Chapter 12

1149 Words
“Bakit gusto mong malaman?” pakli ni Daneris kay Callum. “You look… worried,” tugon ng lalaki. “I can handle myself. Bakit ka naman nakatayo sa likuran ko at nakikinig sa tawag ng may tawag?” kuryusong balik niya. Gusto na niyang tutupin ang bunganga. Bakit niya kasi tinanong ng ganito ang amo niya? “Hindi ako nagmamadaling dumalo sa maingay na party.” Ipinasok nito ang kamay sa bulsa ng suot na itim na slacks. She sighed inwardly. Akala pa naman niya ay susungitan na naman siya. “Hindi ka pa ba gutom?” Sinulyapan niya ang oras sa cell phone. “Past eight na rin.” “Nagpahatid na ako ng pagkain sa penthouse ko. I was just going to check the party and how it’s going. It seems fine. Anyway, si Peter ang marketing director at ang mga tauhan ko na ang bahala sa mga bisita ng CMA Group. The party is going to go smoothly even without my presence. You can just take a look for yourself.” Kumibit ang lalaki at ikinumpas ang direksyon ng party. Napatawa si Dani nang marahan. “Hindi ako nakakain nang mabuti dahil sa mga bisita mo at kay… Mandy.” Tumaas ang kilay nito. “Kinausap na niya si Peter?” Tumango siya. Kumibit naman ito. “It’s just about business. Nothing personal. So, I don’t really care if she’s there or not. Kung gusto mo, saluhan mo na lang ako.” Napatda siya sa narinig. Tuloy ay napatitig siya sa mukha ng lalaki. Napalabi siya nang bahagya at napatawa nang mahina. “Sigurado ka ba? Baka naman i-chi-chismis tayo. Siguro naman ay hindi ka sanay—” “What do you think about this?” Iniharap nito ang palad sa harap ng mukha, tinukoy ang peklat. “Sa tingin mo ba ay hindi nila ako pinag-uusapan sa tuwing nakatalikod ako? I’ve been like this for five long years. They still can’t get over it. So, do you think I can’t handle any more gossips?” Ito ang unang pagkakataon na nag-open up sa kanya ang lalaki. Gusto niya ito. “Okay! Dahil ako, wala akong pakialam sa chismis basta’t hindi below the belt.” Napaawang ito ng bibig pero napatikom din ito. Tumango. Mukhang alam na niya ang ibig sabihin niyon. Sa tingin niya ay alam din nito ang tungkol sa sideline niya sa bend-over.com. Kaibigan naman kasi ito ni Peter. At duda niyang alam na nito iyon sa simula pa lang. Pinauna na siyang pinapasok ng lalaki sa elevator bago ito sumunod sa kanya at pinindot ang top floor. Nakahanda na ang pagkain sa dining room nang dumating sila. Naisip niyang ang bilis naman ng caterer na maghatid at mag-ayos doon. Ang conference room ay nasa isang banda ng penthouse at ang private area ng binata ay nasa kanan naman. At unang pagkakataon niyang makapasok doon. Nang pumasok sila ay isang malaking living room ang nakita niya sa kaliwang banda. May French windows na nakatanaw sa magandang view sa labas. Maraming mga ilaw na iba’t iba ang kulay mula sa traffic lights at sa ibang mga gusali. Sa kanang bahagi naman ang dining room at kusina. Sa sentro ay isang hagdan papunta sa itaas. Halatang kuwarto at siguro isa pang banyo maliban sa isa na malapit sa kusina. Napansin niya ang mabangong amoy ng kabuuan nito. Parang fresh lavender. “Dito ka ba talaga nakatira?” tanong ni Dani kay Callum habang kumakain sila. With matching candlelights pa at medyo naka-dim ang ilaw para mas maganda ang epekto ng kandilang sinindihan kaya romantic ang setting and atmosphere. “For five years.” “Wala kang bahay o… mansion?” marahang tanong niya Napatitig ito sa kanya nang husto. “Bakit mo naitanong?” Kumibit siya rito. “Siyempre, nagtataka lang ako. Wala ka bang… ibang kapamilya?” “You seem to know about my family,” tantiyang anito. “N-nabasa ko sa news noon. Naalala kita. Namatay sa aksidente ang mga magulang mo. Pasensiya ka na at ikinalulungkot ko.” Nakita niyang tila bigla itong nanigas sa kinauupuan. Pero mga dalawang segundo lang iyon at nakabawi rin ito. “May caretaker ako, si Aling Merta. Siya ang tumatao at nag-aasikaso lahat doon sa bahay. I just… seldom go there.” “Bakit? Mas gusto mo rito sa penthouse?” tanong niya. Tumitig ito sa kanya. Tila tinimbang-timbang nito kung sasagutin nga ba ang kanyang tanong o hindi. “I feel comfortable here.” Napatingin si Dani sa paligid. “Mas malaki ang bahay mo kaysa rito?” Napangiti lang ito nang bahagya at nagpatuloy sa pagkain. Paminsan-minsan ay nagkabanggaan ang kanilang paningin. Tumunog ang cell phone niya. Binasa niya ang text ng ama kung anong oras siya uuwi. Tinawagan na lang niya ito. “Mayamaya po siguro ako uuwi, ‘Tay. Hindi pa po tapos ‘yong event, eh.” “Sige, anak. Text ka na lang. Susunduin kita dahil malalim na ang gabi,” tugon ng ama. Mukhang naninibago ito dahil imbes na papunta siyang trabaho ay pauwi siya. Kahit noong college pa siya ay sinusundo siya nito upang ligtas siyang nakakauwi. Napangiti tuloy siya nang maalala iyon. “Ayos lang po ako, ‘Tay. May… maghahatid sa ‘kin mamaya. Kaya huwag mo na akong hintayin.” Ayaw niyang mag-abala pa ang ama sa pagsundo sa kanya. Pero sa totoo lang ay may iba siyang dahilan. “Ipapahatid kita sa company driver pagkatapos ng dinner natin. Sa tingin ko, tapos na ang trabaho mo. Si Peter naman na mismo ang bahala sa schedule mo, ‘di ba?” Tumango siya rito. Pagkatapos nilang kumain at mag-usap ng ilang bagay ukol sa trabaho ay inihatid na siya nito sa elevator. Binigyan na nito ng instruction ang company driver upang ihatid siya. Pinasalamatan niya ang lalaki bago siya paatras na pumasok ng elevator. Dahil dito ay natapakan niya nang hindi sadya ang laylayan ng kanyang damit at babagsak sana siya kung hindi siya nahawakan at nahila ng binata sa kamay at baywang. Sa posisyon nila ngayon ay animo’y naka-pose sila sa isang sayaw na katatapos lang nilang p-in-erform. Nakahilig ang kanyang katawan at ito naman ay medyo nakahiyad ang isang tuhod. Magkalapit ang kanilang mukha sa isa’t isa. Minsan ay nakita na niya nang saglit ang peklat ng binata noong nasa boutique sila pero ngayon ay mas nakita na niya ito sa malapitan. Marahang umangat ang kanyang kamay upang hawakan ang pisngi nito. Nakita niyang gumalaw ang panga nito dahil sa pagtagis ng bagang. Napakurap ito habang nakatingin pa rin sa kanya. Pagkatapos ay tinulungan na siya nitong tumayo. “Please, don’t touch me again,” sabi nito sa kanya nang binitiwan siya. Ewan niya pero masakit para sa kanyang dibdib na marinig ito. Nagsara ang pinto ng elevator. Pinindot nito ang button at bumukas itong muli. Lumabas ang binata sa elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD