Chapter 17

904 Words
Pinanood ni Callum ang palabas sa TV kung saan nag-appear ang dalaga. Kung anu-ano na lang ang itinatanong ng mga noon-time TV show hosts sa dalaga. Tinutukso pa ito tungkol sa personal nitong buhay nang dumako roon ang katanungan ng mga ito pagkatapos ng kanyang ini-endorse na X-Rave car para sa CMA Group. Subalit naging mailap lang ang babae at hindi ginatungan ang issue. Gamit ang kanyang kotseng may tinted windows ay sinundo niya ang dalaga pagkatapos ng show nito. Nanood sila ng sine pagkatapos nilang mag-late lunch. Gumala sila sa mall at nag-dinner naman sa isang mamahaling restoran. Ito ang unang pagkakataon na lumabas siya ng kanyang penthouse nang halos buong araw at hindi dahil sa trabaho. “Pag-iisipan ko pa kung tuluyan na akong magre-resign sa call center,” ang sabi ni Dani sa kanya nang kinulit niya itong muli tungkol doon isang weekend night sa penthouse niya. Nag-de-date na sila nang tatlong buwan pero hindi pa rin ito tumigil sa pagtatrabaho bilang agent. Kaya naman ay weekend lang sila nagkakasama. “At… ‘yong account mo sa bend-over site?” Napangiti ito sa kanya nang nakataas ang kilay. “Ano’ng tungkol doon?” Pumihit ito nang paharap sa kanya habang magkatabi sila sa mahabang sofa na may itim na leather upholstery. Sumimangot siya. “I-deactivate mo na kasi ang account mo roon!” demand pa niya. Napalabi ito sa kanya. “Eh, iba naman ‘yon. ‘Tsaka… wala na akong bagong photos simula nang mag-endorse ako sa X-Rave.” Napamaang siya rito. “Ano? Dani, ayokong may iba pang makakakita sa ‘yo… kahit hindi mo nga ipinapakita doon ang mukha mo pero alam ko at ayokong isipin na pinagpapantasyahan ka na lang ng kung sinu-sino sa internet.” Napabuntong-hininga siya sa inis. Hinaplos nito ang kanang pisngi niya. “Okay. Fine. Akin na nga ang laptop mo at ide-deactivate ko ‘yon sa harap mo mismo!” Napangiti siya. Agad siyang tumalima at dinala ang laptop. Pinanood niya itong pinindot ang button para ma-deactivate ang account sa adult site na iyon. Inilapag nito ang laptop sa center table at humarap sa kanya. “O, ano? Masaya ka na ngayon? Alam mo bang kumplikado ang paggawa ko ng account doon? Kinailangan ko pang mag-submit noon ng valid ID at bank details⸺” Natigil ito sa pagsasalita nang kinabig niya ito sa leeg at siniil ng halik. Pagkatapos ay hinila niya ito sa baywang para ilapit sa katawan niya. Napabuntong-hininga ito sabay napadaing nang marahan. Niyakap din siya nito sa leeg at tinugon ang halik niya. All this while, he had longed to make love to her. Pero nagpigil lang siya sa sarili dahil ayaw niyang madaliin ang relasyon nila ng dalaga at gusto niyang malamang handa na rin ito para sa susunod na level ng kanilang relasyon. Gaya ng kanyang nasabi ay araw-araw niya itong nililigawan, binibigyan ng regalo, bulaklak, at ipinapahayag ang damdamin niya para rito. He was a perfect gentleman. Ngayon ay tinutugon ng babae ang bawat paghayag niya ng kanyang damdamin. And now, he thought he had waited long enough to make love to her. Isa pa, sa tingin niya ay handa na rin ito. Ramdam niya iyon sa bawat pagtugon nito sa halik niya. Paulit-ulit nitong sinasambit ang pangalan niya at naglikot na rin kapwa ang mga kamay nila. Hinubad niya ang sleeveless tank top nito. Isinunod niya ang kanyang sariling T-shirt. Yumuko siya upang halikan ang gilid ng leeg nito pababa sa lambak na nasa pagitan ng dalawa nitong bulubundukin. Kasabay niyon ay hinubad niya rin ang bra nito. Inihiga niya ito sa mahabang sofa at banayad na inangkin ang isang light brown na dunggot. Marahang umarko ang likod nito at napahalinghing habang napakapit sa kanyang leeg. Nakayakap ang mga binti nito sa kanyang baywang nang binuhat niya ito patungo sa itaas, sa kanyang silid. Pero hindi man lang naghiwalay ang kanilang mga labi. Inilapag niya ito nang marahan sa kanyang malaki at malambot na kama. Tuluyan na niyang hinubad ang suot nitong maikling shorts at G-string. Nag-aapoy sa pagnanasa ang kanyang mga matang napahagod ng tingin sa alindog ni Dani. Ang walang saplot nitong dibdib ay napakaputi, napakaganda, at napakalambot tingnan. Nakakaakit. Maliit ang baywang at maganda ang pagkakurba ng balakang nito. Bahagyang sabog ang mahabang buhok nito sa unan niya. Nangangalahati ang pagpikit nito ng mga mata, dahilan na mas lalo itong nakakaakit at nanghahalinang tingnan. Napalunok si Callum bago niya inalis ang natitira niya ring kasuotan para daluhan ang dalaga sa kama. Hinaplos nito ang kanyang matigas na dibdib at tiyan. He let out a low groan when her hand made its way further down south of his body until her fingers wrapped around him. She stroked him there gently. He cursed under his breath and leaned down to kiss her lips, to taste her once again. “I love you, Callum,” bulong nito sa kanya. “Oh, God… Dani…” tugon niyang medyo nanginginig. Hinalikan niya ito sa leeg pababa sa dibdib nito. Ang kanyang isang kamay ay bumaba sa balakang at hita nito. Hinimas niya ito nang banayad. Pagkatapos ay pumaitaas na naman iyon patungo sa isang dibdib nito upang bahagya iyong masahiin. Nagpatuloy siya sa pagsimsim ng isang dunggot bago lumipat sa isa pa. Ang isang kamay ay pumisil-pisil sa iniwang magandang taluktok. Bahagya itong umigtad at napadaing nang mahina. Isang tunog na parang musika sa kanyang pandinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD