Chapter 04
Zari
"KUYA JOSH," tawag ko sa kanya habang hinahabol ko siya. Pero hindi niya ako naririnig, tuloy–tuloy itong naglalakad patungo sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob.
"Kuya Josh," muli kong tawag, binilisan ko na ang aking pagtakbo pero hindi pa rin niya ako naririnig. Umandar na ang kanyang sasakyan, umikot ako patungo sa exit ng parking lot. Doon ko na lang siya aabangan. Bago paman siya tuluyang makalabas iniharang ko ang aking katawan sa gitna ng kalsada. Malakas napa–preno ang kotse na kulang na lang dumikit sa kalsada ang gulong nito at nagiwan ng marka ang mga gulong sa lakas ng kanyang pagpreno.
Hingal na hingal akong itinaas sa ere ang box ng cupcake. Dahil tinted ang salamin ng kotse ay hindi ko makita kung ano ang reaksiyon niya sa loob. Ilang sandali ang hinintay ko bago bumukas ang pinto ng kanyang sasakyan.
"Dammit, Zari!" he shouted. Nakatiim ang mga bagang at naniningkit ang mga mata. "Ano ang pumasok sa isip mo? Muntikan na kitang masagasaan? Damn!" He cursed savagely.
I swallowed hard. "G–gusto ko lang itong ibigay sana n–nakalimutan mo kasi..." I stammered, dahil nakikita ko ang matinding galit sa mukha niya.
Humakbang siya patungo sa akin. Hinablot mula sa kamay ko ang hawak kong box. "Muntikan na kitang madisgrasya because of this stupid cupcakes," he said angrily. Ang hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa malakas niyang inihagis ang box sa semento. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang mga cupcake na nagkalat sa kalsada.
Biglang nanubig ang mga mata kong nakatitig sa mga cupcakes. "B–bakit mo naman tinapon? Gumising pa ako ng maaga para gawin ang mga 'yan? Tapos itatapon mo lang," nagtatampo kong sabi na nakatitig lang sa mga cupcakes.
Tumingala ako sa kanya na parang bata. Nanginginig ang labi ko at mariin kong kinagat upang pigilan na 'wag tuluyang mapaiyak. Napahilamos siya ng kanyang mukha gamit ang isang palad, tila hindi malaman ang gagawin.
Malalim itong napabuntong–hininga. Napansin ko ang pag–alala sa kanyang mukha, at unti–unti'y bumaba ang galit na nakikita ko sa mukha niya kanina. "Zari, alam mo bang delikado ang ginawa mo? Baka masagasaan ka, o baka maaksidente pa kita dahil lamang sa mga cupcake na 'yan," aniya na pilit ang magpakamahinahon.
"Alam ko Kuya Josh. Pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya na maging delikado ang ginawa ko. Gusto ko lang ibigay sa'yo ang cupcakes na pinaghirapan ko."
Isang pang malalim na buntong–hininga ang muli niyang pinakawalan. "Hindi kita ino–obliga na gumawa ka ng cupcake for me. Ayokong may masabi ang pamilya mo sa akin at ang kapatid mo. Hindi mo kailangang gumawa ng isang bagay para sa akin. Gusto kong linawin sayo, parang nakakabatang kapatid lang ang pagtingin ko sayo, Zari. You're just wasting your time."
Napatingin ako sa kanya, parang hiniwa ang dibdib ko sa kirot sa narinig mula sa labi niya, namuong muli ang luha sa mga mata ko. "H–hindi naman 'yun ang ibig kong iparating, Kuya Josh. G–gusto ko lang magpasalamat sa'yo for being nice to us lalo na kay Kuya Zane."
Nakikita ko sa mga mata niya ang labis–labis na pagpapasensiya. "Kaibigan ko ang Kuya mo, Zari. Alam mo kung ano ang mga pinagdaanan naming magkakaibigan at ayokong masira iyon. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi kita maunawaan. You're young and innocence, naguguluhan ka lang." Aniya na may nais ipahiwatig ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Isang matamis na ngiti ang itinugon ko upang itago ang kirot sa puso ko. Hindi ako manhid para hindi maintindihan ang nais niyang ipahiwatig.
It's really breaks my heart. Nilingon ko ang mga cupcakes na nasa semento. Yumuko ako upang damputin ang mga ito. Malinis pa, pwede pang kainin. Habang isa–isa kong binalik sa loob ng box ang mga ito. Hindi ko mapigil ang pagpatak ng mga luha ko sa pavement.
"Hindi ito basta–basta, Kuya. Ginawa ko ito para sa'yo, tumingin pa ako sa internet para maging special," sabi ko na pilit pinapasigla ang aking tinig.
Umiling si Josh. "Hindi mo kailangang gawin sa akin 'yan, Zari. Ang importante sa akin ang relasyon ko sa kapatid mo at sa pamilya mo. Mag–aral kang mabuti para maging maayos ang kinabukasan mo. Hindi mo kailangang mag–effort ng ganyan para sa akin."
Huminga ako ng malalim. Wala akong paki–alam sa mga sinasabi niya kahit nasasaktan ang damdamin ko dahil mas higit na mahalaga ang damdamin ko kaysa damdamin niya. Masakit pero hindi ko siya susukuan.
"Alam ko, Kuya. Pero gusto ko ring ipakita na minamahal at pinapahalagahan ko ang lahat ang lahat ng ginagawa mo para sa amin. Kahit pa maliit na paraan lang, gusto kong makita mo 'yun."
Hindi na niya ako sinagot, ngunit nakita ko sa mga mata niya ang pagkadisgusto. Sa sandaling iyon, alam kong nakarating ang aking mensahe sa kanya. Tinitigan niya lang ako, blanky. Napapansin ko ang mga pailing–iling niya.
"H'wag mo nang pulutin ang mga 'yan," saway niya sa akin at pinigilan ang mga kamay ko pero hindi ako nagpapigil sa kanya, "sinabi ng 'wag na," tumaas ang tinig niya.
"Sayang ang mga ito," sagot ko, pagkatapos kong mailagay sa box ang lahat ay tumayo na ako at matipid na ngumiti.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Are you crazy, Zariyah? Marumi na ang mga 'yan."
Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. "Hindi naman maselan ang tiyan ko, kahit nga ano ang kinakain ko."
Umiling siya, ang kanyang mukha ay nagsasabing galit at pagkadismaya. "You're so unbelievable!" mataas ang tonong reaksiyon nito. "Bakit mo ba ito ginagawa? Para makonsensiya ako sa ginawa kong pagtapon niyan kanina? Well, I will tell you this, walang akong pagsisi sa ginawa ko."
"Hindi, ah!" depensa kong sabi, ang puso ko'y mabilis na kumalabog sa loob ng aking dibdib. Wala naman akong nais ipahiwatig. Nasasayangan lang ako sa cupcake. Kung para sa kanya madumi na, p'wes para sa akin hindi pa. Pwede pang kaininin.
Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako. Hindi ko naman kasalanan kung lumaki kaming nasusunod ang gusto namin. Mahal lang siguro kami ni Daddy kaya binibigay niya ang gustuhin namin. "Zari, hindi ko gusto na mahaluan ng sama ng loob ang ating relasyon dahil sa mga ganitong bagay. Alam ko may mabuti kang hangarin, pero ang paraan na ginagamit mo ay hindi tama. Gusto ko na maintindihan mo, bilang isang babae na hindi ito ang tamang paraan para ipakita ang pagpapahalaga mo sa isang tao," dagdag niya, ngunit ang kanyang boses ay mas kalmado kaysa kanina.
"Gusto ko lang na—"
"Damn! Paulit–ulit, parang kang sirang plaka. You're not helping, sisirain mo ang imahe ko bilang Doctor at Professor. You are flirting," naggagalawan ang mga muscles nito sa panga habang nagsasalita.
"I'll be honest with you, Kuya Josh. Ngayon ko lang naramdaman ito." Sa wakas ay nabanggit ko rin, ang aking mga mata ay puno ng pag–asa na tugunan niya ang damdamin ko. Kaya ko siyang paligayahin na mas higit kung paano siya napapaligaya ni Ate Hannah.
Napapikit ang lalaki, pagkatapos itinuon sa malayo ang paningin. Ngayon ko lang napagtanto na marami na pa lang estudyante sa paligid namin at nakiki–asyuso. Nang muling tumingin sa akin ay makahulugan na ang titig nito.
Isang nanunuyang ngiti ang gumuhit aa mga labi ni Josh. "Alam mo bang allergic ako sa mga spoiled brats na katulad mo?"
Akmang tatalikuran na niya ako ng hawakan ko siya sa braso, ang aking mga mata'y nagsusumamo. Nagsasalubong ang mga kilay niya at napako ang paningin niya sa kamay ko sa braso niya. Mabilis kong inalis ang kamay ko roon.
"I like you, Kuya Josh. I will teach you to love me. Handa kong gawin ang lahat lahat para sa'yo basta mahalin mo lang ako, please..." ang boses ko'y malalim at puno ng pag–asa.
Wala akong nakitang gulat sa mukha niya. Isang sarkastikong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Ibang klase ka rin, huh?" niiling na sabi nito. "Matagal na kitang ramdam, Zari. Dahil kapatid ka ni Zane at bata ka pa kaya inintindi kita pero ngayon isa lang ang malinaw sa akin. Ang tuluyang layuan ka nakakatakot. Mas mahalaga ang lisensiya ko kaysa sa'yo. Ilang taon kung pinaghirapan na makamtan ang lisensiya ko tapos sisirain lang nang isang conceited rotten child." He said firmly. Tapos, sumakay na siya sa sasakyan niya, naiwan akong nakatayo roon, ang aking puso'y durog na durog.
Hinatid ko na lamang ng tanaw ang sasakyan na papalayo. Bumuntong–hininga ako at pinipilit na pigilan ang mga luha na gustong kumawala mula sa aking mga mata. Ang dating malawak na parking lot ng unibersidad ay ngayon ay mistulang napakaliit para sa akin, hindi ko alam kung paano ako aalis dito nang hindi nababasag ang aking puso.
Yumuko ako, pigil na pigil pa rin na 'wag pumatak ang mga luha ko. Ngunit hindi ako titigil hangga't hindi niya ako pakasalan. Maraming paraan para maging akin siya.
Hinatak ko ang aking cellphone mula sa bulsa at tiningnan ang oras. "Alas diyes na pala, para sa next subject ko pero wala na akong ganang pumasok," matamlay na sabi ko sa aking sarili sabay buntong-hininga.
Nang bigla akong maramdaman ang isang kamay sa aking balikat. "Zari," boses ni Claire. "Nakita ko ang nangyari kanina. Okay ka lang ba?"
Mapait akong ngumiti sa kanya, ngunit hindi ko magawang ngumiti nang lubos. "Salamat, Claire. Medyo nasasaktan lang ako. Hindi ba ako karapat–dapat na mahalin?" malungkot na tanong ko.
Umiling siya. "Tara, mag-usap tayo. Kailangan mong magrelax ," sabi ni Claire, habang hawak niya ako sa aking braso, naglalakad kami palayo mula sa parking lot.
Sa loob ng isang maliit na coffe shop sa tabi ng unibersidad, umupo kami sa isang maginhawang sulok. "Alam mo Zari, alam kong mahirap ang nararanasan mo ngayon. Pero alam mo rin na hindi tama ang paraan ng pagpapakita mo ng pagmamahal kay Kuya Josh, diba?" sabi ni Claire, ang kanyang mga mata'y puno ng pang-unawa at suporta.
"Tama ka, Claire. Siguro nga ay mali ang mga paraan ko," bulong ko, ang aking mga mata'y humahagulgol sa sakit. "Kung hindi ko sasabihin, kailan pa? Hindi naman niya ako pinapansin."
Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ni Claire. "Ikaw pa? Hindi ka naman mahirap mahalin sadya lang siguro na iba ang tinatangi ng puso niya. Mabait kang tao, Zari. Hindi ka dapat nawawalan ng pag-asa. Marami pa namang tao sa paligid mo na nagmamahal sa'yo," sabi ni Claire, ang kanyang mga salita'y puno ng pag-asa.
Naramdaman ko ang init ng tasa sa aking mga kamay. Tumingin ako sa aking cup of coffe at iniisip kung paano ko ito haharapin. Sa gitna ng aking kalungkutan, may liwanag na nagniningning sa malalim na parte ng aking puso. Ang liwanag ng pag-asa. May naisip akong paraan para tuluyang maging akin si Josh.
"Pero siya ang gusto ko, Claire. Siya ang lalaking gusto ko makasama habang buhay." determinadong sabi ko. "I'm in love! Did you hear me, Claire? I'm in love with him!" malakas kong deklara kahit maraming mga estudyante sa loob ng coffe shop.
Wala akong pakialam sa opinyon nila. Halos sabay–sabay silang naglingunan sa kinaroroonan namin at umugong ang malakas na tawanan.