Chapter 03
Zari
PAGDATING namin sa University ay nahiwalay kami ni Zeinab. Dahil magkaiba ang building ng nursing at engineering department.
Tumingin ako sa aking relo, eight in the morning pa lang namn at eight thirty ang klase ko kay Josh. Diretsong pumasok ako sa powder room para mag–ayos. Gusto ko maging pleasant always sa paningin niya. Humarap ako sa salamin at nilapag ko sa lababo ang box ng cupcake, para tingnan ang aking hitsura, tinitiyak kong maganda ako.
Habang naglalagay ako ng kaunting lipstick at nag–ayos ng aking buhok ay may dalawang student na pumasok. Dumiretso ang isa sa loob ng cubicle at naiwan ang isa sa labas.
"Saan mo narinig?" Tanong ng babae sa loob.
"Kanina sa Dean's Office. Isa sa mga organizer si Doc. Medrano, sama tayo girl. Minsan lang may pa camping ang university—"
Hindi ko napigil ang aking sarili at sumabad ako sa usapan. "Anong camping?"
"Hindi ko rin alam, Zari. Si Sir Doc. Medrano ang nag suggest ng camping, iyon ang sabi kanina sa Dean's office hanggang sa susunod na buwan na lang si Doc—"
Biglang kumalabog sa matinding kaba ang dibdib ko. "Saan daw siya pupunta?" Agap ko sa sasabihin niya.
Nagkibit siya ng kanyang mga balikat. "Sorry, Zari. Hindi ko rin alam ang dahilan, narinig ko lang na usapan nila kanina."
Sunod–sunod akong tumango. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi ko maipaliwanag. Kung saan man siya pupunta, siguradong malaking bagay iyon para sa akin.
"Thanks sa info," ang sagot ko sa kanya, tinatago ang nararamdaman ko. Sa huling tingin ko sa salamin, binigyan ko ang aking sarili ng kumpiyansa at ngiti at saka dinampot ang box ng cupcakes.
Lumabas ako ng powder room na may maraming iniisip. Anong mangyayari sa amin kung sakaling aalis siya? Hindi pa nga kami nagsisimula, matatapos na agad. Parang hindi ko kakayanin na mawala si Kuya Josh sa buhay ko. Siya ang inspirasyon ko sa pag–aaral ng nursing at kung bakit pa ako nanatili sa eskwelahang ito.
Kailangan kong makaisip ng paraan na manatili siya sa buhay ko. Pero, paano?
Saktong paglabas ko sa banyo nang may malakas na tinig na tumawag sa pangalan ko. "Zari, wait!"
Bigla akong nagpreno sa paghakbang. Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Nakita ko si Claire tumatalbog na parang bola, napakalusog ng babaeng ito at agad na ikinawit sa braso ko ang braso niya.
Nangislap ang mga mata nito ng makita ang hawak kong cupcakes. "Wow, cupcakes! Par kanino 'yan?" siniko niya ako at malisyosang ngumiti. "Kay Doc, ano?"
Pinanlakihan ko siya ng mga mata baka may makarinig sa kanya. "H'wag mong lakasan ang boses mo. Hindi ito para sa kanya," mariin na tanggi ko.
Tumingin sa akin si Claire na may nakakalokong ngiti. "Sigurado ka?" Mabilis kong nailayo sa kanya ang box ng subukan niyang hablutin sa kamay ko. "Kung ayaw mong sabihin ibigay mo sa akin at ako ang kakain."
"Oo na! Para sa kanya para lang manahimik ka." Nasa tinig ko ang boredom.
"Obvious naman!"
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang marating namin ang classroom. Pati si Claire ay walang alam, about sa camping na 'yan. Pagpasok namin sa loob ng room, iyon ang usapan pero hindi kasama ang klase namin kundi mga graduating student lang. Next year pa ako magtatapos. Nalungkot ako sa balita dahil hindi pala kasama ang klase namin.
"Good morning!" ang pamilyar na tinig mula sa pintuan. Deep and masculine.
Napasinghap ako at bumilis ang t***k ng puso ko. Mula sa sulok ng aking mga mata nakita kong humakbang patungo sa harapan ang may–ari ng tinig. Dahan–dahan akong humarap. My heart pounded violently as I raised my eyes slowly. Ang lalaking laging laman ng aking isip at puso.
"Good morning, Doc. Sir!" bati ng lahat, at sabay–sabay na naupo. Parang dahang–dahan na gumalaw ang paligid ko.
"What's wrong with you, Ms. Navarro? Ikaw lang ang nakatayo, baka pwedeng maupo kana," maawtoridad ang tinig nito.
Napakurap ako, ako na lang pala ang nanatiling nakatayo at tila wala sa sariling nakatitig lang sa kanya.
"K–Kuya Josh..." ni hindi ko matiyak kong may boses na lumabas sa aking bibig. My eyes searched his face for a long moment as if he was just a figment of my imagination.
Ngunit ang isip ko'y wala sa sinasabi niya kundi sa cupcake na kailangan ko maibigay sa kanya. Dinampot ko ang box and I smiled prettily bago inabot sa kanya.
Ngunit nagsasalubong ang mga kilay niya. "Cupcakes, for whom?" Tanong niya at nakatitig lang sa box na nakabinbin sa ere.
"Ah, ginawa ko kanina. Medyo naparami kaya naisipan kong dalhan ka p–para..." I stammered dahil mas lalong nangunot ang noo niya, nangalay na lamang ang kamay ko'y hindi pa rin niya kinukuha sa akin ang box. "Sabi ni Mommy para pasalamatan ka," mabilis kong dagdag para hindi na siya magtaka pa. And I trembling inside. Tumango siya at inabot ang box. Nilapag niya sa kanyang table bago muling bumaling sa mga studyante niya.
"Bakit hindi ka pa maupo? Titigan mo lang ba ako?" May bahid na iritasyon ang tinig ng binata.
Lumunok ako pakiramdam ko biglang nanuyo ang lalamunan ko. "S–Sorry..." dali–dali akong naupo, pasimpleng hinila ni Claire ang siko ko at nilapit ang kanyang bibig sa tenga ko.
"Muntanga ka! Hindi mo na lang hinintay matapos ang klase bago mo binigay," iritado niyang sabi.
"Maganda na rin iyon, baka makalimutan ko pa o baka lamunin mo pa." depensa ko. Alam ko namam na hindi bibigyan nang kahulugan ng mga classmate namin ang binigay ko. Dahil alam naman nilang close friend ng Kuya Zane si Josh. Isang tipid na ngiti ang binigay ko.
"Oo nga, pero sana naman hinintay mo tapusin ang klase. Baka mapansin ka pa ni Josh," pabiro niyang sabi, pero alam ko rin na may point siya.
Napangiti ako kay Josh habang nagtuturo siya. Kahit anong gawin ko, 'di ko mapigilan ang ngiti sa aking labi. Ang sakit pala sa puso na alam mong hindi ka niya gusto, pero patuloy mo pa ring pinagpapantasyahan.
"Alam mo, Zari , dapat mag–move on ka na. Hindi naman siya para sa'yo," dagdag na sabi ni Claire habang sinusulyapan si Josh.
Hindi ako kumibo dahil alam kong totoo ang sinasabi ni Claire. Nakatitig lang ako sa lalaki. The tall, dark and devastatingly handsome. Gusto kong mawala itong nararamdaman ko para sa kanya, alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko, hindi agad mawawala ang tunay kong nararamdaman kay Josh.
Mahal ko siya, iyon ang nilalaman ng puso ko. Mahirap intindihin, at ako mismo ay hindi ko rin maunawaan.
"Okay class, sa tingin ko naman nag–aral kayo. I have a surprise quiz today." He declared boldly.
"Quiz?" Malakas na bulalas ko. Actually, lahat nagulat sa sinabi niya pero ako ang napansin niya.
"Yes, Ms. Navarro. May problema ba?"
"W–wala naman po, Sir." Kinuha ko ang ballpen sa bag ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, dahil hindi naman ako nagreview.
"Hindi kami nagreview, Sir," reklamo ng isang estudyante.
"Kung hindi kayo nagreview, hindi ko na iyon problema. Dapat ready kayo sa mga ganitong sitwasyon. Pag–uwi ninyo sa bahay dapat mag–review kayo. Kung hindi kaya ang kursong nursing, you are free to shift," sagot ni Josh na ang mga mata ay nasa akin. Hinagod niya ako ng tingin at gustong manayo ng balahibo ko sa pagkatitig na iyon sa akin ng binata. Napansin ko ang bahagyang pagngiwi nito. "Ikaw, Ms. Navarro, bakit ka nga ba nag–nursing ka?" May bahagyang ngiti sa labi niya pero may halong sarcasm ang tono niya.
Pakiramdam ko pinananawan ako ng aking espiritu sa katawan dahil sa tanong na iyon. Bakit, nga ba? Hindi ko naman p'wedeng sabihin na siya ang dahilan kung bakit bigla kong naisipang mag–nursing.
Sinikap kong maging kaswal na magkibit ng mga balikat. Isang walang buhay na ngiti ang binigay ko kay Josh.
Gusto kong mainis. Bakit naman biglaan ang tanong na iyon. Sa dinami–dami ng tanong na pwedeng itanong. "D–dahil gusto ko—"
"Dahil gusto mo?" agap niya. "Too childish answer, Ms. Navarro. Parang pang grade one ang kasagutan mo. Bakit kasi kumukuha kayo ng kurso na hindi bukal sa kalooban ninyo? H'wag kayong kumuha ng isang propession dahil lamang sa gusto ninyo. Ang pagkuha ng isang profession, dapat may kasamang puso." Sabi niya habang nanatili ang mga mata sa akin. "Sa susunod, Ms. Navarro , kapag pumasok ka pakibawas–bawasan ang make–up mo na di–distract ako."
Nagtawanan ang mga estudyante dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko sa oras na ito isa akong laughing stock at namumutla ang mukha ko. Napayuko ako sa kahihiyan na nararamdaman ko. Hindi naman niya kailangang sabihin sa harapan nang marami.
The tension I feel is palpable, the air laced with defeat. Tinaas ko ang aking noo at tumitig sa kanyang mga mata. I tense when I clears my throat, my stomach sinking the moment those cold dark eyes settle on me. Kahit gustuhin kong mainis. Pero hindi ko gustong makipagtalo sa kanya sa harapan ng mga kapwa ko estudyante. Sa halip ay isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.
"And if I don't?" I murmur, unable to keep my voice steady.
Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Siguro'y padadapain kita..." then he grinned as he surveyed me up and down at huminto sa pang–upo ko. "If Zane can't do that to you? I will, bilang nakakatandang kapatid. And you wouldn't like it..."
Muling nagtawanan ang mga estudyante. Mas lalong namula ang mukha ko. Iba ang nasa isip kong 'padapain'. "I don't need a big brother to spank me, Sir , nor daddy. My parents discipline me, well," padabog akong naupo.
He nodded. "I see!" Ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng pantalon at lumakad pabalik sa mesa niya.
"Ibang spank ang gusto ni, Zari , Sir," sigaw ni Jonas, sabay silang nagtawanan muli. Pakiramdam ko mas lalong namula ang dalawang pisngi ko.
Hindi na ako sumagot pa mas pinili ko ang manahimik para matapos ang usapan at magpatuloy ang klase.
Isa–isang binigay niya ang test paper sa bawat estudyante. Napahilot na lamang ako sa aking sentido ng mabasa ang mga nakasulat rito, hindi ko alam kung anong isasagot sa mga tanong.
Matapos ibigay ang test paper, umupo si Josh sa kanyang upuan at naghihintay na matapos ang quiz. Wala pa rin sa papel ko ang concentration ko kundi sa kanya. Abala ang lalaki sa pag–scroll sa kanyang cellphone. Napapansin ko ang ngiting sumisilay sa labi niya habang titig na titig sa screen.
Sino kaya ang nagpapangiti sa kanya? At nagpapakilig?
Lumipas na ang ilang minuto ay wala man lang akong naisagot sa test paper. Ang quiz ay about Pathophysiology, ito ay pag–aaral ng mga sakit, ang kanilang sanhi, makanismo, at epekto sa katawan pero nahirapan ako.
Kasi ang puso ko ang sumasakit ngayon habang nakatitig ako sa kanya, ang bawat tamis ng kanyang ngiti sa screen ay tila dumudurog sa puso ko. At ang tanging gamot nito ay ang mapansin niya ang damdamin ko, na para lamang sa kanya.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagsalita siya. "Time's up," sabi niya. "Finish or not finish. I–collect ko na ang test paper ninyo. May lakad pa ako."
Umugong ang ingay mula sa amin dahil marami pa ang hindi tapos. "Pero, Sir , hindi pa kami tapos," reklamo ni Claire.
"Mag–aral kayong mabuti para may maisagot kayo. Sayang ang perang ginagastos ng mga magulang ninyo kung papitiks–patiks lang ang pag–aaral ang ginagawa ninyo." Tumingin na naman siya sa akin, na para bang may mali akong nagawa.
Nang matapos niyang makuha ang lahat ng test papers, tumayo siya at pumunta sa harap ng klase. Ilang segundo siyang napatingin sa pinakaunang test paper. Tumaas ang sulok ng bibig nito tila hindi nagustuhan ang nakita.
"Thank you sa pagiging honest at pagtanggap ng surprise quiz natin today. Ang mga sagot ay ibabahagi ko sa susunod na klase. Sa mga estudyanteng hindi nakasagot ng maayos, mag–review kayo at alamin ang mga tamang sagot para sa susunod na quiz," aniya ni Josh. "Lalo kana, Ms. Navarro, blangko ang papel mo kahit isa wala kang sagot. Hindi purkit anak ka ng isang Congresman ay p'wede mo nang gawin ang gusto mo. Hindi puro paganda at pakapalan ng make–up ang klase ko. Uso din ang mag–aral. Anong grade ang ibibigay ko sayo kung lagi kang ganito? Ayokong iwan ang eskwelahan na ito na may estudyante akong binagsak." May ngiti sa labing sabi niya but I knew him too well to miss the warning underneath the smooth voice.
Sandali akong natilihan sa sinabi niya. Sa kamalasan, nauna pa talaga ang papel ko. Bakit, kailangan pa niya akong pahiyain? Hindi ba niya pwedeng sabihin na kaming dalawa lang? Saka hindi makapal ang make–up ko, kundi tama lang. Biglang nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko sa sinabi niya lalo pa at naririnig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko.
Taas noo akong humarap sa kanya. "Mag–aaral po ako sa susunod," sabi ko na pilit pinapalakas ang loob ko. Tumagilid ako at pasimpleng pinunasan ng aking mga daliri ang nangingilid na mga luha.
"That's good, mukhang iyon ang kailangan mo ang mag–aral ng mabuti," he said without remorse. Nang maayos niya ang mga test paper ay lumabas na siya ng silid.
Nanlumo ako sa kinauupuan. Pakiramdam ko para akong lalamunin ng semento sa kahihiyan.
Inalalayan ako ni Claire na lumabas ng classroom, narinig ko ang bulong–bulongan ng mga estudyante. Naramdaman ko ang pangungutya sa mga tinig nila.
Hindi ko alam kung bakit tila nagiging bobo ako pagkaharap ko na siya. Nakakainis talaga. Babawi ako next time, pagkalabas ko sa room ay napasandal ako sa dingding. Hindi dahil sa pamamahiya niya kundi naalala ko ang huling sinabi niya. So, aalis nga siya? Bakit? Kailan?
"H'wag kang mag–alala, Zari. Babawi tayo sa susunod pareho lang tayong walang sagot. Mag–aral tayo para sa susunod na quiz may sagot na tayo," sabi ni Claire.
I nodded, trying to muster a smile. "Thanks, Claire. I really appreciate it."
Jonas approached us, holding the box of cupcakes. "Zari, amin na lang ang cupcake mo," nakangising sabi ni Jonas.
Akmang bubuksan niya ng bigla kong kunin sa kamay niya. "Hindi sa'yo ito." Sabay palinga–linga ako sa paligid. Hinanap ng mga mata ko ang binata, bahagya akong napangiti ng makitang kausap niya ang Dean namin. Pagtapos nilang magusap ay tinapik siya sa kanyang mga balikat at lumakad na ang lalaki patungo sa parking lot.
Tumakbo ako upang sundan ang lalaki, magtatapat na ako baka sakaling magbago ang isip niya at hindi na siya aalis sa university.