Chapter 15

1127 Words
Napasunod ang mga mata ni Daneris sa bawat galaw ng tuwalya. Napalunok tuloy siyang parang tanga. “Sana tuwalya mo na lang ako,” mahinang wika niya. “What?” Narinig niya ang pagtawa nang marahan ng binata. Tumikhim siya bago nagsalita at napaiwas ng tingin. Parang hindi kasi siya makahinga nang normal dahil sa kalapitan nito. Kahit pawis na pawis ito ay mabango pa rin ang lalaki. ‘Jusko. Bakit gano’n?’ Parang gusto na niyang dambahan ang lalaki at pupugin ng halik. “Um… A-ayoko lang istorbohin ang pag-e-exercise mo,” palusot niya. Lumunok siya ulit at napahagod ng tingin sa abs nito. “Ah. Kaya pala nakatayo ka lang diyan at pinanood lang ako.” Nanunukso pa rin ang tingin nito sa kanya habang patuloy itong nagpahid ng pawis sa leeg, dibdib, at tiyan. “P-paano mo nalaman? Hindi ka man lang lumingon sa ‘kin.” Ininguso nito ang salamin. Napamaang siya dahil dito. Ang laki pala niyon pero hindi niya napansin dahil nasa gilid siya ng pintuan at natakpan iyon. Pero makikita pa rin siya ng lalaki sa kinaroroonan nito. O kaya naman ay simpleng hindi niya lang napansin iyon dahil nasa kay Callum lang ang paningin niya? Anyway, nahuli siya nitong nakamasid lang dito nang ilang minuto. Napatikom na lang siya ng bibig na pasulyap-sulyap sa binatang nakangiti sa kanya. “Kumain ka na?” tanong nito. Tumango siya. “Ikaw?” “Mamaya na. I’ll just take a shower first. Sasamahan mo ba akong kumain?” Kumibit siya. Mahilig pala sa brunch ang binata. Kumakain pagkatapos mag-exercise. Habang nag-sho-shower ang lalaki ay nagbabasa siya ng ilang pahina ng newspaper na s-in-ubscribe nito. Dumating naman ang taga-pantry para sa brunch ng binata at inihanda iyon sa dining table nito malapit sa kusina. Bihis na ang lalaki pagkatapos lang ng kinse minutos. Suot nito ang puting shirt na may long sleeves, pinaresan ng navy blue na kurbata at slacks, saka makintab na dress shoes. Fresh itong tingnan. Hindi talaga niya mapigilan ang sariling huwag mapahanga rito. Kulang man ang suot nito o hindi, wala siyang masabi. At sa malandi niyang isip ay alam niyang napakagandang lalaki nito kahit walang saplot. Napakagat-labi na lang siyang sinamahan ito sa mesa habang kumakain. “Ano’ng sched mo ngayon?” tanong ni Callum habang kumakain. “Hindi ko naitanong kay Peter.” “May TV appearance ako in three hours,” turan niya. “So, dapat ka na palang maghanda in an hour or so.” Tumango siya. Nakatitig siya rito habang nagpapatuloy ito sa pagkain hanggang sa tumigil ang lalaki nang saglit. “Bakit hindi ka kumain para sabayan na ako?” “Kumain na nga ako. I have to watch my figure, too.” Napangiti siya rito nang pilya. He chuckled softly. Sinulyapan nito ang suot niyang shorts at fitting na T-shirt. “Mukha ka namang walang problema pagdating sa weight mo. It’s just breakfast.” “Please lang. Huwag mo na akong tuksuhin diyan.” Kinikilig naman siya nang tinitigan pa rin siya nito. Gusto niya talaga ang malalagkit nitong tingin sa kanya. Kahit pinakaba ang puso niya ay masaya naman siya. “Ganito ka ba palagi? I mean, ‘yang… sexy figure mo.” Napatawa siya rito nang mabini. Flattered naman siya sa narinig mula sa binata. “Are you flirting with me while you’re eating your breakfast?” pakli niya. Napangisi ito. “Hindi ko lang mapigilan ang sarili kong humanga sa ‘yo.” Napatitig siya rito. Natutuwa siyang napapangiti niya ang binata, ‘di tulad noong una nilang pagtagpo. He was distant and aloof⸺almost indifferent. Pero ngayon, parang lumulundag-lundag ang puso niya sa tuwa dahil napalagay na rin ang loob nito sa kanya. Hindi lang iyon. Alam niyang gusto siya nito pero hindi nito alam kung gaano siya kasaya dahil dito. “Narinig ko nga palang nag-leave ka lang sa trabaho mo. Bakit hindi ka na lang mag-resign? I’ll take care of you.” Nagulat siya sa sinabi nito. Pinanood niya itong uminom ng fresh juice na cucumber. Nagpahid ito ng table napkin sa bibig bago niya nakapa ang sariling boses. “A-ano’ng ibig sabihin ng huling sinabi mo?” Napalunok pa siya. Gusto pa rin niyang iproseso sa isip ang sinabi nito. “I’ll take care of you. Ako’ng bahala sa ‘yo.” Diretso pa rin itong nakatitig sa kanya. Napakurap-kurap siya at umiling. “Hindi ko pa rin maintindihan ang gusto mong iparating sa ‘kin, Callum. K-kung naisip mong lumapit ako sa ‘yo dahil sa pera mo o dahil sa—” Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa. “Hindi lang ito tungkol sa pera. Alam kong wala kang problemang maghanap ng pera… although I know it may be stooping to a lower level, or rather, in an unorthodox way.” Agad nitong bawi nang magbuka ang bibig niya para barahan sana ito pero napatikom din siya ng bibig. “I just meant that… if you work for me full time, palagi kitang makikita at makakasama.” “At ano naman ang gagawin ko rito sa kompanya mo? Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Malamang may masasabi ang ibang mga empleyado na naka-graduate sa mga private university⸺” Kumibit ang lalaki at pinutol ang pagsasalita niya. “Just do what you’re doing now.” Napataas siya ng kilay. “Ang alin?” Ngumisi ito sa kanya. “Magpakita ka lang sa ‘kin and you make my day.” Umawang ang mga labi niya saka napatawa siya rito. “A-ano? Sa tingin mo, ano ang sasabihin ng mga empleyado mo? Na ginayuma kita kaya napalapit ka sa ‘kin nang ganito kabilis?” “I don’t care what they say. Wala silang pakialam. Boss ako rito. Huwag ko lang marinig ‘yan mismo sa kanila at makakatikim sila sa ‘kin.” Pinisil nito ang kanyang kamay. Kumurap siya at napatitig nang husto sa seryosong mukha nito. “So… ano tayo, Callum?” nalilitong usisa niya. Gusto niyang malinaw kung ano na nga ba ang relasyon nilang dalawa. “Kahit na anong gusto mo.” Kumibit ang lalaki. “Ah… so… dapat ba akong mag-assume na… na…” Ngumisi ito nang malapad at itinaas ang kamay niya upang halikan iyon. “Your lover… your boyfriend… your beau… anything you call it. Ako ‘yon.” Parang matutunaw ang puso niya sa sinabi nito. Napatikom siya ng bibig para hindi nito makita ang kilig niya at baka lalapad din ang ngiti niya. Ayaw niyang makita nitong nasisiyahan talaga siya sa narinig. Pinilit niyang maging pormal pa rin at seryoso habang nakatitig sa mukha nito. “So, sa tingin mo ay papayag ako riyan sa sinasabi mo?” Natigilan nang saglit ang lalaki sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD