Chapter 9

1073 Words
Tumalikod na ang babae at nagtungong muli sa fitting room. Napasunod lang si Callum ng tingin sa dalaga. Hinila na naman ang mga mata niya sa natural na pagkembot ng balakang nito. Napatiim-bagang siya dahil sa nararamdamang pag-iinit ng katawan niya dahil dito. Hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang atraksyon niyang nararamdaman para sa babaeng ito. Ang lakas naman kasi at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan niya, katulad na lang ng gusto niya itong ibilanggo sa kanyang mga braso at siilin ng halik. Wow lang. Hindi na siya normal dahil sa babaeng ito. He never thought of things such as this before he met her⸺or rather, saw her sexy pictures on that adult site. “How’s this?” tanong ng dalaga na suot ang isang pulang sexy na thigh-high slit evening dress na may malalim na V-neckline. Matangkad itong tingnan ngayon dahil sa suot. Napasinghap siya sa kanyang nakita. Napamura. ‘It seems that Peter has sent me to this pleasure torture,’ asar na napaisip siya. Tumango lang siya sa dalaga at napaiwas na ng tingin. It was driving him crazy everytime she went out of the fitting room dressed sexily. Gusto na niyang mag-walk out. Pero sa kabilang banda ay gusto naman niyang manatili at matunghayan ang magandang babae. In fact, he wanted to ogle her. But of course, he couldn’t and he wouldn’t do such a thing like even touching this woman. Sigurado siyang katulad ni Mandy ay hindi siya makikita ng babae bilang isang lalaki kundi isang tulad ng ATM machine o bangko lang. Kaya kung anumang mayroon siya, hanggang pantasya na lang siya sa babaeng ito. Well, maybe it was safer for him to just fantasize her, anyway. Iwas sakit sa damdamin o pride niya bilang isang lalaki. Naisip niyang anuman ang interes ng babae sa kanya kung makatingin ito ay dapat huwag na niyang bigyan pa ng kahulugan. Dapat ibalewala lang niya. It was for his own good. *** Isang malaking event para sa CMA Group ang launching ng X-Rave car. Maraming press people ang nandoon. Halos kumpleto rin ang mga kliyente at bisita maliban na lang sa ibang nasa ibang bansa sa pagkakataong ito. Sa press conference ay nagbigay ng speech si Peter bilang spokesperson at marketing director ng kompanya. Siyempre ay kasama rin nila ang bagong mukha ng kompanya⸺si Dani. Samantalang nasa sidelines lang si Callum habang nakamasid dito at sa ibang mga tao na nasa event. “Hindi ba dapat ay humarap ka rin sa press?” wika ni Dani nang nasa isang sulok lang ng showroom ang binata habang si Peter ang abala sa pakikipag-usap sa mga potential dealers, press, at mga kliyente. Napatingin siya sa babae. Napapahanga siya rito sa tuwing napapatingin dito. Kasalukuyang suot nito ang isang mahabang damit na kulay royal blue na pinaresan ng silver high-heeled shoes. Ang damit ay may mahabang slit na nagmamalaki sa kremang kutis nito. Isa ito sa mga pinili niyang damit na isuot nito para sa event. “You should be right there with him,” sabi ni Callum sa endorser. Kumibit ito nang bahagya nang may ngiti sa labi. “Walang masama kung magha-hang out ako kasama ang may-ari ng CMA Group, hindi ba?” “I don’t like people’s attention focused on me. You should know that by now.” Napalabi ito nang bahagya. “Hindi ko maintindihan. Working for you for weeks makes me wonder why. You don’t look bad. You’re a good-looking person, in fact⸺one of the most handsome men I’ve ever met. You’re one of the richest and most powerful men in the country… or even in the continent. You should be proud of yourself. Callum.” Napalunok siya sa narinig. Unang beses itong sinambit ang pangalan niya. Speechless pa siya dahil sa pagkangiti nito sa kanya. Para siya nitong hinahalina. O sa paningin at isip niya lang iyon? Pasimple siyang umiwas ng tingin mula sa babae. Ayaw niyang mabasa nito ang nasa loob niya. “Just do your job,” mahinang utos niya rito. Malamig ang tono. “Don’t worry. I am,” sabay ngiti nito sa mga camera na nagkikislapan. Inayos na lang niya ang sarili na pasimpleng pumihit para hindi masyadong halata ang pagkakatago niya ng kanyang kaliwang pisngi. At advantageous iyon sa anggulo ng dalaga na para bang sinadyang magpakuha sila ng larawan sa press sa anggulong iyon. Wala rin siyang nagawa nang may reporter na deretsahang nagtanong sa kanya kung ano ang susunod na plano niya sa launching na ito. “Of course, we’re going to market X-Rave head on. We’re open to dealership offers and others,” tanging nasabi niya. Nahuli pa niya ang pagkakangiti ng dalaga. Isang ngiting tagumpay. Pero para sa iba ay mukhang ngiting pa-charming iyon. But he knew better. Teka, bakit ba ganoon ang pagkabasa niya sa ngiti ng dalaga? Kilala na ba talaga niya ang bawat ngiti nito para sa kung saan? He must be kidding himself. He mentally kicked himself and averted his eyes from her. Mahirap na talaga. Masyado nang napatuon ang damdamin at isip niya rito. It should not be. Dapat hindi niya hahayaan ang sariling mahulog dito. He should not. It was dangerous. She was dangerous. “Hindi ko akalaing lalabas ka sa publiko sa pagkakataong ito, Cal,” ang sabi ng isang pamilyar na boses. Napalingon silang dalawa ni Dani sa may-ari niyon. Matalim niyang tiningnan ang ex na si Mandy. “Sino ang nag-imbita sa ‘yo rito?” malamig niyang usisa sa magandang babae. Nakasuot ito ngayon ng isang maikling damit at may mahabang takong na sapatos. Maikli ang bob cut hair nito na bumagay naman dito. “Hi, I’m Dani,” maagap na pakilala ng katabi niya nang pormal. He just deadpanned at the other woman’s civilized behavior. Nag-shake hands ang dalawang babae. “Mandy. Women’s Mag editor and… ex-girlfriend ni Cal.” Nakita niya ang pagkamangha sa mukha ni Dani. Napabaling ito sa kanya. “Sorry. Kailangan n’yo bang mag-usap na dalawa?” ani Dani sa kanya. “Yes,” sabi ni Mandy. “No, of course not!” sabay na tanggi ni Callum. Hindi niya alam pero hinawakan niya sa braso si Dani at inilayo na mula kay Mandy. Ayaw niyang makausap ang ex nang mag-isa at ayaw niyang mag-usap ang dalawang babae. “Bitter?” usisa ni Dani na may panunukso sa mga mata at ngiti nang malayo-layo na sila mula sa ex niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD