Prologue 02

790 Words
Prologue 02 This Chapter sa pagbabablik ito ni Elisha, isa na siyang super successful nuerosurgeon. Elisha From this!!!! "Wala akong anak, at lalo sa lahat, wala akong asawa," muli niyang sabi sa nag–iigting na mga bagang, malamig na binitiwan ang mga salitang tila kutsilyong tumarak sa puso ko. "At kung sinasabi ng Mama mo na ako ang Papa mo, nagsisinungaling siya. That was a big lie. I'm not your father." He added firmly. To this!!!! Kanina ko pa hinahanap si Zeke, hanggang sa nakita ko siya. Nandito kami sa napakalaking event kung saan ako ang guest speaker. Today, I want to talk about my life and how I became a successful neurosurgeon. But let me tell you, hindi naging madali ang aking paglalakbay. Napuno ito ng mga trials at sakit, lalo na sa aking puso. Despite the challenges, natutunan kong bumangon at lumaban. These experiences shaped me, giving me the strength and determination to reach my dreams. My story isn't just one of success; it's also a story of hope and resilience. At this moment, nais kong ibahagi sa lahat ang mga lessons na natutunan ko, na kahit gaano kalalim ang mga sugat ng buhay, laging may pag–asa na bumangon at lumaban muli. Iyon ako, nadapa pero bumangon ako at lumaban sa buhay. Nakatayo lang ako sa gilid, tahimik na nagmamasid habang nagkaharap ang mag–ama ko. Kanina ko pa nakikita si Yuan sa event pero pinagmasdan ko lang siya na parang hindi ko kakilala. Dahan–dahang lumapit siya sa bata na abala sa paglalaro ng bola. Siyam na taong gulang na si Zeke ngayon, madaling nagmatured ang isip, halatang may halong kaba at pag–asa sa mga mata ni Yuan. "How are you?" bungad niya, pilit na hinahanap ang tamang tono ng kanyang boses. "You still remember me?" He looks like his throat constricted na para bang may bumabara roon. And then he cleared his throat. "I'm your Papa," he said softly, a teasing smile playing on his lips. Agad kong napansin ang tingin ni Zeke. Tila hindi niya alam kung paano tatanggapin ang presensya ng lalaking nasa harap niya. Nakita ko ang bahagyang pagtagilid ng kanyang ulo, ang pagsilay ng sama ng loob sa kanyang mga mata na hindi niya kayang itago. Walang kahit isang bakas ng galak o pananabik sa kanyang mga mata. Mula noong itinanggi siya ni Yuan, wala na akong naririnig na kahit ano mula kay Zeke. Lagi niyang sagot sa akin noon; It's alright, Mama, kung ayaw sa akin ni Papa. Kahit nakikita ko ang sakit sa mga mata ng anak ko. Biglang nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko sa tuwing naalala ko ang panahon na iyon. But I blinked those threatening tears away. Hindi ko alam kung kailan maghihilom ang sugat sa nakaraan. Kibit–balikat ang isinukli ng bata, walang emosyon sa kanyang mukha. "No, you're not my Papa. Remember? You said it yourself," sagot niya, diretso at malamig. Para bang walang halaga ang mga salitang iyon, pero dama ko ang bigat na dulot nito kay Zhaunne. Ang sakit na gumuhit sa kanyang mga mata, ang pamumuo ng luhang pilit niyang pinipigilan—lahat ng ito'y hindi nakatakas sa aking paningin. Para bang naramdaman niya sa sandaling iyon ang sakit na pinaramdam niya kay Zeke noon. Na bumaliktad na ang sitwasyon nila ngayon. Kung noon kami ni Zeke ang nakikilimos ng panahon at atensiyon niya ay bumaliktad na ngayon. Hindi lamang ang anak namin ang nagbago, kundi pati na rin ang landas na dati niyang iniwan. Bago pa siya makapagsalita ulit, muli siyang hinarap ng bata, mas matapang ngayon. "I already have a Papa now," sabi ng anak namin, matigas ngunit may kirot sa bawat salitang binitiwan. "He loves me and treats me as his own son. I don't need a father who didn't even bother to fight for me. I'm sorry...I didn't know you, Mr. If you don't mind, I'll just excuse myself to see my Mama and Papa." Kitang–kita ko ang sakit sa mga mata ni Zhaunne habang napapikit siya ng bahagya, para bang sinusubukang ipaliwanag ang kanyang pagkukulang at pagkakamali. "I'm sorry," he spoke almost above in whisper, puno ng pagsisisi. "I know...sorry is not enough to ease the pain I caused you. I'm so...sorry, Zeke." Ngunit sa halip na sagutin siya, marahang kumibit balikat ulit ang bata, kasabay ng pag–alis ng tingin mula sa ama. Nang tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo, iniwan niya ang amang tila nawalan ng lakas sa bawat hakbang niya. At ako, bilang isang ina na nasa gilid ay nakamasid na lamang, sobra akong nasasaktan habang ang dalawang pusong parehong naguguluhan ay unti–unting nawawala sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD