang paglunok ni Senyorito lalo na nang tumigil ang mga mata nito sa mayamang dibdib ni Isang. Napataas ang kilay ko, mukhang mahilig sa papaya itong si Senyorito. Hindi na ako magtataka kung mabibihag siya ni Isang gamit ang katawan nito. “That’s good,” sagot ni Senyorito na hindi inaalis ang tingin sa dibdib ni Isang. “Kung gusto niyo, Senyorito, may alam pa ako na ibang putahe na masarap,” malanding saad ni Isang. “Isang! Ano ka ba naman? Wala ka na bang kahihiyan? Pagpasensyahan mo na ang batang ito, Senyorito,” sabat ni Aling Minda. Napaismid naman si Isang habang si Senyorito Jude naman ay bumalik sa pagkain. Hindi sinasadyang napatingin siya sa akin, at napailing na lang ako sabay iwas ng tingin. Kung may pagpipilian lang ako ay ayaw kong makasama ang lalaking ito na halatang puro s*x ang laman ng isipan. Isang araw pa lamang siya rito ngunit parang gusto ko na lang siyang bumalik sa pinanggalingan niya. Nang matapos siyang kumain ay mabilis naming iniligpit ang mga pagkain at hinugasan ang mga pinagkainan nila. Dumiretso naman si Senyorito Jude sa kanyang kwarto upang mag-siesta at magpahinga. Nasa kusina pa rin ako at kasalukuyang nililinis ang mga kagamitan na ginamit namin sa pagluluto kanina. Habang abala ako sa pagkuskos ng mga kaldero ay narinig ko ang malanding tawa ni Isang sa likuran ko. “Sabi ko naman sa’yo, Aya, hindi ka mapapansin ng Senyorito. Nakita mo ba kung paano niyang tingnan ang s**o ko kanina? Sigurado akong ngayon ay ini-imagination niya na na kinakain niya ito,” proud na proud nitong wika. Napangiti ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Ella mula sa di-kalayuan, mukhang narinig niya ang sinabi ni Isang. “Imagine kasi ‘yon ‘te. Alam mo, Isang, baka imagination mo lang din ‘yan,” natatawang sagot ni Ella. “Whatsever! Kala niyo naman ang tatalino niyo!” sigaw niya sa amin bago siya naglakad palabas. “Ikaw talaga, Ella. Sana hindi mo na lang siya sinagot,” natatawang saway ko kay Ella. “Hay naku, Day! Kahit naman High School graduate lang ako, aba marunong naman ako sa Ingles no. Saka, dapat lang sa kanya ‘yon no. Kung maka-asta kasi siya, akala mo siya ang may-ari nitong bahay. Ambisyosang frog!” nanggigil na sagot ni Ella. Tinulungan niya ako sa paglilinis kaya naman mabilis kaming natapos. Noong mag-aalas tres na ng hapon ay naroon muli kami sa kusina para magluto ng meryenda. Nagdala kanina si Mang Simeon ng hinog na langka galing sa farm kaya naisipan ko na gumawa ng minatamis na langka. Tinulungan ako ni Ella na magtanggal ng mga buto mula sa langka, habang si Isang naman ay parang amo na nakaupo lang sa couch. Kahit kailan talaga, hindi siya tumutulong sa amin. Kung makapag-utos ay daig niya pa si Don Julian. Inilagay ko na ang kawali sa kalan at una kong pinakuloan ang tubig. Nang kumukulo na ito ay naglagay ako ng muscovado sugar, o iyong tinatawag na asukal na pula. Nang masigurong natunaw na ito ay saka ko nilagay ang langka. Napaigtad pa ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko. “What are you cooking?” curious na tanong ni Senyorito Jude na ngayon ay nakatayo sa likuran ko. Basa pa ang kanyang buhok at halatang katatapos niya lang maligo. Amoy na amoy ang kanyang mamahalin na pabango na humahalo sa kanyang natural na panlalaking amoy. At napakagwapo niya pa ring tingnan kahit simpleng cargo shorts at puting T-Shirt lang ang kanyang suot. “Ahm, minatamis na langka po, Senyorito,” maingat kong sagot. Agad kong ibinalik ang atensyon ko sa niluluto at hindi siya pinansin. Patuloy ako sa paghahalo, hindi alintana ang init. Sanay na ako sa ganitong gawain dahil maging sa bahay namin ay ako ang nagluluto. “Hmm, that smells heavenly. I’m pretty sure it will taste good,” komento nito. “Masarap po ito, Senyorito. Isa ito sa mga pinagmamalaking delicacies rito sa probinsiya namin,” paliwanag ko. Tumango-tango naman siya at patuloy na nagmamasid. Nang malapit ng maluto ay hininaan ko na ang apoy para hindi rin masunog ang asukal. Kumuha ako ng platito at naglagay doon saka ko ibinigay kay Senyorito Jude. “Ito po, Senyorito. Tikman niyo po,” saad ko. Mabilis niyang kinuha sa akin ang platito at saka siya nagsimulang kumain. At dahil mainit pa ito, hinihipan niya muna bago niya ilagay sa kanyang bibig ang pagkain. Pilit kong sinupil ang ngiti ko, ewan ko ba, pero ang cute niyang tingnan habang kumakain. “Hmm, it’s really good. Your name is Aya, am I right?” tanong niya kapagkuwan. Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko, at para bang gumanda bigla sa pandinig ko ang pangalan ko. Tahimik akong tumango at hindi na nakapagsalita pa. “Senyorito, narito ka lang pala. Ipinagbilin ka ng Lolo mo sa akin. Ipasyal daw kita,” singit ni Isang. “Ah, yeah. Maybe we can do that after I eat?” sagot naman ni Senyorito Jude. Tumalikod ako dahil ayaw kong makita na maglandian ulit sila sa harapan ko. Hindi ko alam, at hindi ko maintindihan, pero siguro, hindi lang talaga ako sanay na makakita ng mga taong harap-harapan kung maglandian. “Hayaan mo na ‘yan, Senyorito. Marami pang masasarap na pagkain, kesa riyan,” wika ni Isang bago niya hinila patayo si Senyorito. Hindi na nakapagsalita pa ang Senyorito lalo na at hila-hila na siya ni Isang, pero bago pa man sila tuluyang makalabas sa kusina ay napatingin pa siya sa akin na para bang humihingi siya ng paumanhin. Nginitian ko lang siya para sabihing ayos lang, at naiintindihan ko siya. Iniligpit ko ang kanyang pinagkainan, at nakita ko na kalahati na pala ang nakain niya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero iniwan ko iyon sa mesa at tinakpan, saka ako naglagay ng maliit na note. Kung kakainin niya ito ay nasa kanya na. Naglagay din ako sa isang mangkok at inihain iyon sa balkonahe, kung saan naroon naman ang Don. Kumuha ulit ako ng platito at tinidor, at binigay iyon sa kanya. “Don Julian, mag-meryenda po muna kayo,” alok ko sa kanya. Kinuha niya ito sa akin at nginitian ako. Sobrang bait talaga ng matandang ito, at maswerte si Senyorito Jude na ito ang naging Lolo niya. “Kamusta ang mga magulang mo, Himaya?” tanong nito. Ito talaga ang isa sa mga tumatawag sa akin sa tunay kong pangalan na ang ibig sabihin sa salitang Ingles ay glory. “Maayos naman po sila, Don. Pinapasabi nga po pala ni Tatay na salamat sa ipindala niyong prutas noong nakaraan,” sagot ko. “Walang anu man. Ikaw ba, Himaya, ay may plano pang mag-aral?” maya-maya ay tanong nito. Napatingin ako sa malayo. Syempre naman, gusto kong makapag-aral ulit, gusto kong makapagtapos. May mga pangarap din ako sa buhay at gusto kong maabot iyon. Pero mahirap lang ang buhay namin, at bilang panganay, ako ang nagparaya para makapag-aral ang mga kapatid ko. “Kapag po siguro nakapag-ipon na ako. Gusto ko po sanang kumuha ng kursong Entrepreneurship. Gusto ko kasing magtayo ng negosyo balang-araw,” sagot ko. “Maganda iyan. Hayaan mo, at naniniwala ako na mararating mo rin iyan balang-araw,” sagot ni Don Julian. Maya-maya pa ay napatingin kami nang marinig namin ang mahinang tikhim ni Senyorito Jude. Bakas ang kaseryosohan sa kanyang mukha habang pinaglilipat-lipat niya ang paningin sa aming dalawa ng Don. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit nahihinuha ko na agad na hindi iyon maganda. Tumayo ako at mabilis na pumasok sa bahay. Nakasunod lang si Senyorito Jude na hindi pa rin maipinta ang mukha habang si Isang naman ay mukhang tuwang-tuwa. Saan kaya sila nanggaling? Ano kaya ang ginawa nila? Sa halip na mag-isip ng kung ano-ano ay dumiretso na lamang ako sa kusina. Malapit ng mag-alas singko kaya naman magluluto na kami ng hapunan. Naabutan ko si Ella na naghihiwa ng mga gulay habang nagsasaing. Tinulungan ko siya para mabilis kaming makatapos. Dito sa probinsya, pagpatak ng alas-sais ay hapunan na at maaga pang natutulog ang mga tao, pwera na lang sa mga manggagawa na nag-iinuman pa. Nang maluto ang hapunan ay saglit kaming nagpahinga sa Maid’s Quarters. Sa laki ng mansyon, ilan sa mga kwarto rito ay nakalaan para sa aming mga kasambahay. Kasama ko si Ella sa kwarto, at kahit na malapit lang ang bahay namin ay pinipili na namin na mag stay-in na lamang. Umuuwi lang kami isang beses sa isang linggo para makasama ang mga pamilya namin. Buong hapunan ay hindi man lang ako tapunan ng tingin ni Senyorito, at hindi ko maintindihan kung bakit may bahagyang kirot ako na nararamdaman. Mabilis na dumaan ang oras, at natapos na rin kami sa pagliligpit. Nakasanayan ko na rin ang pagligo sa gabi, kaya naman naligo muna ako. Nagsuot lang ako ng manipis na duster at saka lumabas sa balkonahe para magpahangin. Nakagawian ko na ito tuwing gabi kaya naman kampante lang akong nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan. Napalingon ako nang marinig ko ang baritonong tinig ni Senyorito. “What are you doing here at this time of the night?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD