This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Title: Wife of Silent Tears
Prologue
"Pinaikot mo ako. Ginamit mo ang kawalan ko ng alaala para makuha mo 'yung gusto mo. Bakit? Para saan? Para maramdaman ko na mahal kita? And now, after everything, I find out it was all a lie? Let me tell you this—I’ll never forgive you. Not now, not ever. And no matter what you do, I will never love you. Not after this."--- Zhaunne
Elisha
HINAWAKAN ko ng mahigpit ang kamay ni Zeke habang papasok kami sa mataas na gusali kung saan ang opisina ni Zhuanne. Ang puso ko'y kumakabog sa matinding kaba, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya kami. Pero wala na akong magawa kundi ang humarap sa kanya, kahit gaano pa kasakit. Bigla na lang siyang nawala at hindi na nagpakita. Alam kong may mali ako, pero ginawa ko lang iyon para sa anak ko.
"Wow! Mama, ang laki ng opisina ni Papa, sigurado ka ba dito, Mama?" tanong ni Zeke na buong pagkamangha habang naglalakad kami papasok sa gusali. Hindi ko na siya sinagot dahil sa kaba ko, ngunit ngumiti ako kahit pilit. Alam kong gusto niya ring makausap ang ama niya, pero paano kung hindi siya tanggapin o harapin ni Yuan. Galit na galit siya sa akin 'nung huli kaming nag–usap, halos isumpa niya ako.
Pagkapasok namin ni Zeke sa gusali, dumiretso kami sa reception desk. Lumapit ako sa receptionist at pilit na inipon ang lakas ng loob bago magsalita.
"Excuse me, nandito ba si Mr. Dela Costa sa office niya ngayon?" tanong ko, pinilit kong gawing normal ang tono ng aking boses, kahit ramdam ko ang takot sa bawat salita na lumabas sa bibig ko.
Tiningnan ako ng receptionist mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay tumingin siya sa screen sa harapan niya. "Yes, ma'am, nandito siya. Would you like me to call him for you?"
Umiling ako. "Hindi na. Alam ko naman kung saan ang office niya." I took a deep breath, pilit na tinatago ang kaba at takot na unti–unti nang sumisiksik sa dibdib ko.
Muli kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Zeke at naglakad kami papunta sa elevator. Tahimik lang siya, pero alam kong kanina pa siya nag-iisip. "Mama, sigurado ka bang nandito talaga si Papa?" tanong niyang muli, puno ng pag-asa at excitement ang kanyang tinig.
Ngumiti ako ng bahagya, kahit alam kong pilit iyon at walang kasiguraduhan ang pagpinta namin dito. "Oo, anak. Makikita mo na siya." Pero sa loob–loob ko, hindi ko alam kung handa ako sa mangyayari.
Ilang saglit pa, nasa tapat na kami ng opisina ni Yuan. Nakabukas ang pinto at mula sa kinatatayuan ko natanaw ko siya, nakayuko sa malaking executive desk at tila may binabasa. Suot ang pormal na suit that showing his strenght and power, tila isang taong walang alalahanin sa buhay na ang tanging mahalaga lang sa kanya ang trabaho niya, ang pangalan niya at ang reputasyon niya.
Masakit para sa akin na makita siyang ganito na normal lang sa kanya ang lahat, habang ako at anak ko naghihirap ang kalooban sa pambabalewala niya, para bang wala kaming pinagdaanan.
That we didn't exist on his world. He didn't care about us, he didn't care about my son. Kahit anak ko na lang sana. Kahit si Zeke na lang, bakit ba ayaw niyang maniwala na anak niya ito?
Hawak–hawak pa rin ang kamay ni Zeke dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Nag–angat ng mukha si Zhuanne. Stretched his body lazily, ngunit nakita ko agad ang pagbabago sa mukha ni Zhuanne nang mapansin niya kami. Parang nawala ang focus niya sa ginagawa, at napatayo agad sa kanyang kinauupuan.
"Elisha, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya, cold and bluntly, walang emosyon. Ramdam ko agad ang distansya sa pagitan namin, hindi lang pisikal kundi pati na rin sa damdamin.
Hindi ako sumagot agad, pero bago pa ako makapagsalita, lumapit si Zeke sa kanya at humawak sa laylayan ng suit na suot niya.
"Papa, ikaw ang Papa ko, 'di ba? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo iniwan si Mama? Bakit ka umalis sa bahay, Papa?" Ang tinig ng anak ko'y puno ng kuryusidad at pagmamakaawa, parang pilit niyang hinahanap ang pagmamahal na alam niyang karapatan niya.
Halos hindi ako makahinga sa bawat salitang lumabas sa bibig ni Zeke. Naninikip ang dibdib ko sa eksena. Kitang–kita ko ang pagpupumilit niya, ang paghahanap niya ng kasiguraduhan mula sa taong gusto niyang makasama. Niyakap ni Zeke si Yuan.
Ngunit imbes na yakapin siya o kilalanin, huminga nang malalim si Yuan at lumuhod sa harap ni Zeke. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ng anak ko, pero may malamig na distansya sa kanyang mga mata.
"Zeke, look and listen," malumanay ngunit malamig niyang sabi, "hindi ako ang Papa mo."
Parang bumagsak ang mundo ko sa mga salitang sinabi niya sa bata. Kitang–kita ko ang pagkawasak sa mukha ni Zeke—tila hindi niya matanggap ang sinabi ng kanyang ama.
"Papa... hindi totoo 'yan," sagot ni Zeke, halos pabulong, habang ang mga mata niya'y nagsisimulang mangilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. "Ikaw ang Papa ko. Sabi ni Mama ikaw ang Papa ko!"
Pinipilit niyang yakapin si Yuan, ngunit unti–unting umatras si Yuan, umiwas ng tingin, habang pinapanatili ang malamig na expresyon. "Hindi ako ang ama mo," ulit niya, halos wala nang emosyon sa mukha. "Wala akong anak."
Nagsimula nang humikbi si Zeke, dahan–dahan, ramdam ko ang sakit ng bawat hikbi niya. "Papa, bakit hindi mo ako matanggap? Bakit ayaw mo ako, Papa? Dahil ba maingay ako?" Tumaas ang isang kamay niya, para sumumpa, "hindi na ako magiging maingay Papa, babait na po ako. Promise, Papa!" Taas-baba ang mumunting balikat niya sa walang tigil na pag–iyak. Ang mga luha niya'y sunod–sunod nang bumagsak. Pilit niyang inaabot si Yuan, pero si Yuan, nagpatuloy lang sa paglayo.
"Wala akong anak, at lalo sa lahat, wala akong asawa," muli niyang sabi sa nag–iigting na mga bagang, malamig na binitiwan ang mga salitang tila kutsilyong tumarak sa puso ko. "At kung sinasabi ng Mama mo na ako ang Papa mo, nagsisinungaling siya. That was a big lie." He added firmly.
His voice filled with contempt. And he did it again. Halos bumagsak na ang mundo ko sa mga salitang iyon. Nakita ko kung paano kumalat ang pagkalito at sakit sa mga mata ng anak ko. Nakita ko kung paano nawala ang liwanag sa kanyang mundo, ang pag-asa niyang kilalanin siya ng kanyang ama, biglang naglaho.
"Papa, bakit mo ako ayaw?" Patuloy na umiiyak na tanong ni Zeke, pilit na inaabot ang kamay ng kanyang ama, pero hindi siya nito pinansin. "Ikaw, ang Papa ko... bakit mo ako ayaw?" Humahagulhol na hiyaw ng anak ko.
Oh, God! He's only four years old to feel this kind of pain.
Hindi ko na kayang tiisin ang sakit na dinaranas ng aking anak. Lumuhod ako sa harap ni Yuan, ang mga luha ko ay umaagos. "Yuan, pakiusap. Anak mo siya. Kilalanin mo siya. Alam kong hindi madali para sa'yo pero iyon ang totoo. Hindi ako nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo. Hindi mo siya maaring balewalain! I'm sorry kung nagsinungaling ako, ginawa ko lang iyon dahil mahal kita at gusto ko mabigyan ng buong pamilya si Zeke. Ayaw ko siyang matulad sa akin, please, Yuan. Anak mo siya, parang awa mo na," humahagulhol na pakiusap ko sa kanya.
Ngunit imbes na makinig, nagalit lang siya at itinulak ako palayo. "Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan!” sigaw niya, ang tinig ay puno ng galit. "Just f*****g leave, Elisha."
Umiling ako. Patuloy akong lumuhod, hindi nagpatinag. "Kahit ipagtulakan mo ako, hindi ako aalis. Nandito ako para kay Zeke. Pakiusap, kilalalnin mo siya. Kahit ang anak ko na lang, please. Maging ama ka man lang sa kanya!" Pagsusumamo ko.
Si Zeke ay nasa tabi ko, umiiyak, nanginginig ang mga labi. "Papa, huwag mo akong iwan! Mahal kita!"
Pero si Yuan, walang emosyon, balewala sa kanya ang mga pakiusap ko. Tinawag niya ang sekretarya niya. "Tawagan niyo ang security! Palabasin niyo sila," aniya, ang tono niya'y matatag at walang sinumang magpapabali 'nun
Pakiramdam ko nagunaw ang mundo ko sa mga inutos niya. Patuloy ang pag–iyak ni Zeke, at ang puso ko'y nagdurugo habang ang mga mata ng mga tao sa paligid ay nakatuon sa amin, nagmamasid sa nagaganap.
Habang papalapit ang security, hindi ko na kayang magpatuloy. Kahit na hawak ko ang kamay ni Zeke, nararamdaman kong nawawalan na ako ng pag-asa. Dala ang matinding sakit sa puso ko, ito na ang huling lalapit pa ako sa kanya at magmakaawa. Dahil sa oras na bumaliktad ang mundo naming dalawa. Siya naman ang luluhod, at magmamakaawa sa harapan ko. Tatandaan ko ang araw na ito, kung paano niya kami pinagtabuyan at paano niya winasak ang puso ng aking anak. "Anak, halika na," sabi ko, tumaas ang dalawang kamay ko upang punasan ang mga luha ko, subalit hindi siya bumitaw.
"Papa, pakiusap! Ikaw, ang Papa ko," patuloy na pagmamakaawa ni Zeke.
Alam kong nagkamali ako, pero sapat ba iyon para parusahan niya ako? At idamay pa ang anak ko sa pagkakamali ko?