Chapter 10

931 Words
“Of course not! Ayoko lang makaharap ang plastik na babaeng ‘yon, okay?” inis na tugon ni Callum kay Dani. “Oh, okay.” “You better steer clear of her. Wala siyang mabuting bagay na maidudulot sa kahit kanino. Kapakanan niya lang ang iniisip niya.” “Iyan ba ang dahilan kung bakit ex mo na siya?” Napatitig siya sa modelo. “None of your business.” “Okay. Sabi mo, eh.” Napangiti ito sa kanya. “Bakit ka nakangiti riyan?” tanong niyang nagdikit ang mga kilay. Napasulyap siya sa paligid. Mukhang busy ang lahat sa pagsusuri sa X-Rave car ngayon habang patuloy na nagsasalita si Peter sa likod ng podium para sa kompanya. “Hindi ko lang inakala na may ex ka pala. I mean… naisip ko rin ‘yon… ‘yong tungkol sa intimate relationship mo dati man o sa kasalukuyan,” deretsahang sabi ni Dani. Marahan siyang napalingon sa babaeng nagsasalita. “And why… would you… think about that?” Napalunok siya pagkatapos. Parang gusto niyang basahin ang nasa isip nito kaya napatitig siya sa mukha nito. Ang kamay niya ay parang gustong mag-angat para haplusin ito sa pisngi nang hindi niya mawari. Gusto niya lang maramdaman kung gaano iyon kalambot at kakinis. Gusto niyang maramdaman ang balat nito. ‘God! I must be out of my mind! This is not good. She’s not good to me. I should stay away from her.’ “Because you look… lonely… and aloof… and maybe you need some connection⸺a body contact perhaps?” May panunukso sa mga mata nito pagkasabi sa huling mga salita. Isang saglit pagkatapos nitong magsalita ay bigla na lang siyang napatawa nang marahan. Hindi niya alam pero natawa siya rito habang napatingin ito sa kanya nang nagtataka. Pagkatapos ay parang napahiya at napatungo ng ulo. Hindi na siya nakapagsalita. Lumapit sa kanila si Sabine. “Excuse me, Sir Callum. Kailangan po namin si Dani.” Tumango siya rito nang bahagya. Tumalikod na sa kanya ang dalawa at naiwan siya roon. Lumapit na naman sa kanya si Mandy nang nakangiti. “Gusto ko lang sana makausap ang bago mong endorser. Kung puwede ay gusto ko siyang ma-interview para sa upcoming issue namin. She looks just like your type,” saad nito. “At ano ang makukuha ko kung papayag ako sa gusto mo?” sabi niyang inignora ang huling sinabi nito. Malamig pa rin ang tono niya at hindi ito tiningnan sa mukha. Hindi iyon ibig sabihin na may lingering feelings pa rin siya rito, maliban na lang sa pagkainis niya sa sarili na naniwala siyang mahal siya nito noon. He did not want to be reminded of his stupid younger self for falling for her then. “Well, you can advertise for free through our mag. Sa campaign mo para sa bagong model ng kotse n’yo, you would want to get a wider scope as much as possible. Magagawa mo ‘yan sa ‘min. After all, X-Rave is not only for the elite and men who collect cars or something… famous. Sa pangkalahatan… sa publiko. Ang magazine namin ay hindi lang mga babae o bakla ang readers. Right?” Makahulugan ang mga salita nito. “You can talk to Peter if you want an interview with our endorser. Busy pa si Dani sa ibang events. If Peter can squeeze you in, then why not? This is just business, isn’t it?” Right, he must remind himself that. Wala dapat na personalan. He realized it belatedly. He could use his ex if she offered it for free. Why not? After all, she owed him at least that much. “Great! I’ll talk to Peter then,” anang Mandy na maluwag ang ngiti. Iniwan na niya ito pagkatapos niyon. Kahit na ayaw niyang magkausap o magkalapit ang ex at si Dani ay ginawa lang naman niya ito para sa kompanya niya. Muli, naisip niyang walang personalan. Negosyo lang. Hindi na masama ang offer nito. Magkakaroon sila ng exposure nang libre sa pamamagitan ng magazine na hina-handle nito. “Hey! Siguro naman ay puwede pa tayong mag-usap?” Pinigilan siya ng babae nang nakailang hakbang na siya palayo mula rito. Tiningnan niya ang kamay nitong humawak sa braso niya. Agad din itong nagbawi dahil dito na parang napaso. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Mandy,” malamig niyang tanggi rito. Nagsimula na naman siyang maglakad patungo sa elevator. Sumunod pa rin sa kanya si Mandy at lalo lang siyang nainis. “I’m sorry, Cal.” Narinig niyang pahayag nito. Parang wala siyang narinig. Pinindot niya ang arrow up button. Naisip niyang mas maigi nang hintaying matapos ang showroom showcase. Mga isang oras na lang at pupunta na sa function hall ang lahat para sa dinner party na kasalukuyang inihanda na ng caterer na kinuha ng kompanya. “Kasalanan ko kung bakit tayo naghiwalay. I was just… young and stupid and… materialistic. Iba na ako ngayon, Cal,” dugtong ng babae. Hindi pa rin niya pinansin ang ex. Nang bumukas ang elevator ay pumasok na siya. Kaya naman ay nagkaharapan na silang dalawa. “I-I want you back, Cal,” biglang deklara ng kanyang ex. Humigpit ang kanyang panga at nagkiskis ang kanyang mga bagang. Ang malamig niyang mata ay nalipat kay Dani na nasa likuran lang nito. Bigla na lang itong sumulpot doon nang hindi niya napansin kundi ngayon lang. Ang ngiti nito ay napalis nang dahil sa narinig mula kay Mandy. Napasulyap siya sa ex at saka sa dalaga habang pasara na ang pinto ng elevator. Napakuyom siya ng mga palad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD