Chapter 05
ELISHA GABRIELLE
NAPATITIG sa akin si Althea, halatang nag–uumapaw ang galit sa kanyang mukha. Agad siyang naglakad palapit, kasabay ng mga titig na parang kaya akong sunugin ng buhay.
"Ano bang problema mo?!" bulyaw niya, ang boses niya’y nanginginig sa galit. "Wala ka bang galang? Hindi ka ba marunong kumatok?!"
Tahimik lang akong nakatayo, hindi magawang sumagot. Alam kong nasa sitwasyon ako na kahit anong sabihin ko, lalo lang itong magpapalala ng galit niya. Bukod pa roon ay amo ko siya mas lalong wala akong karapatan na sumagot–sagot, narinig kong bumuntong–hininga si Architect Dela Costa. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, tinitigan si Althea, at iniangat ang kamay niya na tila ba nag-uutos.
"Thea, enough," maawtoridad niyang sabi, ang boses niya ay matigas ngunit kalmado. "Don't waste your energy on this. Let her be. There are more important things to focus on."
Tumingin lang ako kay Architect, pero hindi ko mabasa kung may bahid ba ng galit o awa ang mga mata niya. Ang alam ko lang, para sa kanya, wala akong halaga. Isa lang akong abala, isang kawalang–saysay sa kanilang mundo na umiikot lamang sa ambisyon at tagumpay.
Napasimangot si Althea, pero sa huli, tumigil siya sa pagsigaw at nagmumurang tumalikod. Muli akong napatungo, pilit iniipon ang natirang lakas sa kabila ng pakiramdam na tila ako'y lumiliit sa bawat segundo na naroon ako.
Pagkatapos ng tensyonadong eksena, naramdaman kong unti–unting gumaan ang hangin sa paligid. Si Architect Dela Costa ay tumingin sa akin nang diretso, seryoso ang mga mata.
"Nasabi na ba sa'yo ni Ms. Lapinig ang trabaho mo ngayon?" He asked coldly, ngunit may kaunting interes.
Naguguluhan akong tumango, pero naghintay pa rin sa magiging susunod niyang sasabihin. Si Althea, na nanatiling tahimik mula nang sawayin siya, ay biglang lumapit. Halatang hindi niya magawang pigilan ang sarili at bahagyang napakunot ang noo.
"I need a secretary for the meantime," patuloy ni Architect, walang alinlangan sa boses niya. "You'll be assisting me directly. I expect efficiency, no delays."
Napaawang ang bibig ni Althea, halatang hindi niya matanggap ang sinabi ng binata. "Zhuanne... Are you serious? Her? A secretary?" Halos mapatid ang boses niya sa pagkagulat at pagka–dismaya.
Pahapyaw na ngumiti si Architect, isang ngiti na malamig at hindi nagpapakita ng emosyon. "Yes, Thea. I’m serious. I need someone reliable, and right now, I have no time for discussions or delays," sagot niya, sabay tingin sa akin na tila ba hinihintay ang isasagot ko.
Hindi ko alam ang isasagot. Kasama ng gulat at kaba, naroon ang kaba na hindi ko alam kung magagawa ko ba nang maayos ang inaasahan niya. Ngunit sa mga mata ni Architect, kitang–kita ko ang determinasyon, isang tapang na tila hindi pumapayag sa anumang hadlang sa kanyang mga plano.
Althea, rolled her eyes upward in irritation. She crossed her arms over her chest, her face twisted with disapproval.
"Zhuanne, this is ridiculous," singhal niya, halatang hindi siya natutuwa sa desisyon ni Architect. "She's so… clumsy! I mean, really? A secretary? Hindi mo ba napansin? She can’t even hold cleaning supplies without dropping them." Tuyang sabi niya.
Ramdam ko ang irita sa bawat salita ni Althea, pero pinilit kong manatiling kalmado. Tumitig siya sa akin, at sa bawat tingin niya, parang sinisiyasat niya ang bawat pagkakamali ko.
"Seriously, Zhuanne," patuloy niya, lumapit pa siya kay Architect. "This isn't just a random job. This is a high–profile client we're talking about. You need someone who knows what they’re doing not... her."
Tahimik lang si Architect, nakamasid sa amin pareho. Hindi niya sinagot agad si Althea, bagkus ay tumingin siya sa akin, waring naghihintay kung paano ko tatanggapin ang sinasabi ni Althea. Pero hindi pa rin tumigil ang babae, puro negatibo ang sinasabi niya.
