Chapter 7

1097 Words
“Gano’n ba talaga ang boss mo?” Hindi mapigilan ni Daneris na itanong iyon kay Peter nang nasa loob na sila ng elevator para magtungo sa fourth floor kung nasaan ang opisina ni Peter. Ang penthouse naman ay nasa fifteenth floor ng gusaling iyon. Exclusive sa may-ari. “Bakit, Dani? Ano’ng napansin mo?” Mukhang hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin. Medyo napakunot-noo siya. “Hmm… parang hindi siya sanay makipag-usap sa mga tao or something?” Naalala niya ang pag-iwas nito ng paningin nang bigla niya itong titigan sa mukha. Napatawa nang marahan si Peter. “Hindi naman sa gano’n. Businessman siya. Nakakausap niya ang maraming tao, staff man niya o kliyente. Pero hindi lang siya sociable type na tao. So, palaging may gap sa kanya at sa mga tauhan niya.” Napa-ah siya rito. “Pero close kayo?” Ngumiti ito. “Best buddies kami simula noong high school.” Nandilat ang mga mata niya. “Oww. So, gano’n na siya simula noon?” “Well… he has his worst days,” nasabi na lang nito. Halatang may ayaw itong sabihin sa kanya. “Don’t we all?” sang-ayon niyang napangiti rito. *** “So, talagang legit na ang isa mo pang sideline, huh?” ani Evie kay Dani habang nasa breaktime sila sa gabing iyon. “Yup!” Nagpatuloy siya sa pagkain. “So, nabanggit mong guwapo pala ang boss ni Peter at bata pa ‘kamo?” Napangiti siya. Itinukod niya ang siko sa mesa at idinikit ang kamay sa mukha nang nangangarap ang tingin. “Ang ganda ng mata niya. Alam mo ba ‘yong tipong tinitigan ka niya tapos ramdam mo kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling ‘yon? ‘Yong gano’n?” Napatingin siya sa mukha ng kaibigan. Lumubo ang bunganga nito dahil sa daming kinakain. Napalunok ito. “Pretty much. Iyon kung nagkatitigan kami ng boyfriend ko at gusto niya akong ikama.” Nalaglag ang panga niya. “Uy, ang bulgar mo naman!” Napatawa ito sa kanya. “Wow! Sabi ng model ng adulp—” Natigil ito sa pagsasalita dahil tinakpan niya ang bibig nito. Namilog ang mga mata ni Evie at kumawala sa kanya. Pinandilatan niya ito. “Wala na nga akong sinabi, eh!” Pinaikot niya ang mga mata bago uminom ng soft drink. “So, crush mo na ‘yong boss ni Peter?” tanong ni Evie. “Hmm… sekreto para bibo! Pero… kilala ko na siya noon pa.” “Ano?” bulalas nitong napalunok sa nginunguyang pagkain. “Ba’t ‘di mo agad sinabi sa ‘kin? At paano mo nakilala ‘yon?” Kumibit siya. “Well, just sort of. Kilala ko na siya sa pangalan lang. Hindi ko naman inasahan na… ang guwapo pala niya sa personal.” Napalabi siya pagkatapos. “Mind telling me the story then?” ngising himok ng kaibigan. *** Nagsimula na si Dani sa photoshoots sa studio ng kompanya na nasa parehong gusali kung nasaan ang penthouse ni Callum. Nasa third floor lang iyon. Pagkatapos niyon ay sa showroom naman sila nag-set up para sa pictorials. Sa lahat ng mga ito ay hindi niya napansin si Callum na nakamasid lang. Busy naman kasi ang lahat sa kani-kanyang trabaho. Nakasuot lang ang babae ng maikling city shorts at top tank na fitting at kita ang tiyan at pusod. Nakahiga sa ibabaw ng hood ng pulang X-Rave ang dalaga. Ang isang naka-high heel shoes na paa ay nakatukod din. Nakatingin siya sa camera nang nanghahalina. Pagkatapos niyon ay ibang sexy pose naman at ibang outfit. Nakasuot siya ng puting mini skirt at stylish bra lang. Pinaresan iyon ng shades at knee-high boots. Nakaupo siya sa may driver’s seat nang nakabukas ang pinto ng kotse. Nakapihit siya paharap sa camera. Ang siko ay nakatukod sa upuan. Ang isang paa ay nasa labas ng kotse, nakatapak sa sahig ng showroom na gawa sa kremang tiles. Ilang beses din siyang nagpalit-palit ng makeup, outfit, sapatos, at hairdo buong araw. Pero hindi pa rin tapos iyon. Video naman ang gagawin niya sa susunod na mga araw. Pagkatapos niyon ay maghahanda na siya sa ilang events kasama sina Callum at Peter bago ang mismong araw ng launching ng X-Rave. “Anak, mabuti naman at nag-leave ka nang ilang araw sa trabaho mo,” bungad ng ama niya habang kumakain sila nang sabay ng agahan. Napangiti siya sa ama. “Opo, ‘Tay. May isa kasi akong gig. Malaki-laki rin ang kita at gusto ko ang trabaho.” “Buti naman,” napangiting anito. “Pero ano namang klaseng gig ‘yan? Maganda ba?” “Pagmo-model, ‘Tay,” turan niya. Nagulat ito. “Totoo? Sa liit mong ‘yan?” Napangiti siya sa ama. “Sinuwerte lang, ‘Tay.” Tumango ito napangiti nang malungkot. “Kung buhay pa sana ang nanay mo…” Hindi siya umimik. Kapwa napalis ang ngiti nila sa mukha. Ilang sandali lang ay nagpatuloy na siya sa pagkain at tumikhim. “K-kumusta naman po sa talyer, ‘Tay?” pag-iiba na lang niya ng usapan para hindi masyadong malungkot ang atmospera nila. “Hay, naku. Si Roning, hindi pa rin ako gustong i-hire bilang mekaniko. ‘Kako kung may kapital lang ako, magtatayo ako ng sarili kong talyer.” “Mga… magkano po ‘yon, ‘Tay?” Sa naisip ng ama ay hindi na rin ito masama. Isa pa, gusto niyang magiging busy rin ito para hindi na nito masyadong naiisip ang kanyang ina o ang nangyari sa nakaraan. Hanggang ngayon kasi kahit hindi nito sinasabi ay alam niyang pasan pa rin nito iyon. Binilang nito ang permit pati na ang renta ng lokasyon, at least isang tauhan, bills, at ilang mga gamit. Sa tingin niya ay kaya niyang ibigay iyon sa ama, lalo na’t may natanggap siyang tseke mula sa CMA Group. “M-maglo-loan ako para diyan, ‘Tay… kung gusto mo talaga. Kaya pa naman natin ang monthly bills, eh. Malaki rin ang kita ko sa gig ko.” Napatitig sa kanya ang ama. “Talaga, anak?” Ngumiti siya rito. Hinawakan niya ang may kalyong kamay nitong nasa ibabaw ng mesa. “Naniniwala akong makakaya n’yo ‘to. So, bakit hindi n’yo subukan, ‘Tay?” “Dani, ang negosyo kasi ay palaging may risgo,” saad ng ama na napabuntong-hininga. Inabot nito ang baso ng tubig bago uminom. “Alam ko po ‘yan, ‘Tay.” Medyo pinisil niya ang kamay ng ama na tumugon din sa ginawa niya. Nagngitian silang dalawa at marahan itong tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD