Napasulyap si Callum sa dalagang nasa tabi niya. Nagmamaneho siya ng kanyang kotse para ihatid ito pauwi. Kahit narinig na niya ang pag-ding ng elevator kanina ay hindi siya agad tumigil sa paghalik sa dalaga. Kahit sinabi iyon ng kanyang rasyonal na isipan ay hindi naman agad sumunod ang kanyang katawan. Ayaw niya kasing tigilan ang pagsimsim sa matamis nitong labi, lalo na’t tinugon nito ang bawat halik niya.
So, Peter caught them in the act. He should have been mortified after all the denials he did and going against his friend’s choice about the X-Rave model. But then, he did not mind at all. Kahit papaano ay parang gusto niyang malaman ng kaibigan na sa kanya si Dani. Whatever that meant.
“What happened back there…” umpisa niya nang maiparada ang kotse sa harap ng gate ng bahay ng dalaga.
Pumihit itong paharap sa kanya. “Hindi ko pinagsisihan ‘yon. Callum.” Banayad ang pagkasabi niyon ng dalaga na may matipid na ngiti.
Ito ang pangatlong pagkakataong sinambit nito ang pangalan niya. His heart skipped a beat. Gusto niya ang pagkasambit nito sa pangalan niya. Inilapit niya ang mukha rito upang halikan sana ito nang bumukas ang ilaw sa harap mismo ng gate.
Tumikhim ang dalaga at hinawakan siya sa balikat. “Goodnight, Callum. Pupuntahan kita bukas sa penthouse mo. Umalis ka na… dahil medyo late na.”
“Babatiin ko lang ang ama mo. Mukhang gising pa, eh.” Sumulyap siya sa harap ng gate.
“H-huh? Ano? Huwag na. Sabi ko, late na, ‘di ba? At… ayokong makita ka ni Tatay. Baka… baka kasi marami pa siyang itatanong sa ‘yo. Mahirap na.”
“I don’t mind. I can just answer them,” kalmanteng tugon niya.
“Well, I do mind. Kaya… magkita na lang tayo bukas. Okay?”
Nagbawi na lang siya at tumango rito. “Okay. Goodnight… Dani.” Nakita niya ang ngiti nito nang umibis ng sasakyan niya.
Sumenyas ito sa kanya na umalis na kaya iyon na lang ang ginawa niya na may ngiti sa labi.
***
Napasapo sa kanyang dibdib si Dani nang lumabas ang kanyang ama upang buksan ang gate. Napasulyap pa siya sa umalis na kotse ni Callum. Buti na lang ay hindi agad lumabas ng bahay ang ama niya. At buti na lang hindi na nagpupumilit si Callum na batiin ang ama niya.
“’Di ba sabi ko naman sa ‘yo, Tay na huwag mo na akong hintayin?” marahang aniya.
“Eh, gusto ko lang masigurado na darating ka nga nang maayos. Kumusta ang event?” tanong nito na isinara ang gate at sabay na silang pumasok sa kabahayan.
“Okay lang pero nakakapagod din pala.” Mabilis niyang ikinuwento ang tungkol doon bago siya nagpaalam sa ama na magpapahinga na sa sariling silid.
“Sige. Goodnight, anak. Ido-double check ko lang ang mga bintana at pintuan kung naisara ko na nang maayos.”
Tumango siya. Napabuntong-hininga naman siya nang makapasok siya sa kanyang silid. Muntikan na iyon kanina. Kapag magpapatuloy ito, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Pero gusto niya si Callum. At sa tingin niya sa nangyari kanina ay gusto rin siya nito. Hindi lang niya alam kung ano ang mararamdaman nito kapag malaman kung kaninong anak siya. Alam niyang dapat niya ring sabihin sa binata ang totoo pero hindi muna ngayon. Not so soon. Gusto pa niyang makasama si Callum kahit papaano. Kahit na maikling panahon lang. Siguro ay tama na iyon para sa kanya para maiparamdam dito ang kanyang nadarama.
Dilat pa rin ang mga mata niya habang napapaisip sa binata. Hindi pa rin siya makapaniwala sa halik na iyon. Ang sarap. Nakakaadik. Parang drugs lang. Niyakap niya ang unan nang kagat-labi nang nakangiti. Tumagilid siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa unan.
Dinampot niya ang cell phone nang tumunog ang message alert tone nito. Tila lumabas ang hearts sa mga mata niya nang mabasa ang text ni Callum. Sinabi nitong dumating na ito sa penthouse at iniisip pa rin siya nito.
Napangiti siya nang malapad. Tinawagan niya ito na agad namang sinagot ng binata. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tuloy ay nakiramdaman sila at nakikinig sa kani-kanyang hininga.
“Dani…”
“Callum…” Magkasabay pa silang nagsalita.
“I’ll just see you tomorrow,” nasabi na lang niya.
“Right. Sleep tight.”
Napakagat-labi na lang siyang tinapos ang tawag na iyon at pinakawalan ang isang malalim na hininga.
Kinabukasan ay pinatuloy lang siya ni Justine sa pribadong silid ng binata sa penthouse. Kinatok niya ang pinto at pinihit ang seradura saka pumasok. Hindi niya nakita ang binata roon. Isinara na lang niya ang pinto at sinimulang hanapin si Callum. Alam niyang napakaaga pa niya pero gusto niya kasing makita na ito pagkatapos ng nangyari kagabi. Excited siyang masyado kasi.
Nakita niya ang isang bukas na pinto. Malapit iyon sa banyo, nasa ilalim lang ng hagdan. Kaya naman ay sumilip na siya roon. Isa pala yaong gym. May iba’t ibang equipment siyang nakita, katulad ng dumbbells na nasa sahig, isang stationary bicycle, at iba pa. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang naka-shorts lang na binata. Tumatakbo ito sa treadmill. Kumintab ang halos hubad nitong katawan dahil sa tumatakbong pawis sa katawan nito. Basa rin ang mahaba nitong buhok dahil sa pawis.
Nanunuyo ang lalamunan niya. Nakakita ba naman siya ng sobrang hot na lalaki, eh. Kaya pala ang ganda ng tikas ng katawan ng binata dahil nag-eehersisyo ito nang regular. May sarili itong gym sa mismong penthouse nito.
‘Puwede bang pawis na lang ako at nang mahaplos ko naman ang yummy-looking abs at dibdib mo?’ anang maharot na isipan niya.
Napalunok pa siya at dinilaan ang mga labi. Hindi niya maalis-alis ang paningin mula sa binatang tumatakbo pa rin sa treadmill. Halos hindi rin siya kumurap. Ayaw niyang ma-miss siya sa bawat galaw nito.
Ilang minuto rin ang lumipas ay pabagal na ang pagtakbo nito hanggang sa naglakad na lang ito at tumigil na. Napalingon ito sa kanya nang diretso nang may pilyong ngiti sa labi. Napakurap-kurap siya at agad na tumakbo ang dugo niya papunta sa pisngi. Inabot nito ang isang tuwalya at humakbang papalapit sa kanya.
“Did you just watch something enjoyable and dumbfounding?” tudyo nito habang pinapahid ang pawis sa leeg at dibdib habang nasa harap niya.