Chapter 16

883 Words
“If you have anything else in mind, sabihin mo lang sa ‘kin.” Pinakunot ni Daneris ang ilong at napangiti rin sa wakas. “Mas gusto ko ‘yong… tunog ng… boyfriend.” Napakiling siya ng ulo. “Pero… hindi mo pa ako nililigawan.” Napatawa ito nang marahan. “I’ll do it starting right now!” Siya naman ang napatawa rito. “Biro lang. Hinalikan mo na ako, eh. Okay na. Huwag na nga. Hinalikan din naman kasi kita kaya tayo na.” Ngumisi sa kanya ang lalaki nang nakakaloka at nakakaluwag ng bra at panty. Pinamulahan tuloy siya ng mukha. “Akala ko pahihirapan mo pa ako.” Hinalikan nitong muli ang kamay niya, nakatitig pa rin sa mga mata niya. “But I won’t mind. I’ll court you everyday, Dani.” Kinilig siya sa sinabi nito at saka naalala niya ulit ang halikan nila kagabi. Napangiti siya rito. “Hindi ako ang tipo na nagpapahirap ng tao. Palagi kong iniisip at inilalagay ang sarili ko sa kung ano ang sitwasyon nila.” “So, you pity me?” He frowned. “Is that it?” Alam niyang touchy subject ito lalo na sa pinagdaanan nito. “Hindi. Iba naman ‘yan. At… iba ka,” agad niyang turan, nang deretsahan. “Why? Is it because of my scarred face?” diretsong tanong nito sa kanya. “Callum, I don’t care about your scarred face. Para sa ‘kin, sobrang guwapo mo.” “No need to flatter me, Dani.” “Hindi, ah! Sinasabi ko lang sa ‘yo ang totoo!” mabilis na giit niya. “Kung guwapo ka ngayon sa paningin ko kahit na may peklat ka, paano na kung wala?” Tumitig sa kanya ang lalaki. Hindi nakapagsalita. “Hindi naman mahalaga ang pisikal na kaanyuan. Alam kong alam mo ‘yan⸺” Umiling si Callum. “No. It matters to some people. They would stare at you like you’re a monster. If not, they would take pity on you. They feel sorry for you. And I don’t want any of that directed to me, Dani.” “Kung gano’n, minsan ba ay naisip mong magpa-opera para matanggal ‘yan?” kuryusong tanong niya. Kita niya ang paninigas nito sa kinauupuan. “No. I never thought of that. It never occurred to me to go under the knife, even though I can well afford it.” Bahagya siyang napakunot-noo. “Kung gano’n, bakit? Kung ayaw mong kaawaan ka, kung ayaw mong tingnan ka nila na parang halimaw, bakit? Bakit hindi mo ginawa?” “Because I don’t want to forget. I don’t want to move on from what happened five years ago.” Napalunok si Dani sa kanyang narinig at lumukso ang puso niya. Pinilit niyang ngumiti sa binata. “Just so you know, Callum, I don’t pity you. Instead, I admire you. Humanga ako sa tatag mo. Kahit sa nangyari sa ‘yo, pinatakbo mo nang mabuti ang negosyong naiwan sa ‘yo. Pinalaki mo pa nga, eh, ‘di ba? Lalo ka pa ngang yumaman pero maniwala ka, wala akong pakialam sa pera mo. Ikaw lang talaga ang gusto ko. Naniniwala ka ba sa ‘kin?” Napangiti itong muli sa kanya. “Naniniwala ako sa ‘yo. Pero… sasabihin mo ba sa ‘kin kung sino si John Mark?” Napamaang siya. Naalala niya tuloy ang kumag na iyon. Para sa kanya, sayang lang ang oras na pag-usapan ito. “Ah. Kailangan mo pa bang malaman?” aniya sa binata. “As you said, I’m your boyfriend, so I have to know, Dani.” Ngumuso siya. “Si John Mark… ex-suitor ko no’ng college. Hindi ako interesado sa kanya kahit noon pa. Medyo… naging stalker ko siya.” Napangiwi siya pagkatapos. “What?” naalarmang anito. “Huwag mo nang isipin ‘yon. Alam ko namang… nandiyan ka lang, so ligtas ako.” He chuckled softly. Hinila siya nito at napatayo siya. Niyakap siya nito sa baywang habang nanatili itong nakaupo. Napaangat ito ng tingin sa kanya at medyo nakayuko siya. “Really?” “Oo naman,” malambing niyang sagot. Nginitian niya pa ito nang matamis. “Susunduin kita mamaya pagkatapos ng TV appearance mo.” “Sigurado ka? Hindi ka ba busy?” “I manage my own time. If I want to see my girlfriend, then I will see her. Ikaw ang priority ko simula ngayon, Dani.” Gusto niyang tumili at maglupasay sa kilig pero ngumiti lang siya sa binata nang kagat ang pang-ibabang labi. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Girlfriend na siya nito. Ang sarap niyon sa kanyang pakiramdam. Marahan niyang hinagod ang mabangong buhok ni Callum. Kapagdaka’y marahan niya ring hinawi ito upang tingnan ang peklat nito. Nai-imagine niyang mas malala ito dati. Ngayon ay parang nag-fade ito pero nandoon pa rin. Napatitig siya sa mga mata nito bago dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi upang halikan ang peklat nito. Bawat pulgada ng peklat nito ay hinalikan niya. Napapikit ito ng mga mata. “Dani…” bulong nito. “Akin ka na, Callum. Kahit ano’ng mangyari… kahit ano pa ang iisipin mo sa hinaharap, akin ka na. Walang bawian,” mahinang bulong niya rito at naramdaman niya ang pagngiti nito bago siya hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD