Chapter 02
ELISHA GABRIELLE
PAGKALABAS ko ng suite, agad akong napasandal sa dingding. Hawak ang dibdib ko, nararamdaman ko pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko. Gosh, ano ba itong nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan kung kaba o paghanga ang nararamdaman ko, pero parang hindi ko na kayang huminga ng maayos.
"Anong nangyari sa akin?" bulong ko sa sarili, sabay himas sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang sarili. Never pa akong nakaramdam ng ganito. Hindi ko alam kung bakit sobrang naaapektuhan ako.
Aaminin ko, ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng lalaki. Si Architect Zhuanne Dela Costa—ibang klase siya. Hindi lang basta gwapo, pero ang presensya niya, yung paraan ng pagtingin niya, parang may magnet, lakas ng dating. Hindi ko alam kung paano ako napako sa kinatatayuan, pero ramdam ko hanggang ngayon ang epekto ng bawat kilos niya.
I took a deep sigh, pilit na iniisip kung paano ko mapapakalma ang aking sarili. Nakakatawa man, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong damdamin para sa isang lalaki.
Habang sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko mula sa paghanga kay Architect Dela Costa, biglang nag–vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng uniform. Agad ko itong kinuha, at nakita ko sa screen ang pangalan ni Ate Lyneth. May kaba agad akong naramdaman.
Pagbasa ko sa mensahe, halos mapanganga ako.
"Ang Nanang, nagwawala na naman. Nagpupumilit pumunta sa dagat. Bilisan mo na, ikaw lang ang may kakayanan na magpahinto sa kanya."
Napalunok ako, ramdam ko agad ang takot sa dibdib ko. Kailangan kong umuwi agad. Hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon, pero bawat beses na may ganitong pangyayari, palaging may takot akong baka may masamang mangyari kay Nanang.
Mabilis kong binalik ang cellphone sa bulsa at tumakbo pabalik sa staff room. Kailangan ko nang magpalit at umuwi kaagad. Hindi ko na alintana ang mga taong nadadaanan ko, ni ang mga tingin nila. Ang importante ngayon ay makauwi ako bago pa may mangyaring hindi maganda.
Pagdating ko sa staff room, narinig ko agad ang usapan ng dalawang kasamahan ko, na parang hindi ko mapigilang pakinggan kahit nagmamadali ako.
"Ang gwapo talaga ni Architect Dela Costa no?" sabi ng isa, tila kilig na kilig pa. "Kahit si Miss Lapinig, halatang kinikilig."
"Totoo! Pero parang suplado siya. Mukha namang hindi siya approachable."
Natawa nang mahina yung isa. "Kahit suplado pa siya, ang hirap hindi magpapansin. Ang tindig niya at yung katawan, parang modelo!"
I rolled my eyes, nang marahan, kahit gusto kong sumang–ayon sa kanila, wala akong oras para mag–isip tungkol doon. Kinuha ko agad ang damit ko sa locker at nagmadali akong magpalit, alam kong bawat segundo ay mahalaga.
Kailangan kong umuwi para kay Nanang.
Sakto, kakabihis ko pa lang nang biglang bumukas ang pinto. Nasa harapan ko na si Ms. Lapinig, nakataas na naman ang kilay niya. Halos napapikit ako sa labis na pasensiya, alam ko na ang kasunod niyon.
"At saan ka na naman pupunta?" mataray niyang bungad, halatang iritado na naman. "Hindi pa tapos ang shift mo, Brielle!"
Huminga ako nang malalim, pilit pinapanatili ang sarili kong kumalma kahit na sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Alam kong kailangan kong umuwi, pero mahirap makipag–usap kay Ms. Lapinig, lalo na kapag galit siya pero susubukan ko pa rin ang makiusap.
"Ma'am, si Nanang po kasi..." panimula kong ipaliwanag, "Nagwawala na naman siya, at—"
Naputol agad ako nang sininghalan niya ako. "Nanaman? Laging Nanang mo o ospital ang dahilan mo! Puro ka dahilan! Hindi mo ba kayang tapusin ang trabaho mo dito nang walang palusot?"
Napalunok ako at narinig ko ang pagtawa ng dalawang kasama ko, pilit nilalabanan ang namumuong galit sa loob ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong pinagsabihan ng ganito. Lagi na lang akong dinadaan sa pangmamaliit.
"Alam mo, Brielle," dugtong pa niya, "Masyado kang ambisyosa! Kahit hirap na hirap kayo sa buhay, pinili mo pang maging doktor. Eh kung basic na kurso na lang ang kinuha mo, hindi mo na sana kailangan pang magtrabaho ng ganito!"
Parang sinaksak ang puso ko ng mga salita niya, pero hindi ako papayag na masira ang loob ko. Hinarap ko siya, pilit ipinapakita ang determinasyon ko. "Hindi po ito ambisyon, Ma'am. Pangarap ko po ito. Gusto ko pong may mapatunayan, hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa Nanang ko, sa mga kapatid ko at lalo na sa mga taong mapanghusga. Kahit mahirap kami, hindi po iyon dahilan para hindi ko abutin ang pangarap ko." Pagtatanggol ko sa aking sarili.
Inirapan lang ako ni Ms. Lapinig, halatang walang pake sa sinabi ko. "Walang pake–alaman ang mga pangarap mo rito, Elisha. Hindi mo pa tapos ang trabaho mo. Bago ka umuwi, linisin mo muna ang lobby. I–mop mo nang maayos."
Halos mapabuntong–hininga ako sa frustration. Kailangan ko talagang umuwi, pero wala akong choice. Pero bago pa ako makakilos, nagsalita ulit si Ms. Lapinig.
"At isa pa," dagdag niya, "Isang buwan dito si Architect Dela Costa. Gusto niya na iisang tao lang ang maglabas masok at maglilinis sa suite niya. Ikaw na ang magtuloy–tuloy doon, ayaw niya ng paiba–ibang tao. Maselan ang Architect na iyon. Kaya wag kang maarte. Baka sakaling magkaroon ka pa ng tip. Alam mo ba? Mayaman 'yung Architect na 'yon. Doktor ang tatay at magiging doktor rin ang kakambal niya, may hospital sila at Construction business. Malay mo, magkapera ka pa! Matulungan ka sa ambisyon mo." Dagdag pa niya na medyo may concern sa dulo niyang sinabi. Lagi siyang galit sa akin, pero hindi niya ako matanggal–tanggal sa trabaho. "Ikaw ang personal maid niya."
Natigil ako sa sinabi niya. Bahagya akong nagulat sa nalaman ko. Hindi ko inakala na ganoon kayaman si Architect Dela Costa, lalo na't tahimik lang siya kanina at napakasimple pa. Hindi na ako umayaw pa, kailangan ko ang pera lalo pa't malapit na akong matapos sa intern ko, at nalalapit na rin ang board exam.
Kung si Architect na mismo ang pumili sa akin, sino ba ako para tumanggi? Kailangan ko rin ng trabaho. Personal Maid. Sounds funny pero iyon, ako ngayon. Wala akong choices kundi ang sumang–ayon na lang.
Pero hindi pa tapos ang usapan, biglang sumabad ang dalawa kong kasama.
"Ako na lang sana, Ma'am," singit ng isa sa mga kasamahan ko. "Kami na lang sana ang maglinis kay Architect. Sayang naman!"
"Oo nga, Ma'am," dagdag pa ng isa. "Hindi naman si Elisha lang ang pwedeng maglinis diyan. Baka puro kapalpakan lang ang gagawin niya dahil sa kakapalan ng salamin niya." Patuyang sabi nito. High school ako noon nang magsimulang lumabo ang mga mata ko. Genetic Factors ang dahilan, mayroon akong condition na myopia or nearsightedness.
Napairap si Ms. Lapinig, sabay silang tinaasan ng kilay. "Si Architect na mismo ang pumili kay Elisha. Wala nang palitan. Maraming kwarto ang pwede niyo linisan."
Natahimik ang dalawa, pero halatang hindi sila masaya sa desisyon ni Ms. Lapinig. Ako naman, kahit kinakabahan pa rin dahil kailangan kong umuwi, wala na akong nagawa kundi tanggapin ang sinabi ng manager namin. Nakita ko pa ang pag–irap sa akin ng dalawa.
"Bukas, ikaw mag–uumpisa sa trabaho sa suite ni Architect," dagdag pa ni Ms. Lapinig, hindi man lang nag–abala na tingnan ako nang diretso sa mata. "Lahat–lahat, ikaw ang a–asikaso. Ayusin mo 'yan, ha. H'wag mo akong ipapahiya, Elisha." May warning ang tinig niya.
Tumango na lang ako, kahit medyo nanghihina na sa dami ng mga iniutos niya. Kailangan kong tanggapin ang trabaho, lalo na't malaking oportunidad din ito para sa akin. Pagkatapos noon, lumabas na si Ms. Lapinig, at napabuntong–hininga na lang ako.
"Sipsip," pabulong na sabi ng isa bago sila lumabas na dalaw. Hindi ko na lang sila pinansin pa dahil ayoko rin ng gulo.
Wala akong nagawa kundi mag–mop sa lobby. Ilang sandali pa lang akong naglilinis nang marinig kong bumukas ang elevator sa tapat ng aking nililinisa. Paglingon ko, si Architect Dela Costa ang nakita kong lumabas. Para akong na–freeze sa kinatatayuan ko, hindi ko mapigilan ang biglang bilis ng t***k ng puso ko. Gosh, kahit pangalawang beses ko na siyang makita, parang lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko.
Pero tulad ng unang pagkakataon, hindi man lang niya ako pinansin. Parang hangin lang ako sa kanya, dinaanan niya. Medyo nakakapanliit, pero wala akong magawa. Alam kong hindi ako parte ng mundo niya.
Habang pinagmamasdan ko siyang lumakad patungo sa entrance door, napansin kong sinalubong siya ng anak ng may–ari ng hotel, si Althea Torralba, magaling rin itong Architect, sobrang ganda pero sobra rin maarte. Parang artista, may mahabang itim na buhok, maputi, at eleganteng manamit. Hindi nakakapagtaka dahil ang pamilyang Torralba ang pinakamayaman dito sa Bohol. Sila rin ang may–ari ng Mall na itatayo ni Architect Dela Costa at sa tiyuhin niya ang hospital. Sila rin ang may–ari sa kilalang Construction site dito sa amin.
Kitang–kita ko ang mga ngiti at pagtanggap niya kay Architect Dela Costa. Para silang matagal nang magkakilala. Nakatayo lang ako sa gilid, pinagmamasdan ang lahat, habang naglilinis. Sobrang lakas ng dating nila, at parang lalo akong naging maliit sa harap ng kanilang mundo.
BIGLANG nag–vibrate ang cellphone ko sa bulsa, kaya binitawan ko ang mop at kinuha ang phone. Pagtingin ko, si Ate Lyneth na naman. Paulit–ulit na ang mga message niya, pinipilit akong umuwi agad dahil hindi nila maawat ang pagwawala ni Nanang.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang biglang may sumigaw. Nagulat ako at napalingon sa direksyon ng ingay. Nakita ko si Ms. Torralba, nadulas sa mismong nilinisan ko kanina. Nakabagsak siya sa sahig, halatang nasaktan dahil sa expression ng mukha niya.
Agad na sumugod si Ms. Lapinig, ilang guards at dali–daling nilang inalalayan ang dalaga. Galit na galit na pinagalitan ni Althea si Ms. Lapinig. "Ano ba 'yan! Sino ang tanga na nag–iwan ng mop dito?!"
Hindi nag–atubili si Ms. Lapinig. Itinuro niya ako. "Siya po, Ma'am."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Agad akong yumuko, at humingi ng dispensa kahit nanlalambot na ang tuhod ko sa kaba. "P–pasensya na po, Ma' am. Hindi ko po sinasadya—"
Pero bago ko pa matapos ang sasabihin, isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko. Napapikit ako sa lakas nito. Ang hapdi, pero mas masakit ang mga salita na sumunod na sinabi niya.
"Tanga ka ba? Boba!" galit na galit na bulyaw ni Althea sa akin. Wala akong magawa kundi yumuko, pinipilit na hindi bumuhos ang luha ko.
Sa gitna ng galit, isang malalim na boses ang sumingit. "Enough."
Napatigil lahat. Pati si Althea na mukhang nagulat. Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko si Architect Dela Costa na nakatitig sa kanya. Walang emosyong bumakas sa mukha niya, pero may diin ang kanyang boses.
"That's enough. She didn't mean for this to happen. Accidents happen."
Natahimik ang lahat. Tila hindi makapaniwala si Althea sa narinig niya, nanggagalaiti siya sa galit. Hindi niya matanggap ang sinabi ni Architect Dele Costa. "Hindi mo dapat pinagtatanggol ang mga katulong na katulad niya, Zhuanne! Dapat silang turuan ng leksyon ang mga tanga–tangang gaya niya. Look, what happened to me," dismayado niyang sabi, na tila nandidiri sa nangyari sa kanya.
Pero si Zhuanne, nanatiling kalmado. Tumingin siya kay Althea, para magpaliwanag. "We have employees too, but we don’t humiliate them like this. Respect goes both ways." Mahinahon niyang sabi.
Pagkatapos, humarap siya sa akin. Nagtama ang aming mga mata at ramdam ko ang bigat ng kanyang mga sinabi, pero hindi ito tulad ng galit ni Althea.
"Next time," he said in a firm voice, "don't be careless with your work. Focus on the task at hand, not on your phone. Accidents like this can be avoided if you prioritize your duties."
Tumango ako, hiyang–hiya. Napayuko ako ulit, tanggap ang pagkakamali ko pero ang hindi ko tanggap ang sampal sa pisngi ko.
Hindi pa rin matanggap ni Althea ang nangyari, kita ko pa rin ang galit sa mukha niya at muli niya akong sinugod, mukhang ayaw akong tantanan. Pero bago pa man siya makalapit, humarang si Architect sa gitna namin. Hinawakan niya ang braso ni Althea pinigilan ito.
"Wala kang mapapala kung papatulan mo siya," sabi niya. "Don't stoop to her level, you're far too refined to be wasting your time on... a mere cleaner." He added with sarcasm in his voice.
Napangiti si Althea sa sinabi ni Zhuanne, mukhang tuwang–tuwa sa papuri. Pero iba ang dating para sa akin, ang paraan ng pagkasabi ni Zhuanne, tunog lait. Pakiramdam ko, parang binaba niya ang halaga ko, kahit na hindi niya direktang sinabi.
"You're right," may kalandiang sagot ni Miss Torralba, sabay ngumisi. "She's nothing compared to me."
Masakit ang mga salitang iyon. Tumungo na lang ako, pinipilit na huwag ipakita kung gaano kasakit ang mga sinabi nila.
"C'mon, let's go. Pagusapan na natin ang tungkol sa mga plano," nakangiting sabi sa kanya ni Architect. Isang matamis na ngiti ang itinugon ni Althea.
Inakay palayo ni Zhuanne si Althea, at naiwan akong nag–iisa, nakatayo sa gitna ng lobby na tila napako sa kinatatayuan ko. Tila ang mundo ay huminto sa mga sandaling iyon, ang mga mata ng mga tao ay nakatuon sa akin. Saksi ako sa hindi pangkaraniwang tanawin, ngunit ang bigat ng aking damdamin ang siyang bumigat sa aking puso.
Narinig kong nagsalita si Ms. Lapinig, ang kanyang tono ay puno ng pagka–disappoint at galit. "Kung hindi ka ba naman tanga, di sana hindi ka mapahiya ng ganyan," aniya, ang mga salitang tila sinaksak sa akin sa buong pagkatao ko. "Ayusin mo yang pinaglinisan mo! Baka mamaya, ako pa ang mapagsabihan nito dahil sa mga katangahan mo. Kahit na kailan, ang tanga–tanga mo, Elisha."
"Kung hindi lang dahil sa Nanay mong babae raw ni Mayor, matagal ka nang wala rito. Ewan ko ba at kung bakit malakas ka kay Mayor. Sana di totoo ang tsismis na interesado si Mayor sayo, baka nagkataon karibal mo pa Nanay mo. Akala mo, hindi ko sila nakita ni Mayor," dagdag niyang sabi na tila ba diring–diri sa mga salita niya.
Nagulat ako sa mga sinabi niya, tila isang boltahe ng kidlat ang tumama sa akin. Wala akong kaalam–alam tungkol dito na may interest pala sa akin si Mayor sa kasimplehan kong ito. Pangit nga ang tawag sa akin ng iba, tapos paghihinalaan pa ako nitong bruha na ito. Oo, isa ako sa mga scholar ni Mayor, pero hindi ko alam ang tungkol sa pinagsasabi niya. Bumibilis bigla ang pagtibok nang puso ko sa bentang niya, hindi ko alam kung anong dapat kong isasagot.
Ang sakit na dulot ng kanyang mga sinabi ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng pagka–bigo at kahihiyan. Pero sa kabila ng lahat, pinilit kong dalhin ito sa aking puso. Konting tiis na lang, naiisip ko.
Malapit na akong matapos sa aking mga pag–aaral, at ang board exam ay hindi na malayo. Isang araw, makakaalis rin ako sa mundong ito, at magiging doktor ako. Dapat kong ipagpatuloy at ipaglaban ang pangarap ko.