Chapter 01
ELISHA GABRIELLE
PAGKABABA ko ng tricycle, ramdam ko agad ang kabang bumalot sa aking dibdib. Tulad ng dati, late na naman ako. Tumakbo ako papunta sa entrance ng hotel, sabog ang buhok ko at basang–basa ng pawis. Wala na akong oras para ayusin ang sarili ko, actually simple lang naman ako, hindi rin ako marunong mag–ayos sa aking sarili.
Pagod pa ako mula sa shift ko bilang neurosurgeon intern, pero wala akong choice. Kailangan kong pumasok sa trabaho ko bilang partime chambermaid sa isang hotel.
"Late na naman ako," bulong ko sa aking sarili habang tumingin sa suot kong relo. Hawak ko pa ang ilang mga papeles mula sa ospital, halatang galing ako sa isang mahabang shift. Pagod na nga, huli pa. Napahawak ako sa makapal kong salamin, basa na ng pawis ang frame.
Pagpasok, ramdam ko agad ang mga tingin ng mga tao. Halos ayoko nang makita ang sarili ko sa repleksyon ng malalaking salamin. Sa isip ko, sigurado akong mukha akong sabog. At siyempre, hindi ako nakaligtas sa mapanuring mata ni Miss Lapinig, ang manager namin na higit kwarenta ang edad.
"Brielle!" sigaw niya mula sa kabilang bahagi ng lobby. Kitang–kita ko ang pagtaas ng kilay niya habang papalapit siya, malalim ang hinga at nakapamaywang. Mahigpit ito pagdating sa oras. "Late ka na naman! At ano 'to? Ano'ng nangyari sa'yo? Parang dinaanan ka ng ipo–ipo."
Hinihingal pa ako, pero pilit kong pinuno ng hangin ang dibdib ko para makapagpaliwanag. "Pasensya na po, Ma'am. Na–extend lang po ako sa ospital, may emergency po kasi."
"Emergency o hindi, wala akong pakialam, hindi pwedeng palagi ka nalang ganito!" sumabog ang inis niya. "Lagi mong dahilan 'yan, nagsasawa na ako sa'yo. May darating na special guest—isang kilalang architect na siya ang magpaplano sa itatayong hospital at mall dito sa atin. Room 217. Kailangan linisin mo agad 'yun, at ayokong may kapalpakan kang gagawin, naiintindihan mo?" Mataray niyang sabi.
Yumuko ako, upang humingi ng pasensiya. "Opo, Ma'am. Pasensya na po, hindi na po mauulit," sagot ko, kahit pakiramdam ko, wala na akong lakas magpaliwanag pa.
"Puro na lang pasensiya," she murmured. "Magbihis ka na at umpisahan ang trabaho mo," utos niya sa akin at mabilis akong tumalima.
Habang tumatakbo ako papunta sa staff room para kumuha ng cleaning supplies at magbihis na rin, hindi ko maiwasang isipin kung gaano kahirap ang buhay namin. Ako ang pangatlo sa apat na magkakapatid pero sa akin nakapasan ang responsibilidad. Lahat kami, iba–iba ang ama. Wala akong matandaang alaala ng tatay ko, basta ang alam ko Amerikano raw siya, iniwan niya kami 'nung limang taong gulang pa lang ako.
Ayon kay Mama, siya raw ang tanging lalaking minahal niya, pero wala rin siyang nagawa nang iwan kami ng Papa ko, ang rinig ko pa may totoong pamilya ang Papa ko sa Amerika. Mula noon, bumalik siya sa club kung saan siya nagtatrabaho bilang hostess, at doon ipinanganak ang bunso kong kapatid.
Si Nanang, ang lola ko, ang naging kakampi ko sa lahat ng hirap namin, kasama niya ako noon sa pagtitinda ng mga isda sa palengke tuwing may bagong ahon mula sa mangingisda. Madaling araw pa lang naka–abang na kami ni Nanang para kami maka–una sa pila na makakuha ng mga preskong isda at ibebenta namin sa palengke.
Siya ang tumulong sa amin 'nung panahong wala lagi si Mama, takot iyon na madumihan at makaliskisan ang kanyang kamay baka raw hindi na siya magustuhan sa club, paborito ng Mayor namin si Mama. Maganda at flawless. Star of the night sa club na pinagtatrabahuan niya. Kami lang ni Nanang ang kumikilos sa lahat para pantustos sa pag–aaral ng aking Kuya Clint pero namatay ito sa isang motorcycle accident, nabagok ang ulo niya at hindi na nagising. Kaya nang tamaan si Nanang ng Alzheimer's disease, pakiramdam ko nawalan ako ng kaagapay, nag–iisa akong bumubuhay sa mga kapatid ko ngayon.
Ang Kuya at Nanang ang dahilan kung bakit ko gustong maging doktor.
Kaya eto ako ngayon—nag-aaral ng medisina, nagtatrabaho bilang chambermaid, sinusubukang buhayin ang pangarap kong maging doktor, lahat para sa kanila. Kahit nawawala na ang alaala ni Nanang, hindi ko malilimutan kung paano niya ako inalagaan.
Pagdating ko sa Room 217, huminto ako saglit para huminga nang malalim. "Kaya mo ito, Elisha," sabi ko sa sarili ko. Pinihit ko ang door handle, binuksan ang pinto, at agad na pumasok sa loob ng VIP suits, nagsimula sa paglilinis. Habang nagwawalis at nag–aayos ng mga gamit sa kuwarto, ramdam ko ang pagod ng katawan ko pero hindi ako p'wedeng sumuko. Wala yata iyon sa listahan ko ang salitang 'suko'. Kailangang maging maayos ang lahat—hindi lang para sa trabaho, kundi para sa lahat ng pinaghirapan ko, at para sa mga sakripisyong ginawa ni Nanang.
Pagkalipas ng dalawang oras, natapos ko rin ang paglilinis sa buong sala at kwarto. Pakiramdam ko, mabigat man ang pagod, masaya akong natapos ko na ang halos lahat. Banyo na lang ang natitira. Kinuha ko ang mga gamit panglinis at pumasok sa loob ng banyo, inaayos ang bawat sulok, siniguradong malinis ang mga tiles at walang mantsa ang salamin. At kailangan mapaputi ng mabuti ang bowl.
Habang abala ako sa paglinis, may narinig akong mga boses mula sa sala. Bigla akong natigilan. Baka dumating na ang bisita. Dahan–dahan akong lumabas sa pinto ng banyo, patungo sa pinto ng kwarto at sumilip.
Sa una, nakita ko si Miss Lapinig todo ngiti at asikaso sa mga kasama niya. May tatlong lalaki, at sa unang tingin, wala namang kakaiba. Pero nang mapansin ko ang isa sa kanila, halos natulala ako. Parang tumigil ang paghinga ko.
Sa tatlong lalaki ito ang pinakagwapo. Hindi ko mapigilan ang mata ko na titigan siya. Matangkad siya, siguradong higit sa anim na talampakan ang taas. Suot niya ay simpleng puting t–shirt at faded jeans, pero kahit ganoon lang ang suot niya, sobrang attractive niya. Bakat ang ganda ng hubog ng katawan niya—parang pinag–aralan sa bawat anggulo. Ang broad ng balikat niya, at tila ang t–shirt niya ay hinulma lang para sa kanya. Kahit hindi siya pormal na bihis, parang model na naglalakad sa isang runway. Parang minomodelo niya lang ang kanyang suot.
Hindi ko alam kung dahil ba sa ngiti niya o sa presensya niya, pero parang matutunaw ang puso ko. Parang slow motion ang lahat, lalo na nang ngumiti siya. Ang mga mata niya, malalim at malambing, at may kakaibang init na parang kaya kang pasukin ng isang tingin lang.
Todo asikaso si Miss Lapinig sa kanya, na tila kinikilig rin habang nakikipag–usap. Nang marinig ko ang sinabi niya, mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
"Architect Zhuanne Dela Costa, we' re so happy to have you here. You can relax, everything is prepared," narinig kong sabi ni Miss Lapinig.
Architect Zhuanne Dela Costa. Parang pamilyar ang apelyido niya. Siya pala ang hinihintay na espesyal na bisita. Tumayo ako saglit sa likod ng pinto, hindi alam kung ano ang gagawin. Nanginginig ang mga kamay ko, at hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa kung anong pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Habang nakasilip ako mula sa pintuan, narinig kong tinatawag ako ni Miss Lapinig. Agad na tumigil ang usapan nila, at napansin kong nakataas na ang dalawang kilay niya, diretsong nakatingin sa akin. Napansin rin ako ng lalaking kasama niya—si Architect Dele Costa. Walang maaninag na emosyon sa mukha niya, pero ang titig niya ay para bang sinisiyasat ako mula ulo hanggang paa. Parang biglang bumigat ang paligid, at pakiramdam ko'y nanliliit ako sa bawat segundo.
"Brielle, tapos ka na ba diyan?" tanong ni Miss Lapinig, may bahid ng inis sa boses niya.
Hindi ako ready. Nanginginig pa ang mga tuhod ko at naguguluhan pa rin sa presensya ng gwapong architect. Pero wala akong choice, kailangan kong sumagot. Pinunasan ko ang kamay ko sa laylayan ng uniforme ko bago sumagot sa mataray kong manager. "Ah... opo, Ma'am...I mean, hindi pa po, banyo na lang po 'yung lilinisin ko," sabi ko, nagkakabulol–bulol sa bawat salita. Ramdam ko ang init sa mukha ko, alam kong namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan.
Lumabas ako sa pinto, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nakayuko ako habang pilit ipinapaliwanag ang hindi ko natapos na trabaho, pero parang mas lalo akong nadidiin sa lupa sa bawat segundo ng katahimikan. Nahihiya ako sa hitsura ko.
"Ano bang itsura mo? Ayusin mo 'yang sarili mo,” dagdag pa ni Miss Lapinig, hindi maitago ang iritasyon sa tono niya.
Pinakilala niya sa akin ang lalaki, tumingin siya kay Architect Dela Costa. "By the way, this is Architect Zhuanne Krist Dela Costa, the one who's in charge of our new hospital and mall project. Siya ang gagamit sa suit na ito."
Hindi ko alam kung bakit pero sa kaba at excitement, itinaas ko ang kamay ko, handang makipag–shake hands. "P–pleasure to meet you po, Sir," sabi ko, pero bago pa man makarating ang kamay ko sa kanya, agad itong hinarang ni Miss Lapinig.
"No need to know her, Architect Dele Costa, Chambermaid lang siya dito," malamig niyang sabi sabay pasimpleng irap sa akin, sa ginawa niya parang pinutol ang lahat ng aking sigla.
Biglang namagitan ang pakiramdam ko. Parang kinurot ang puso ko sa kahihiyan. Halos hindi ko na malaman kung paano ibababa ang kamay ko. Pakiramdam ko, lahat ng tao sa loob ng kwarto ay tumigil para titigan ako—mga mata ng kahihiyan at panghuhusga. Dahan–dahan kong ibinaba ang kamay ko, at napayuko na lang ako, hindi makatingin nang diretso. Ang bawat segundo ay parang oras na lumipas.
Napayuko na lang ako, hawak–hawak ang mga gamit panglinis habang patuloy ang pag–init ng mukha ko sa hiya. Gusto kong maglaho sa mga sandaling iyon. Pero bago ko pa maisip kung ano pa ang susunod kong gagawin, narinig ko ang malamig na boses ni Miss Lapinig.
"Tapusin mo na 'yang trabaho mo, Brielle, para makapagpahinga na si Architect," sabi niya nang may diin.
Tumango lang ako, hindi nagawang magsalita pa. Para bang nadurog na ang buong kumpiyansa ko sa sarili matapos niya akong ipahiya. Bumalik ako sa banyo at sinimulan kong tapusin ang paglilinis. Habang ini–scrub ko ang tiles, narinig ko na ang mga paalam ng dalawang lalaking kasama ni Architect Dele Costa.
"Architect, we'll head to our suites now," sabi ng isa sa mga lalaki, halatang magalang at may respeto. Sumagot naman ang isa pang lalaki. "Yes, Sir Zhuanne, we'll see you later." Napakunot ang noo ko habang tahimik na nakikinig.
"Sir?" Naisip ko, malamang mataas nga ang posisyon ni Architect Dela Costa. Malamang siya ang boss ng dalawang lalaking kasama niya. Siguro sila rin ay mga architect or engineers, pero mukhang iba ang tingin nila kay Zhuanne—parang siya ang boss. Iyon ang tanging paliwanag sa paraan ng kanilang pakikipag–usap sa lalaki, naroon ang respeto.
Nang matapos ko na ang paglilinis, sinilip ko saglit mula sa pinto ng banyo at nakita kong naglakad na palabas ang mga bisita. Tahimik akong huminga nang malalim. Kailangan kong mag–focus sa trabaho ko at tapusin ito nang maayos.
Nang umalis ang dalawang lalaking kasama ni Architect Dele Costa at si Ma'am Lapinig tila napako ako sa kinatatayuan, hindi magawang kumilos. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko maintindihan pero parang may kakaibang pwersang humahatak sa akin. Pumasok siya sa banyo, walang imik, at saglit akong tinitigan—parang tumatagos ang mga mata titig niya sa kaluluwa ko. Parang tiger look, kung makatitig.
Bigla siyang naghubad ng t–shirt at humarap sa salamin, yumuko sa sink at naghilamos.
His body—it was as if it had been sculpted by the gods. Broad shoulders, a firm, chiseled chest, and abs that seemed carved from stone. He looked like one of those Russian gods from legends—tall, powerful, and perfect in every way. I couldn't tear my gaze away, completely mesmerized by every movement he made.
Bigla siyang tumigil sa paghihilamos, napansin niya ako mula sa salamin.
He narrowed his eyes. "What? Why are you staring me like that? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaking nakahubad?" His voice was coldly, almost like he found my gaze irritating. Ramdam ko agad ang pamumula ng mukha ko at napababa ng tingin, hindi ko alam kung dapat ba akong mapahiya o mainis sa kayabangan niya. "Para kang naengkanto diyan."
Hindi ko alam ang isasagot sa kanya, kaya nanatili na lamang akong tahimik at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
"Bilisan mo na ang trabaho mo at lumabas ka na. Gusto kong magpahinga," dagdag pa niya, mas matigas na tinig.
Nang makita niya akong hindi pa rin gumagalaw, muli siyang nagsalita, mas malamig at mas detalyado ang bawat salitang sinabi niya
"Are you even listening? Are you deaf? Sabi ko, kung lalabas ka, just make sure to close the doors," sabi niya, mas may diin sa bawat salita. Sa tono niya, parang inuutos niya sa akin na tapusin na ang lahat upang makalabas na ako.
Napayuko na lang ako, ramdam ko ang lamig ng tingin niya, lalo na't alam kong wala siyang pake sa akin o sa trabaho ko. Hindi ko na rin nagawang tumingin ulit sa kanya. Halos mabigat ang mga paa ko habang tinatapos ko ang paglilinis. Napa–buntong hininga ako habang inaayos ang mga gamit panglinis.
Pagkatapos kong siguruhing malinis na ang banyo, huminga ako nang malalim at dahan–dahang naglakad palabas. Luminga ako sandali, nakita ko pa siyang hinubad ang suot na pantalon at mabilis kong iniwas ang mga mata ko. And I sighed.
"Lock the door when you leave," pahabol niyang sigaw.
Tahimik akong tumango at tuloy–tuloy akong lumabas ng kanyang suit, at sinara ang pinto nang marahan.