"She'll only slow you down, Zhuanne. She's not fit for this. Don't you see that? Tuluyan nang nag-init ang boses ni Althea, halatang hindi siya pumapayag sa ideya.
Huminga nang malalim si Architect at marahang sumagot. "Thea, enough."
Nagulat ang babae sa tono ng boses ni Architect, pero nagpatuloy siya, "I'm just saying what’s best for you, Zhuanne. She’s a liability."
This time nakita kong ngumiti lang si Architect. "I appreciate your concern, Thea, but my decision is final. I want her as my temporary secretary for now, and I don't need further arguments."
Napansin ko ang galit sa mga mata ni Miss. Torralba ngunit hindi na siya sumagot pa. Tumalikod si Architect sa kanya at tumingin sa akin. "Let's get to work," sabi niya, at doon na natapos ang usapan. Ramdam ko ang kabang bumabalot sa akin, pero may kakaibang lakas din akong naramdaman—na kahit papaano, pinanigan ako ni Architect Dela Costa. "Linisin mo muna itong buong suite, gusto ko malinis at maayos sa pagbabalik ko."
Pagkatapos sabihin ni Architect ang mga utos, tinignan ko ang buong suite. Malaki at elegante ang bawat sulok nito—mga mamahaling kasangkapan at mga dekorasyon na halos hindi mo pwedeng galawin. Pero kailangan kong linisin ito nang maayos. Tahimik kong sinimulan ang trabaho, kahit alam kong pinapanood ako ni Althea habang nagpapalipas ng inis.
Habang naglilinis, napansin ko ang mga blueprint na nagkalat sa ibabaw ng isang malapad na mesa, malalaking papel na may mga guhit at plano. Nakatayo lang sa sala si Althea ang mga braso nakapulupot at may kasamang matalim na tingin, habang si Architect ay abala sa kanyang laptop tila ba may sinusuring mabuti roon, walang pakialam sa tensyon sa paligid habang ang mukha ni Althea ay hindi na maipinta sa inis.
Lumipas ang pa ang isang oras ay natapos rin ako ang buong sala. Ang kwarto na lang at ang banyo, muling lumapit sa akin si Architect. "Pagkatapos mo rito, dalhin mo yang mga blueprint sa pool area," utos niya na para bang napaka–normal na gawain lang nito. Tumango ako, kahit may kabang bumabalot sa dibdib ko, at sinimulang ayusin ang mga blueprint para dalhin. Marami–rami, rin ito.
Naunang lumabas ng suite si Zhuanne, at kasunod nito ay si Althea, bago siya lumabas hindi pinalampas ang pagkakataong magpakita ng inis sa akin. Itinaas niya ang isang kilay at inirapan ako, waring sinasabing hindi ako nararapat naroon. Ngunit nanatili akong kalmado, nagfocus sa trabaho at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Kahit pa nararamdaman kong sinusubukan ni Althea na panghinaan ako ng loob, pinilit kong huwag magpadaig.
Isa–isa kong inayos ang mga blue print, para mamaya, dadalhin ko na lang sa pool area.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili.
PAGKATAPOS kong ayusin ang bawat sulok ng sala, pumasok ako sa kwarto at nakita ang magulong kama na pinaghigaan ni Architect. Tahimik akong lumapit at inumpisahang ayusin ito, pinapantay ang mga gilid ng kumot at pinatong nang maayos ang mga unan. Hindi ko maintindihan ang sarili, habang inaayos ko ang huling unan, bigla ko na lamang dinala ito sa aking ilong at sinamyo.
Ang bango nito, napaka manly scent na parang amoy ng aftershave ni Architect. Napapikit ako sandali, pinipigilan ang ngiti sa labi, habang iniisip kung gaano kakarismatiko talaga si Architect.
Amoy na amoy ko ang scent ni Architect Zhuanne—malinis, masculine, at may kakaibang dating na parang may hinahatak sa puso ko. Napapikit ako, bahagyang napapangiti, nang biglang may narinig akong boses sa likod.
"What the hell are you doing? Are you... sniffing my pillow?"
Napabalikwas ako sa boses niya, at halos mabitiwan ko ang unan sa pagkabigla. Nasa pinto siya ng kwarto, naka–cross arms, at ang kilay niya ay bahagyang nakataas habang pinagmamasdan ako, may halong amusement at pagkalito sa kanyang mga mata.
"Ah... no, sir, I was just… checking if the pillow smells fresh," ang sagot ko, nanginginig pa ang boses sa kaba. "I just wanted to make sure everything is clean and… nice smelling. Alam mo naman,,sir, para sa mga guests…" Alam kong hindi ito kapani–paniwala dahil ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko sa hiya.
Naglakad siya papasok, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Really?" tanong niya, bahagyang nakangisi. "Because, from where I’m standing, it looks like you’re doing a bit more than just checking for freshness."
Napainhale ako ng malalim, pilit na pinapanatiling composed ang sarili. "Sir, I assure you, I was only—"
"You were sniffing my pillow." He took a step closer, halos mapaatras ako sa lakas ng kanyang presensya. "Next time, just say it if you find something… interesting," dagdag niya, nakatingin sa akin na parang may alam na hindi ko inaamin.
Nahihiya ako, pero pinilit kong maging kalmado. "It's not what you think, sir," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili. "I’m just here to do my job, and I would never… you know..."
Nagtaas siya ng kilay, at ngumisi nang bahagya. "Right. Just doing your job."
Napayuko ako, ramdam ko ang mainit na pagkapula ng mukha ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na't nahuli niya akong amoy—amoy ang unan niya. Pilit kong iniwasan ang tingin ko sa kanya, pero sa gilid ng mata ko, nakita ko siyang nagtatanggal ng kanyang shirt. Nanlaki ang mga mata ko, at halos hindi ako makahinga. Kitang–kita ko ang matipuno niyang katawan, at bago pa ako tuluyang mawala sa sariling mundo, bigla siyang nagsalita.
"Do you know how to hand wash clothes?" tanong niya, walang pag–aalinlangan sa boses. "Ayokong ipalaba ang mga damit ko sa laundry shop. They never get it right. Mas gusto ko 'yong personal touch—hand wash lang. Ayoko rin ang nilalagyan na kung ano–anong fabric conditioner, I want it natural smell."
Naguluhan ako sa tanong niya at bahagyang natigilan. "Ah... oo naman, sir. Marunong ako," sagot ko, pilit na hindi pinapakita ang kaba sa boses ko. Pero nagtataka pa rin ako sa sinabi niya. "Pero... bakit niyo po gustong ipalaba sa akin?"
Ngumiti siya nang bahagya, at tila ba walang masyadong emosyon ang kanyang mukha. "Don't worry, you'll be compensated for the extra work. Extra task, extra pay," sabi niya, kalmadong–kalmado, pero may bigat ang boses. "It’s just… I like things done a certain way. Mas gusto kong may personal care."
Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung tama bang pumayag, pero hindi ko rin naman kayang tanggihan ang dagdag na sahod.
Habang nag–aayos siya ng mga gamit niya, bigla siyang nagsalita ulit, na para bang kaswal lang ang sinasabi. "Alam mo, nag-aaral din ng medicine ang kakambal ko. And you too, nag–aaral ka pala ng medicine."
Nagulat ako at napatitig sa kanya. "Talaga po? May kakambal pala kayo? At sino po nagsabi sa inyo nag–aaral ako ng medicine?"
Tumango siya, isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya, at may bakas ng pagmamalaki sa mga mata. "Oo. Siya ang matalino sa aming dalawa. Ako... I wanted to make a name for myself in the construction industry, pero siya, ‘saving lives’ type. Then, Ms. Lapinig told me that you are taken up medicine," sagot niya, at halata sa boses niya na wala lang iyon sa kanya ang tungkol sa medicine course ko, ngunit benalewala ko lamang iyon.
Because you can't please everybody.
"Siguro po, you're proud of him?" hindi ko maiwasang itanong, habang pilit kong pinipigilan ang ngiti.
Natawa siya na ipinagtaka ko. "Yeah… proud, super proud. Hindi siya lalaki, kundi babae."
Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko muli akong napahiya. Muli siyang nagsalita, nakangisi nang bahagya. "Are you... interested to meet someone?"
Natigilan ako, napatingin sa kanya. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko, hindi dahil sa excitement kundi sa hindi inaasahang kurot ng sakit na hindi ko maipaliwanag. "Ah… sino po ang tinutukoy niyo, sir?"