HIMAYA’S POV
“Sinasabi ko na nga ba at may tinatago ka ring landi, ‘e,” ani ni Isang sa akin saka niya ako hinawakan ng mahigpit sa siko.
Napadaing ako sa sakit, at pilit kong binawi ang kamay ko sa kanya.
“Ano ba, Isang?”
“Huwag mong masyadong paasahin ang sarili mo, Aya. Hindi ang mga katulad mo ang tipo ni—"
Naputol ang sasabihin ni Isang nang biglang pumasok sa kusina si Senyorito Jude. Mabilis niya akong hinila papunta sa tabi niya at binalingan si Isang.
“Hey, what are you doing? Come on, Aya. Let’s go,” baling niya sa akin. “And you, Isang, I’ll tell Lolo about this.”
Hawak-hawak pa rin ako ni Senyorito habang palabas kami ng kusina, kaya naman dali-dali kong hinila ang kamay ko dahil nakaramdam ang ng pagkapahiya.
“Ah— Senyorito, hayaan mo na si Isang,” pakiusap ko.
“Why? Hindi tama ang ginawa niya sa’yo. She should be punished,” aniya nang nakasalubong ang mga kilay.
“Sanay na po ako riyan kay Isang. Ang isa pa po, ayaw ko rin naman ng gulo. Trabaho po ang ipinunta ko rito,” nakangiti kong sagot.
Ayos lang naman talaga sa akin ‘yon. Oo, at masakit ang ginawa niya, pero hindi naman ako ganoon ka-sama para hayaan siya na mawalan ng trabaho. Kahit ganoon si Isang, siya lang din ang inaasahan ng kanyang pamilya kaya naman iniintindi ko na lamang.
“Why are you so kind?” tanong niya, nakakunot ang kanyang noo at tila ba hindi siya makapaniwala na hindi ko man lang ipinagtanggol ang sarili ko.
Nginitian ko si Senyorito Jude, bago ako nagsalita.
“Wala naman akong mapapala kapag pinairal ko ang galit sa puso ko, Senyorito. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may angking kabaitan. At kung masama man ang pakikitungo sa atin ng kapwa natin, paniguradong may dahilan iyon,” paliwanag ko.
Nagpatiuna na akong lumakad dahil ayaw kong makita na naman kami ni Isang at baka ma-issuehan pa kami. Siguro, kung sa Maynila ay okay lang na makitang magkasama ang isang babae at lalaki, sa probinsya naman ay hindi. Ang mga tao rito ay mabilis maniwala kahit pa hindi totoo ang naririnig nilang kwento.
Naramdaman ko ang presensya ni Senyorito Jude sa likuran ko at ganoon na lamang ang gulat ko nang ibaling ko sa kanya ang paningin. Tahimik lang siyang naglalakad, habang ang kanyang mga mata ay nakatuon sa akin. May kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mabasa o mahulaan. Tila ba nasa malalim siyang pag-iisip at hindi niya maialis sa akin ang kanyang paningin.
Mahina akong tumikhim upang kunin ang kanyang atensyon.
“W-what?” nauutal niyang tanong.
“Okay ka lang ba, Senyorito?” tanong ko.
Tumaas ang kanyang kilay bago siya nagsalita, “Didn’t I tell you not to call me ‘Senyorito’, Aya?”
“Pasensya na kayo Sen — Jude, hindi lang ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo,” depensa ko.
“It’s okay. One more time you call me that freaking word, and I’ll kiss you,” nakangisi niyang sagot.
Bigla akong nanghina at dumagundong ang dibib ko sa labis na kaba dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro niya gagawin ang bagay na iyon, ‘di ba?
“Oh, trust me, Aya. Kapag tinawag mo pa ulit akong Senyorito, hahalikan talaga kita para tumahimik ka,” aniya na para bang narinig niya ang isip ko.
Namula tuloy ako at nag-iwas ng tingin bago ako napabuntong-hininga.
Hindi ko siya kinakaya!
“Pero Jude, paano kapag nakikinig ang ibang tao, lalo na ang lolo mo? Hindi naman pwedeng tawagin na lang kita basta-basta sa pangalan mo. Ayaw kong magmukhang bastos,” giit ko.
“Fine, but you’ll only call me that way kapag may ibang tao. Kapag tayong dalawa lang ang magkasama, Jude lang ang itatawag mo sa akin. Do you understand?” tanong niya.
Pakiramdam ko ay nalunod ako sa kanyang mga titig. Natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango at sumasang-ayon sa kanyang kagustuhan. Tila ba nawalan ako ng lakas at tinig para kontrahin ang kanyang mga salita.
“Good, now let’s go,” aniya at muli niyang hinawakan ang kamay ko.
Ramdam na ramdam ko kung gaano ka lambot ang kanyang kamay, kung kaya’t bahagya akong nakaramdam ng hiya lalo na at alam kong magaspang ang kamay ko. Lumaki ako sa mga gawaing bahay kaya hindi na nakapagtataka na ganoon ang mga palad ko. Mahina kong binawi ang kamay ko ngunit mahigpit niya itong hinawakan.
“J-Jude, a-ano… ‘Yong kamay ko,” nauutal kong wika.
Sa halip na bitawan ay lalo niya lang hinigpitan ang paghawak doon habang nakangisi siya sa akin.
“So, saan mo ako unang ide-date?” tanong niya na ikinagulat ko.
“D-date? Anong date?” nanlalaki ang mga mata kong tanong.
“I mean, saan mo ako unang ipapasyal?” nakangiti niyang tanong pabalik.
Huminga ako nang malalim at nag-isip kung saan ko siya unang dadalhin. Malawak ang kanilang Hacienda, at malaking parte nito ang natataniman ng palay at tubo. Mayroon ding gulayan at manggahan na siyang pinamamahalaan ng kanyang yumaong lola. Sa dakong hilaga ng Hacienda ay mayroong parte ng malawak na damuhan. Tuwing summer ay doon nagtitipon ang mga kabataan upang magpalipad ng kanilang saranggola.
Malawak ang bahaging iyon ng Hacienda, at malapit iyon sa manggahan. Sa katunayan ay mayroong kubo roon at isang Tree House na madalas din naming tambayan noong maliliit pa kami.
“Doon po muna siguro tayo sa Manggahan. Medyo malayo po iyon, kakailanganin po nating sumakay sa kabayo,” nag-aalangan kong wika. Hindi ako sigurado kung marunong ba siyang mangabayo, pero siguro naman ay “oo” lalo na at may-ari ng Hacienda ang kanyang pamilya.
“Oh, okay. Ano’ng sasakyan natin?” tanong niya.
“Ahm – kabayo po? Marunong ka naman, ‘di ba?” naninigurado kong tanong.
Biglang namutla si Jude at muntik pa akong matawa nang mapagtanto kong hindi siya marunong. Ako naman ay tinuruan ni Tatay noon dahil iyon din ang sinasakyan nila sa tuwing maglilibot sila sa Hacienda, dati rin kasi siyang tagapag-alaga ng mga kabayo.
Naglakad kami papunta sa kuwadra. Malayo pa lamang ay dinig na dinig na ang ingay at halinghing ng mga kabayo. Naabutan namin si Carlo, ang kababata ko at bagong tagapag-alaga ng mga hayop sa Hacienda. Mabilis kong hinila ang kamay ko sa takot na baka makita niya iyon.
“Aya! Buti naman at nagawi ka rito,” nakangiti niyang bati nang mamataan ako.
Lumapit si Carlo sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
“Ehem…”
Napalayo kami sa isa’t isa nang marinig namin ang malakas na tikhim ni Jude. Madilim ang kanyang mukha at bakas doon ang inis.
“Ay, Carlo. Si Senyorito Jude nga pala, siya ang apo ni Don Julian. Senyorito Jude, si Carlo po, kababata ko at tagapag-alaga ng mga hayop rito sa Hacienda,” pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
“Magandang araw po, Senyorito. Ikinagagalak ko po kayong makilala,” ani ni Carlo saka inilahad ang kanyang kamay.
Tahimik itong tinanggap ni Jude, ngunit hindi pa rin nawawala ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang siya makitungo kay Carlo gayong wala namang ginagawa sa kanya ang tao.
“Ah, Carlo, pupunta sana kami ni Senyorito sa manggahan. Bilin kasi ng Don na ipasyal ko siya. Pwede ba naming magamit ang mga kabayo?” tanong ko kay Carlo.
“Tamang-tama at maaga pa naman, kaya hindi pa masyadong mainit. Si Leon at Tiburcio na lang ang dalhin niyo,” suhestyon niya.
Sanay na rin naman akong sumakay sa dalawang iyon dahil matagal na rin sila pangangalaga ni Tatay.
“Ahm – Aya, can we – can we just take one horse?” nahihiyang tanong ni Jude.
Napangiti ako nang maalala ko na hindi nga pala siya marunong sumakay sa kabayo, samantalang ako naman ay marunong kahit na may angkas. Tumango lang ako sa kanya at muling nagbaling ng paningin kay Carlo.
“Carlo, si Leon na lang ang gagamitin namin. Iaangkas ko na lang si Senyorito,” saad ko.
Tumango lang si Carlo at muling pumasok sa kuwadra upang ihanda si Leon. Bagamat may edad na si Leon, pero siya ang pinakamalakas at maamo sa lahat ng mga kabayo rito kaya may tiwala ako sa kanya.
Nauna akong umakyat kay Leon, habang inaalalayan naman ni Carlo si Jude kahit na mukhang ayaw nitong tumanggap ng tulong mula kay Carlo. Nang makasampa siya ay bahagya pang gumalaw-galaw si Leon, siguro ay nag-aadjust sa bigat naming dalawa.
“Maraming salamat, Carlo. Babalik din kami mamaya, bago magtanghalian,” paalam ko at saka ko hinila ang renda ni Leon.
“Hiyah!”
Nagsimula ng tumakbo si Leon at naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ni Senyorito Jude sa akin. Sa sobrang lapit niya ay dinig na dinig ko ang malakas na t***k ng kanyang puso.
“First time mo bang sumakay sa kabayo?” tanong ko.
“No, but the first time I did, I fell and broke my leg,” pagkukuwento niya.
Napatango na lang ako. Kaya naman pala hindi siya marunong mangabayo, dahil mayroon pala siyang pangit na karanasan doon. Siguro ay natakot na siyang sumubok ulit.
“Kaya pala. Hindi naman lahat ng kabayo wild, katulad ni Leon. Maamo siya at sanay na siya sa tao. Pwede ka rin namang magsanay habang nandirito ka,” wika ko.
“Sure, as long as it’s you who will teach me,” palaban niyang sagot.
Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung bakit tila ako ang trip niya.
“Naku, maraming mas marunong kaysa sa akin. Katulad na lang nila Carlo, sa kanila ka dapat magpaturo,” giit ko.
Hindi naman sa ayaw ko siyang turuan, sadyang hindi lang ako komportable kapag malapit siya sa akin. Katulad ngayon, sa sobrang lapit namin ay amoy na amoy ko ang kanyang mamahaling pabango na siyang humahalo sa panlalaki niyang amoy. Biglang bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nasa malapit siya, at hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako.
Likas na magandang lalaki si Jude kaya hindi na nakapagtataka kung marami ang nahuhumaling sa kanya. Ayaw kong maging panakip-butas o panandaliang saya, dahil ang mga katulad ni Jude ay kawangis ng bituin. Mahirap silang abutin.
Napaayos ako ng upo nang maramdaman kong humigpit na naman ang hawak niya sa akin dahil bumilis ang takbo ni Leon.
“Huwag kang masyadong malikot, Jude. Baka mahulog ka ulit,” saway ko sa kanya.
“Oh, f**k! Malayo pa ba tayo?” tanong niya.
Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakapikit ang kanyang mga mata. Kanina pa kaya siya ganyan? Sayang naman ang mga magagandang tanawin na hindi niya nakikita.
“Malapit na. Buksan mo ang mga mata mo, Jude. You’re missing the beautiful sceneries,” saad ko.
Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay sandaling nagtama ang paningin namin. Agad kong itinuon ang atensyon ko sa daan sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Tila natuyo ang lalamunan ko nang masilayan ko sa malapitan ang gwapo niyang mukha.
“Nandito na tayo,” saad ko nang makita ko ang pamilyar na damuhan at ang mga kubo mula sa di-kalayuan.
Inihinto ko si Leon at maingat na bumaba. Iginala ko muna ang paningin ko sa paligid at napangiti, wala pa ring pinagbago ang lugar na ito na naging saksi ng masayang kabataan ko.
“Aya, care to help me up here?” naagaw ang atensyon ko nang magsalita si Jude.
Muntik ko nang makalimutan na may kasama nga pala ako. Natawa ako nang mahina bago ako lumapit sa kanya at inalalayan siya pababa.
Hindi ko inasahan ang bigat ni Jude, dahilan upang mahulog siya at madapa sa ibabaw ko. Napasinghap ako at agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa. Bumigat ang kanyang paghinga at para naman akong natulala habang nakatitig sa kanyang mga mata.