Chapter 8

1307 Words
“Samahan mo ‘ko, Cal,” ang sabi ni Peter. Napakunot-noo si Callum sa kaibigan. “Saan? Alam mo namang bihira akong lumalabas ng penthouse ko, eh.” “Ah, basta. Breaktime ng mga empleyado kaya nasa pantry ang mga ‘yon. Walang makakakita sa ‘yong umalis kundi ang guwardiya at receptionist lang,” pamimilit ng kaibigan. Napalunok siya. He did not like this idea. Hinila siya nito at tinawagan ang company driver na magmamaneho para sa kanila. Huminto ang sasakyan sa isang boutique. Namilog na lang ang mga mata niya nang sinalubong sila ni Dani nang may matamis na ngiti sa kanila. Napatingin kaagad ito sa kanya. Iyong klase ng tinging nagpapatuyo sa kanyang lalamunan at nagpapabilis ng t***k ng puso niya. “What are we doing here?” tanong niya sa kaibigan. “Halika na nga, Cal. Lumabas ka na.” Hinila siya ni Peter na lumabas mula sa backseat ng kotse nang hindi siya kumilos kundi ay nakatingin lang sa dalaga na parang nabatubalani. Napilitan na lang siyang lumabas. Pinili naman ng hangin na umihip sa pagkakataong iyon kaya ang buhok niya ay medyo nilipad at bahagyang nakita ang kaliwang pisngi niyang pinaka-ingat-ingatan niyang huwag ma-display. Agad niyang tinakpan ang kanyang pisngi gamit ang isang palad at napatiim-bagang. Napansin niyang nakita ng babae ang bahaging iyon nang isang saglit. Uminit ang kanyang pisngi at tainga sa hiya pero binigyan niya ng matalim na tingin ang kaibigan. Tinapik ni Peter ang balikat niya nang tila walang nangyari. Sumulyap ito sa relo nito. “May pupuntahan pa pala akong kliyente. Muntik ko nang makalimutan!” anang kaibigan niya. Seryoso ang mukha. Nagtatagis ang bagang niya na hinarap ang kaibigan. “Ano ang gagawin ko rito?” Nakuha niyang palusot lang ang ginawa ni Peter. Hindi siya isang tanga para hindi malaman ito. “Sasamahan mo ang endorser nating pumili ng damit niya para sa X-Rave launching event. Ako sana ang kasama niya pero may meeting pala ako. Si Mr. Sevilla. Naalala mo?” “What?” tiim-bagang na aniya. “O, Dani. Ikaw na ang bahala kay Callum, ah? Get his approval,” pabirong habilin nito sa dalaga. Alam niyang sinadya ito ng kaibigan para lumabas siya sa kanyang lungga at makipaghalubilo sa isang magandang babae pero hindi niya gusto ito. O siguro mas tamang sabihin ay takot siya. Tumango lang ang babae at tinapik siyang muli sa balikat. Naghabilin ito sa company driver na hintayin sila. Pumara ito ng taxi at kumaway sa kanila para magpaalam. Kumaway ang nakangiting si Dani kay Peter bago ito bumaling sa kanya. “Hindi ko alam na ikaw pala ang kasama ko sa pamimili ng damit, Sir,” marahang anito sa malamyos na tinig. “I didn’t know either.” Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig ito ng babae. “Hindi ko po alam kung bakit tayo mismo ang pipili, Sir. Dapat ‘yong stylist n’yo o kaya⸺” “Just get on with it,” putol niyang sabi na hindi nakatingin sa babae kundi sa paligid lang kahit wala naman doon ang interes niya. Ayaw niya lang salubungin ang mapanuring mga mata ng babae. Nandoon na naman ang fascination kasi sa kabila ng nakita nito kanina na pangit na peklat niya. Batid niyang napansin nito iyon pero hindi lang nagsalita tungkol doon. “So, Sir⸺” “Just drop the ‘Sir’, will you?” Tumango ito. “Bakit po?” “You don’t call Peter ‘Sir,’ so…” Kumibit siya. Napangiti sa kanya ang babae. Napalunok siyang inayos ang buhok para masiguradong natakpan ulit ang pisngi niya. Humugot din siya ng hangin at binigyan ang dalaga ng isang sulyap. Kasalukuyan itong nakasuot ng maikling shorts at sleeveless blouse na pinaresan ng sneakers. Simple lang pero seksi pa rin ang dating nito. Sinalubong sila ng isang saleslady nang pumasok sila