CARMEN P.O.V Napapabuntong-hininga ako habang nakaupo sa sala. Nasa harapan ko ang larawan ni Zarina, anak kong matagal nang nawawala. Isang buwan na siyang hindi nagpapakita, at kahit anong gawin ko, parang wala akong magawang tama para mahanap siya. Napakatigas ng ulo ng batang iyon. Naisip ko, paano niya nagagawang tumakas ng ganito? Ni hindi ko akalain na magagawa niyang mawala nang ganito katagal. Lahat na ng paraan ginawa ko—nagpagawa ako ng mga flyers, nag-post sa social media, humingi ng tulong sa mga kamag-anak at mga kaibigan—pero walang balita. Parang naging hangin siya, biglang nawala. Naisip kong tawagan si Lito, kapatid ko. Palibhasa, lagi silang magkasundo ni Zarina sa lahat ng kalokohan. Madalas pa ngang pati ako naiisahan nila. Tumawag ako sa kanya kanina, nagbabakasaka