ZARINA P.O.V Habang hinihintay ko si Boss Emir na bumaba mula sa opisina niya, nakatayo ako sa tabi ng kotse at naisipan kong magtanong. Mukhang maganda ang mood niya ngayon, parang may something na nagbigay ng extra spring sa hakbang niya. Sa wakas, bumaba na siya at sumakay sa kotse. “Boss, saan kita dadalhin ngayon?” tanong ko, habang ini-start ang makina. Napatingin siya sa akin, nakangiti na parang may iniisip. “Alex, dalhin mo ako sa isang restaurant. I’ll meet someone there.” Napansin ko agad ang ngisi niya, parang may ibig sabihin. "Sino 'yung ime-meet mo, Boss? Mukhang excited ka, ah." Tinodo ko ang tanong, kasi bihira ko siyang makita na ganito kasaya. Madalas kasing seryoso at business-mode si Boss. Hindi ko mapigilan ang pag-ngisi ko, so tinuloy ko na lang. “Babae ba? Uy,