sa boutique. Agad na sinabi ng dalaga ang nais nitong tingnang mga damit kaya iginiya na sila ng saleslady sa evening dresses area. Pasulyap-sulyap sa kanya ang saleslady na nakangiti at kuryuso sa hitsura niya. Pinilit niyang ibalewala ito. Inoobserbahan din niya ang mga tiningnan ng dalaga at agad niyang napansing marunong itong maghanap ng magagandang kasuotan. “Sa tingin mo, okay ‘to?” tanong ng dalaga nang nakangiti. Ipinakita nito sa kanya ang isang silver na thigh-high slit asymmetrical maxi dress. “Isukat mo muna kung kasya,” nasabi lang niyang umiwas ng paningin. Lumabi ito. Itinanong nito sa saleslady ang fitting room. Sumunod sila rito pagkatapos makapili pa ng ibang damit at kulay ang dalaga. Nakaupo siya sa isang pang-isahang sofa habang naghihintay sa dalagang lumabas ng fitting room. “Sigurado po akong babagay sa girlfriend n’yo ang lahat ng damit, Sir,” sabi ng saleslady na nakangiti. Itinukod niya ang siko nang nalaglag ito mula sa armrest dahil sa sinabi nito. “H-huh?” Lumingon ito sa fitting room nang bumukas iyon. Napatingin na rin siya roon. Nakapamaywang ang dalaga na suot ang silver dress na itinanong nito sa kanya. Napahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa⸺na naka-sneakers pa rin. Pagkatapos ay ibinalik niya ang paningin sa mukha nitong nakangiti. “Maganda,” tanging nasabi niya. ‘Ka, sobra,’ dagdag ng isip niya. Lumapit ito sa kanya. “Okay. Isusukat ko na rin ‘yong iba. Pero ilan ba ang dapat na bibilhin ko?” kaswal nitong tanong sa kanya. Hinagod nito ng tingin ang mukha niya. Napalunok tuloy siya. “Um… ilan ba ang sabi ni Peter na kailangan mo?” Kumibit ito. “Tatawagan ko ba siya para itanong ‘yan? Hindi niya kasi sinabi.” “C-could you give us a moment, please?” baling niya sa saleslady. Tumango naman ito at umalis. “Ilang events ba ang naka-lineup para sa ‘yo for this launching?” Ewan niya pero hindi niya ma-recall ang alinman doon dahil hindi pa niya nakita ang final schedule ng babae. Sabi ni Peter ay ise-send nito yaon sa araw na iyon. Kumibit si Daneris. “Hindi ko matandaan pero so far, ang alam ko ay mga apat⸺the launching event, press con, at dalawang TV appearances.” Nagbilang pa ito sa daliri. “So, bumili ka ng apat na damit at sapatos kung gusto mo. We’ll just buy some more kung kailangan mo pa. What’s the problem?” sabay kumpas niya sa ere. Kumurap-kurap ang babaeng nakatitig sa kanyang mukha na ikinalito niya. “Sasamahan mo ‘ko ulit sa pamimili kung gano’n?” Nanuyo ang lalamunan niya at lumundag ang puso niya. “W-what did you say?” “Alam mo kasi, may mga damit naman akong hindi ko pa nagagamit at sa studio mo ay may mga outfit din silang extra. Siguro naman ay mas okay na ‘yon kaysa bumili pa ng ibang damit after this para makatipid?” paliwanag nito. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa harap nito saka bahagyang kumibit. “Pero kung sasamahan mo ‘ko⸺” Napakurap-kurap siya. “The company’s going to pay for your outfit, nasa kontrata ‘yon, ‘di ba? I know Peter is very specific about some things. He takes care of the endorsers really well na para siyang manager o stylist nila… ninyo… as long as you’re needed, that is.” Humugot ito ng hininga. “Fine. Bakit ko nga ba pakikialaman ang nasa kontrata na, ‘di ba? Hindi ko lang alam kung bakit… ikaw ang naisipan ni Peter na sumama sa ‘kin dito.” Napaiwas siya ng paningin. “Beats me,” palusot niya. Ayaw naman niya kasing ipaliwanag pa rito kung ano ang nasa isip niya. “Okay. Isusukat ko na lang ‘yong iba at ikaw na ang pumili kung alin ang mas babagay sa ‘kin. Nandito ka rin lang naman at ikaw ang boss. So… we’ll just do this.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD