Chapter 3

890 Words
“Bukod sa nawalan na ako ng gana nang magsimula akong kumita nang medyo malaki ay ayokong magdududa sa ‘kin si Tatay kapag may pera pa rin kami kahit sa mahal na tuition at miscellaneous fees. Mahal din ang kursong Nursing, ano?” tugon ni Daneris. Kinuha niya ulit ang itinabing laptop at nag-log-in sa adult site ng bend-over.com. Nakamasid lang ang kanyang kaibigan sa kanyang ginagawa. “Teka, may message ako,” nakangiting pagpaalam niya sa kaibigan. “Kanino galing?” “’Di ko alam. Titingnan ko pa.” Binuksan niya ang mensahe na iyon. “Hindi ka ba natutulog sa mga oras na ‘to? Kasi ako, inaantok na,” sabi ni Evie. Nang sulyapan niya ito ay halos bumagsak na ang talukap nito. Ni hindi na nakapaghintay na sabihin niya kung sino ang nag-message sa kanya. “Tutal naman nakapag-text ka na sa inyo na nandito ka sa ‘min, matulog ka na lang diyan sa tabi ko. Kasya naman tayo rito sa kama ko, eh,” ang tugon niya sa kaibigan. “Okay. Goodnight,” sabi nito kahit na ang liwa-liwanag ng araw sa labas. Ang buhay-paniki nga naman. Napangiti siyang minasdan ang kaibigang umayos sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata. Napakunot naman ng noo si Daneris nang mabasa ang mensahe mula sa isang kustomer. Nagtanong ito kung saang banda siya sa Pilipinas. Sinabi kasi nitong nasa Metro Manila lang ito. Napangiwi siya. Nagdadalawang-isip kung dapat nga ba niyang sabihin ang totoo o hindi. Siguro ay kakausapin niya muna ito bago siya mag-divulge ng impormasyon tungkol sa kinatitirhan niya. Nakakatakot kaya. Baka kasi isang potential stalker o kaya naman ay kriminal ito⸺isang con artist, purong pervert, exploiter, o human trafficker. Worst, rapist at killer. Wala pa naman sa bokabularyo niya ang gustong mamatay nang maaga. Paano na lang ang tatay niya? Kawawa naman ito at mag-isa na lang sa buhay kung saka-sakali. Ayaw niyang iwanan ito. Mahal na mahal niya ang ama. ‘Hi. I’m also from Luzon. Why do you want to know?’ Ito ang tinipa niya. Pero dinelete niya rin ito at pinalitan ng ibang message. ‘Hey, there! Glad to know you’re also from the Philippines. What’s up?’ ‘I’ve got a business proposal for you.’ ‘I already have a business,’ ang tugon niyang may emoticon pang kumindat sa huli. ‘I mean something else. That’s if you’re only interested.’ Napakiling siya sa kanyang ulo. Nag-isip siyang maigi. Hindi siya pumayag sa sinabi nito. Pero hindi naman siya nito tinigilan sa pag-cha-chat. Hanggang sa napalagay ang kanyang loob dito. Mukhang iba nga naman ang taong ito sa lahat ng mga customers niya. This person piqued her interest. Gayunpaman, may reservations pa rin siya kahit papaano. Siguro ay oobserbahan niya ito nang mga ilang araw kung kailangan. Titingnan niya mula roon kung makipaglapit siya rito o hindi. Baka naman ay makikita niya rin ang tunay nitong kulay kapag naglaon. Alam na alam na niya ang galaw ng bituka ng mga lalaki nang dahil sa adult site na ito. Ilang beses na siyang nakatanggap ng iba’t ibang klaseng indecent proposals mula sa mga kustomer niya. Mayroong nag-aalok ng malaking halaga kapalit ay s*x, mayroon ding nag-alok ng yate, kotse, at iba pa para lang makita siya nang personal at gusto siyang jowain pero tinanggihan niya. Meron pang nag-alok ng kasal agad kaya lalo siyang natakot. Sino ba naman ang may matinong pag-iisip na magpapakasal sa isang taong hindi niya kilala? Ibinalik niya ang isip sa kasalukuyan. Napansin na lang ni Daneris sa kanyang order history na maraming binili sa photos niya ang nakipag-chat sa kanya kaya naman ay napamangha siya. Hundreds of dollars din iyon. Nag-request siya kaagad na ipadala ang bayad sa kanyang PayPal address para ma-withdraw niya pagkatapos. Hiningan niya ng picture ang kanyang ka-chat na nagdadala sa username na PerterPan4U. Sa halip ay caricature sa sarili nito ang ipinadala sa kanya. Napatawa tuloy siya. ‘I’ll send you my real photo and contact details if you agree to meet me.’ Ito ang sabi ng customer niya. Kaya naman ay napaisip siya nang ilang mga araw habang parati itong kausap online. Sa hinuha niya ay isa itong agent sa isang modeling agency. Nasa profile naman niya ang kanyang height info at hindi siya pang-model na type. Nasa five feet and two inches lang siya. Kaya naman ay kabado siya nang makipagkita ngayon sa kausap niyang customer. Bakit ba kasi napapayag siya nito? Hindi niya maintindihan ang sarili. Siguro ay dahil wholesome lang palagi ang topic nila. “Sure ka ba sa ginagawa nating ‘to, Dani?” tanong ng kaibigan niyang si Evie nang isinama niya ito ngayon. Just in case, hindi siya sanay na makipagkita na lang sa kung sinu-sino nang walang chaperone. Baka masamang tao pala talaga ang kausap niya kaya mas mabuti na ang maingat. “Kaya nga isinama kita, eh.” Ipinaliwanag naman niya sa kaibigan na sa pamamagitan ng text ay sinabi ng kausap niya kung anong kulay at anong klase ang suot nito. Napagala siya ng paningin sa hotel restaurant nang makapasok na sila roon. Maganda at malinis ang paligid. “Miss Jabillo?” tanong ng waiter na sumalubong sa kanila. Napatingin siya rito at ngumiti nang matipid. Tiningnan niya ang suot nito. ‘Nope, hindi waiter ang kausap ko,’ sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD