“Sorry, Callum. Pero sa tingin ko, hindi naman—”
“Huwag kang magsalita tungkol sa peklat ko na parang may alam ka. It’s not because I let you get closer to me more than anyone else, it doesn’t mean you have the right to touch me—the way you just did.”
Napalunok si Daneris. Ramdam na naman niya ang sakit sa dibdib niyang parang may itinarak na kutsilyo ang lalaki roon. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang gusto niyang tao ay ayaw magpahawak sa kanya na para bang may sakit siyang nakakadiri?
Sasara na sana ang elevator pero pinindot niya ang button para manatili itong bukas. Ayaw niyang umalis lang nang basta. Gusto pa niya itong kausapin.
“Sorry… but I’m not sorry I did it, Callum,” sabi niya. Humakbang siya palapit dito, isang hakbang mula sa pinto ng elevator kaya hindi na siya nakasakay niyon.
Nakatingin sa kanya ang lalaki nang may pagkalito at pagkasorpresa. Kita niya ang pagbilog ng isang mata nito. Lalo pa siyang lumapit dito at halos gahibla na lang ang layo nila sa isa’t isa. Amoy na amoy niya ang pabango nito at dama niya ang mainit nitong katawan. Inangat niya ang mukha para salubungin ang isang mata nitong nakatingin sa kanya.
“G-gusto lang kitang hawakan… haplusin… kahit minsan lang, Callum. Gusto ko lang talagang⸺” She then heard him curse under his breath. Kaya naman naputol ang nais niyang sabihin. Kasabay niyon ay hinawakan siya nito sa dalawang balikat at isinandal siya sa dingding. Bago pa niya malaman ang susunod nitong gagawin ay dumantay na sa kanyang mga labi ang labi nito.
Nasorpresa man siya ay napapikit siya ng kanyang mga mata at tinugon ang paghalik nito. Ang mga kamay naman niya ay napakapit sa suot nitong jacket suit. He tasted unique, sweet, and manly at the same time. She could also taste the red wine he sipped earlier. His lips were warm and soft. It was so good to feel them moving against hers.
Lumukob sa kanyang katauhan ang pabango nitong gustong-gusto niyang amuyin. All of it reeled her senses. Her mind went blank, only to focus on him. Alone. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya na parang tinambol nang husto, samantalang nanghihina ang kanyang mga tuhod kaya naman ay todo ang pagkapit niya sa binata.
Narinig niya ang pagsambit nito sa palayaw niya nang paungol habang hinahalikan siya sa labi. Ramdam niya ay parang nasa cloud nine siya nang mga sandaling iyon.
Naramdaman niya ang pagbaba ng mga kamay nito mula sa kanyang balikat patungo sa kanyang braso at baywang. Idinikit pa nito ang katawan sa kanya, at nadiin siya sa pader. Ramdam niya ang matigas nitong katawan, pati na ang matigas nitong harapan.
To her surprise. To her excitement. She had no idea he was already aroused ‘til that moment he ground his hips against hers. Hindi niya alam pero ngayon lang din siya nae-excite nang ganito.
Lalong umalab ang kanilang halikan. Bahagya nitong kinagat-kagat ang pang-ibaba niyang labi bago nito ipinasok ang isang dila sa loob ng kanyang bibig kaya napaungol siya nang mahina. Parang napuno ang bibig niya sa klase ng paghalik nito. Sobrang marubdob. Samantalang ang isang kamay nito ay nasa gilid ng kanyang balakang, humaplos doon nang banayad. Sinaid nito ang kanyang makinis na balat sa ilalim ng slit ng kanyang damit at napasinghap siya nang dumantay ang mga daliri nito sa linya ng kanyang underwear. Tila gumalugad ito roon. Pakiramdam niya ay hahawiin nito iyon anumang sandali o kaya naman ay pupunitin. Naka-T-back pa naman siya.
Ramdam niya ang mga daliri nito sa ilalim ng isang pisngi ng kanyang pang-upo nang dumako ang mga ito roon. Pinisil nito iyon nang banayad at napadaing siya nang mahina. Ramdam niya ang pananabik na nagtitipon sa kanyang dibdib, bumaba sa kanyang tiyan at papunta sa kanyang puson. Ewan niya pero parang pumipintig ang p********e niya nang hindi niya maintindihan at namamasa na siya. Noon niya lang napagtantong natu-turn on na siya sa ginagawa sa kanya ni Callum, bagay na noon niya lang naramdaman.
Pinaikot-ikot ng lalaki ang palad sa kanyang pang-upo at pinisil-pisil itong muli habang malalim siyang hinahalikan. Parang gusto nang dumausdos ni Daneris sa pader dahil sa panlalambot ng kanyang mga tuhod. Kaya naman ay lalo pa siyang napakapit sa lapel ng jacket ng binata at tinugon ang bawat paggalaw ng mga labi nito sa labi niya.
Biglang tumunog ang elevator at narinig nilang bumukas ito. Gayunpaman, marahan lang silang naghiwalay at nang napalingon siya ay nakita niya si Peter na nakamaang na nakatingin sa kanila. Si Callum ay nakayakap pa rin sa kanya at nakatungo ang ulo, ang labi ay malapit sa kanyang pisngi samantalang ang palad ay nasa pang-upo niya pa rin.
Napalunok siya habang ramdam ang pamumula ng kanyang pisngi at hindi normal ang paghinga.
“Um… H-hindi ko alam na magkasama pala kayong dalawa at m-magkasama nga kayo. Rito. N-nang ganyan,” pautal-utal na sabi ni Peter. Tumawa pa ito nang awkward.
Marahang napalingon si Callum dito at bahagya itong lumayo sa kanya. Siya naman ay nanatiling nakasandal sa dingding at hindi gumalaw nang kahit isang pulgada.
“Umakyat ako rito para makipag-usap sa ‘yo tungkol sa proposal ng dalawang potential dealers at magpaalam na rin sana sa ‘yo,” mabilis na dagdag ni Peter, kay Callum nakatingin.
Napatikom na lang ng bibig si Dani nang humakbang paatras si Callum para harapin ang kaibigan.
“Pag-usapan na lang natin bukas ang mga ‘yan. Ihahatid ko lang si Dani sa kanila,” kaswal na sabi ng binata na tila ba ay walang nangyari.
Tumuwid naman sa pagtayo ang dalaga. “H-huwag na. Magta-taxi na lang akong pauwi.”
Napalingon sa kanya ang binata. Halatang hindi nito gusto ang namutawing mga salita sa kanyang mga labi.
“Sinabi kong ihahatid na kita at iyon na nga ang gagawin ko.” Bumaling ito kay Peter. “Magpamaneho ka na lang sa company driver natin. Mukhang nakainom ka na rin at hindi ka dapat na magmaneho ng kotse mo para iwas-disgrasya,” pinal na wika nito.