Chapter 6

929 Words
Napailing-iling si Callum sa kausap. “X-Rave is a new product, Peter. We can’t afford to fail sa launching pa lang!” giit naman na paalala niya. “I agree and I know that, so leave it all to me, Cal. Ako na ang bahala. Kung mag-fe-fail man tayo, it’ll be my responsibility. But if not… well, the credit goes to our endorser and our staff. Hindi ba? Fair lang ‘yon.” Napakamot siya sa kanyang noo kahit hindi naman makati. “Why are you so pissed… or… disturbed? It’s not like you, Cal,” obserba ni Peter. “Of course, I’m not!” inis na wika niyang nakasimangot sa kaibigan. Napangisi ito sa kanya nang nanunukso ang mga mata. “Hmm… Let me guess…” Umiling ang binata. “Don’t bother.” Umiling din si Peter, lalong nanunukso ang tingin sa kanya. “Hmm. Sige na. This is going to be fun!” “What are you? High schooler?” nababanas na aniya. Lumaki ang ngisi sa mga labi nito. “Alam ko, eh. Hindi maalis sa isip mo ang photo gallery ni DaniTease, ‘no?” “What? Stop spewing nonsense!” deny niya, namula ang tainga. “Wala ka na yatang ibang nakikita, eh.” “Aminin mo na kasi, Cal,” susog pa rin ng marketing director. “Tayo-tayo lang naman dito, o.” Bumaba ang tono ng boses nito na animo’y may sekreto silang dalawa at gusto niya itong sapakin. “Just shut up!” asar na ani Callum dito. Gamit ang back hand ay sinapak niya ito sa dibdib. Napasapo tuloy ito. “Halika na nga. Tapusin na natin ang meeting.” Humakbang na siya pabalik sa loob ng conference room mula sa pasilyo. Hinawakan siya nito sa braso. “We’re good, right?” paninigurado ni Peter sa kanya. “What do you think, Pete?” Binawi niya ang braso. Parang lover niya ito kung makahawak sa braso niya, hindi naman sila bading. Pinakawalan nito ang isang mabigat na hininga at tumango sa kanya. Ayaw mang aminin ni Callum ay hindi naman nagkamali ang kaibigan. Pabalik-balik nga sa isipan niya ang mga sexy pictures ng dalaga. Hindi niya akalaing ang ganda at ang sexy pala nito sa personal. Ang kinis. Ang puti. Ang charming din. May masayahin itong awra. Parang tipong naging makulay ang conference room niyang may kulay silver na pintura. At kahit sa distansya niya ay nalanghap niya ang halimuyak nito na parang isang kombinasyon ng preskong bulaklak at prutas. She really smelled nice. Masarap sa pakiramdam at sa pang-amoy. Tila may inihatid yaon na kakaibang damdamin sa katawan niya. At alam niya kung ano iyon. Ang atraksyon niya para sa babae. Napatitig siya sa dalagang nakangiti at naratnan nilang nakipag-usap sa kanyang staff. Natigil lang iyon nang makita siya ng mga itong pumasok kasunod si Peter. Pumormal naman ang mukha ng babae pero may kung anong hatid ang tingin nito sa kanya kapag nakatitig sa kanya. “Since everything is in order, you’re all dismissed. But if you have some concerns, you can ask me right now. If not now, you can just visit me at my private office. My secretary, Justine, will let you know when I’m available,” sabi ni Callum. Napadako ang kanyang paningin sa dalagang modelo na matamang nakikinig sa kanya. Tumikhim siya pagkasalita at napaiwas ng paningin. Para kasing sinusuri nito ang mukha niya habang nagsasalita. Iba iyon sa mapanuring mga mata ng kanyang staff. Hindi katulad ng mga ito na plainly curious na may negative vibe. Ang kay Dani ay tila fascination with curiosity. Maganda ang dating ng vibe nito. Hindi siya sanay. ‘What could she be thinking right now? Bakit ganito na lang siya makatingin sa ‘kin? May naikuwento kaya si Peter sa kanya tungkol sa ‘kin? Kung meron man, ano kaya ‘yon?’ Nagsialisan na ang kanyang mga staff pagkakuha ng folders at notepads ng mga ito. Naiwan na silang tatlo roon sa conference room. “Kailan po ako magsisimula?” tanong ng babae. Sa kanya ito nakatingin nang diretso. Napabaling naman si Callum kay Peter. Wala naman itong na-submit na detalye sa kanya at ayaw niyang maghahabi ng kahit na ano. “Dahil responsibilidad ko ang project na ‘to, I’ll let you know. Ako ang bahala sa ‘yo, Dani,” sansala ni Peter. Tumangong nakangiti ang babae. “Okay. Salamat, Peter.” ‘Wow! First name basis pala ang mga ito? Kani-kanina lang ay pormal si Peter, ah. Miss Jabillo raw,” his thoughts mocked. Na-amuse siya kahit papaano sa ginawang ito ng kaibigan. Pasimple siyang napahagod ng tingin sa kabuuan ng babae habang may sinasabi rito si Peter tungkol sa upfront paycheck na ibinigay nito at sa posibleng bonuses na matatanggap ng babae sa loob ng dalawang taon kapag maganda ang sales ng produkto sa market. Bigla itong napasulyap sa kanya pero pasimple siyang napapihit para makaiwas ng paningin dito. Gayunpaman ay nahuli niya ang pagngiti ng babae. Mukhang napansin nito ang pagtitig niya kanina kaya medyo napahiya siya. Hindi lang siya nagpahalata. “Nice meeting you, Sir Callum,” sabi nito nang magpaalam na. Sinabayan na ito ni Peter na lumabas ng conference room habang napasunod lang siya ng tingin sa mga ito. Napadako ang paningin niya sa puwitan ng dalaga. Maganda ang hubog nito. Nakakaakit. Napalunok tuloy siya. ‘She really has a nice and sexy ass!’ sa isip niya. ‘Teka, bakit ba puro na lang asset niya ang napapansin ko? I’m not a perv! Kasalanan ‘to ni Peter, eh!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD