Chapter 04–Nakita niya

1858 Words
Chapter 04 ELISHA GABRIELLE MADILIM na ang paligid at tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay–buhay sa katahimikan ng dalampasigan. Nakasandal ako upuang gawa sa kawayan, nakatingin sa alon na walang humpay na tumatama sa pampang. Pumikit ako, pinapakinggan ang dagundong ng dagat na para bang sinusubukan akong aliwin sa sakit na nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin ko, patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko. "Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog? Malalim na ang gabi," narinig ko ang pamilyar na boses ni Ate Lyneth mula sa likuran ko. Naupo siya sa tabi ko, tinatapik ang balikat ko, para bang sinusubukan akong gisingin mula sa malalim na iniisip. Sumulyap ako sa kanya, at kita ko sa kanyang mga mata ang pag–aalala. "Ate, bakit gano'n si Mama?" tanong ko, halos pabulong. "Bakit parang ang hirap sa kanya na suportahan ang mga pangarap ko? Parang wala siyang tiwala na may mararating ako." Hinaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa malayo. 'Alam mo naman si Mama, mahirap talaga intindihin. Pero hindi ibig sabihin na ayaw ka niyang suportahan. Siguro lang, pakiramdam niya walang patutunguhan ang buhay mo dahil nakikita niya na maraming hadlang at hindi niya alam kung paano ka matutulungan." Tumango ako, kahit papaano ay naintindihan ko ang sinasabi ni Ate. Pero may bahagi ng puso ko na hindi matanggap at pilit unawain. "Pero Ate, kailangan ko ng suporta niya... lalo na ngayon. Malapit na ang board exam, at si Nanang kailangan din ng gamot. Parang ang hirap naman kung pati siya hindi man lang ako matulungan." Natahimik ang Ate at bahagyang napayuko. Pareho kaming natahimik na dalawa habang pinagmamasdan ang alon. "Alam mo, Brielle," sabi ni Ate matapos ang ilang sandali, "may kailangan sana akong sabihin sa'yo." Napatingin ako sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Si kuya... gusto niyang mag–apply abroad. May konting pera kami pero kulang pa rin para sa mga kailangan niya sa pag–aapply. Baka naman may maitulong ka?" Hindi ko naipagkaita ang pag-aalinlangan sa mukha ko. "Ate, may naipon naman ako... pero para sana kay Nanang 'yun, at para rin sa board exam ko." Napabuntong–hininga si Ate at tumango. "Alam ko, at naiintindihan ko 'yan. Kaya lang, malaking tulong talaga kung makakahanap si kuya ng mas magandang trabaho. Kapag nakaluwas siya, mas magkakaroon tayo ng mas malaking chance na makabangon." Naramdaman ko ang bigat ng desisyon na kailangang gawin. Alam kong kailangan ko ang ipon ko, pero gusto ko ring makatulong sa pamilya ko. Tumitig ako sa alon, iniisip kung ano ang mas mabigat sa puso ko—ang pangarap kong maging doktor o ang obligasyon ko bilang anak at kapatid. "Pag–iisipan ko, Ate," sagot ko, habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha na hindi niya nakikita. Pasimpleng tumaas ang kamay ko, at pinunasan ang luha ko. "Kailangan ko lang talagang magdesisyon nang maayos." Natahimik si Ate sandali, pero kita ko sa mga mata niya ang pag–aasam. Alam ko na kapag ganito na ang tono niya, hindi siya titigil hangga't hindi ko naibibigay ang hinihingi niya. Muli siyang nagsalita, mas malumanay ngunit may halong pagpipilit. "Alam mo naman, Brielle, kahit kaunti lang ang maitulong mo, malaking bagay na para makumpleto namin ang kailangan ni kuya mo. Sayang kasi ang opportunity kung hindi siya makakaalis." Muli akong napasulyap ako sa kanya, kita ko ang pagkukumbinsi sa mga mata niya. Alam kong may punto siya, pero hindi rin biro ang pinagdadaanan ko. Ang pag-aaral ko na halos ako lang ang gumagapang, ang trabaho sa hotel, at ang gastusin para kay Nanang—lahat ng iyon ay pasan ko na sa balikat ko. Ngunit ganito talaga si Ate, mabait naman siya, pero kapag hindi napagbigyan, nagtatampo. Pati ang mga anak niya, madalas akong humalili sa pagbibigay ng baon kung kinukulang siya. Napabuntong–hininga ako. "Sige na nga, Ate," sagot ko na may halong pag–aatubili. "Ang sahod ko bukas sa hotel, ibibigay ko na lang sa inyo. Tamang–tama at katapusan na rin." Agad na kumislap ang mga mata ni Ate, tila napanatag sa sinabi ko. "Salamat, Brielle. Alam kong palagi kang maaasahan," sabi niya, at niyakap ako nang mahigpit. Kahit papaano naramdaman ko ang init ng yakap niya, ngunit may halong kirot din sa puso ko. Lagi na lang ganito—ako ang naghahanap ng paraan, ako ang nagbibigay. Pinagsabay ko ang pag–aaral at pagtatrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya. Ginagawa ko ang lahat para matulungan sila, pero minsan, naiisip ko rin kung kailan naman ako ang mauunang unahin. Habang iniisip ko ito, tumitig ako sa malayong karagatan, pilit nilulunok ang sama ng loob na unti–unting bumibigat sa dibdib ko. MAAGA pa lang, nagmamadali na akong nagbihis para pumasok sa trabaho ko. Bago umalis, tinawag ko si Ate na abala sa kusina at nagbilin nang mahigpit. "Ate, pakiusap, bantayan mo si Nanang. Siguraduhin mong hindi siya mapapabayaan," sabi ko habang iniabot sa kanya ang kaunting pera para sa gastusin ngayon na araw. "Oo, Brielle. Huwag kang mag–alala, aalagaan ko si Nanang," sagot niya, ngunit alam ko na sa likod ng kanyang mga salita ay nasasabi niya lang iyon dahil nagabot ako ng pera. Nilingon ko siya bago tuluyang lumabas ng pinto. Kailangang unahin ko muna ang trabaho. Sa lunes, abala ako sa eskwela at ospital, isang linggo na lang tapos na ako sa intern ko, tapos graduation. Then, board exam na, kailangan kong galingan sa exam kahit hindi ako magtop one basta pasok ako sa top 20. Pagkalipas ng mga thirty minutes na biyahe dumating ako sa hotel, deretso akong pumunta sa opisina ni Miss Lapinig para magpaliwanag tungkol sa biglaan kong pag–alis kahapon. Huminga ako nang malalim bago kumatok at pumasok. Agad akong sinalubong ng malamig na tingin niya. “You're late," bungad niya nang walang pasakalye, kasabay ng kanyang matalim na titig. Humakbang ako papalapit, pilit pinapakalma ang sarili. "Pasensya na po, Miss Lapinig. May emergency po kasi kahapon at—" "Emergency? Lagi ka na lang may dahilan, 'di ba?" putol niya sa paliwanag ko. Tumayo siya mula sa kanyang mesa at humakbang papalapit sa akin, ang boses niya ay malamig at puno ng pangungutya. "You think that's an excuse for leaving your post? You think you’re special? Alam mo ba kung gaano kalaking abala ang ginawa mo kahapon? Pinahamak mo si Ms. Torralba. Hindi ka ba nag-iisip?" Nasapo niya ang kanyang noo sa labis na inis sa akin. Ang bawat salita niya ay lagi na lang tila kutsilyong humihiwa sa dignidad ko. "Pasensya na po talaga, Miss Lapinig. Hindi ko po ginusto, pero tinali kasi si Nanang at—" "Lahat na lang ng dahilan ginagamit mo, pati ang Nanang mo," sabi niya na tila wala nang pakialam sa paliwanag ko. "You have responsibilities here. Kung hindi mo kaya, sabihin mo para makahanap kami ng kapalit na mas maaasahan. Hindi 'yung palagi kang nawawala sa oras ng trabaho. Ilang beses mo na itong ginagawa, Elisha?" Napatingin ako sa sahig, pinipilit ang sarili na hindi bumigay. Naramdaman ko ang sakit ng bawat salitang binitiwan niya, at ang masakit na katotohanan na kahit anong paliwanag ang gawin ko, parang wala rin namang pakialam si Miss Lapinig. Kahit gustong–gusto ko nang sumagot at ipagtanggol ang sarili ko, pinili kong magtimpi. Hindi ko kayang mawala ang trabahong ito, hindi ngayon na kailangan ko ng pera para sa gamutan ni Nanang at sa board exam ko. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Pasensya na po talaga, Miss Lapinig. Hindi na po mauulit." Napansin ko ang bahagyang pagbago ng ekspresyon niya. Parang napakamot siya sa ulo at ang inis ay tila bahagyang lumambot. “ "Kung wala lang sanang paparating na bigtime na bisita dito sa hotel, matagal ka nang tanggal. You understand that? Umayos ka, Elisha." Tila nauubusan rin nang pasensiyang sabi niya sa akin. Tumango ako, hindi na nag-abalang magsalita pa. Alam kong malaking biyaya na ang hindi ako paalisin sa trabaho. "Pumunta ka na sa suite ni Architect Dela Costa," utos niya na mas kalmado na ang tono. "Simulan mo na ang trabaho mo. Ayusin mo lahat, maliwanag?" "Opo, ma'am," sagot ko nang mabilis, at kahit papaano'y naramdaman ko ang konting ginhawa sa dibdib ko. Parang nawala kahit papaano ang bigat ng kanyang mga salita. Tatalikod na sana ako para umalis nang muli niya akong tawagin. "Sandali lang. Kunin mo na rin ang sahod mo sa Accounting Department. Katapusan ngayon, ‘di ba? Wala pa 'yong replacement sa atm mong nawala. Tanga ka kasi." Tuya na naman niya. Nahulog kasi iyon, 'nung sumakay kami sa speedboat para i–tour minsan ang naging bisita namin. Napatingin ako sa kanya, medyo nagulat sa sinabi, kahit papano pagdating sa sahod ko, hindi naman ito mapanlamang sa kapwa. "Opo, ma'am. Salamat po." Kahit papano medyo guminhawa ang loob ko sa sinabi. Positibong inayos ang sarili ko sa trabaho ko ngayong araw. Sa tuwa ko, dumaan muna ako sa accounting department para kunin ang sahod ko bago dumiretso sa suite ni Architect Dela Costa, ng makuha ko ang sahod ko, umalis ako agad at nagpunta sa 5th floor kung saan ang suit ni Architect. Pagdating ko sa harap ng pinto, huminto ako saglit at inayos ang sarili ko. Hinila ko ang salamin ko pataas, na medyo lumuluwag na sa tenga. Kailangan ko na talagang bumili ng bagong frame kapag nagkaroon ako ng ekstrang pera. Huminga ako nang malalim bago dahan–dahang binuksan ang pinto at pumasok. Agad kong narinig ang mga boses nina Architect Zhuanne at Althea. Nag–uusap sila tungkol sa paparating na bisita, isang bilyonaryong negosyante mula sa UK na may hawak ng isang malawak na construction empire. "This partnership is the game–changer we've been waiting for," sabi ni Althea, hawak ang isang wine glass. "With this, we'll be recognized not just locally, but globally." Nakatingin ako sa kanila habang si Architect Dela Costa ay tumango at tila ba kumikislap ang mga mata. "Exactly. We're not just aiming for success; we're aiming to dominate," sabi niya, may halong determinasyon at gigil sa kanyang boses. "Soon, the construction industry in the Philippines will be ours. Fame, recognition—it’s all within reach." Aniya sa pagmamalaking tinig. Sa tono ng kanyang boses. Parang walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang pangalan at tagumpay. Kitang–kita ko sa mukha niya ang labis na pagnanasa para sa kasikatan. Napansin ko ring unti–unti nang lumalapit si Althea kay Zhuanne. Inikawit niya ang kamay niya sa batok ng binata at walang pag–aalinlangang hinalikan ito sa labi. Gumanti naman ang binata, walang pag–aalinlangan, tila ba nauuhaw sa ambisyon at pagnanasa. Sa sobrang gulat ko at sa biglaang kaba na bumalot sa akin, nabitawan ko ang mga panlinis na hawak ko. Kumalat ang mga ito sa sahig, ang tunog ng pagbagsak ay agad nakakuha ng atensyon nila. Sabay silang napatingin sa kinaroroonan ko, at ako naman ay hindi agad nakapagsalita, para bang natutulala habang ang dibdib ko'y tila dinadagukan ng magkasamang kaba at hindi ko alam kung, selos ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD