EMIR P.O.V Damn it! Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Alex. I mean, he’s just my driver—well, hindi na lang driver ngayon, halos personal assistant na rin. Pero bakit parang nag-iiba ang t***k ng puso ko tuwing nandiyan siya? At bakit parang laging hinahanap ng labi ko ang mga labi niya? Nandito kami ngayon sa opisina ko, at katulad ng dati, hindi ko na naman siya pinayagan na lumabas. Kailangan ko siyang makita, kailangan ko siyang kasama. Ewan ko ba, pero kapag nalalapit siya sa ibang tao, lalo na sa mga babaing empleyado ko, para akong mababaliw. Kaya heto, naka-upo siya sa sofa, kumakain ng popcorn habang nanonood ng pelikula sa iPad ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. ‘Yung malalim niyang mata na palaging m