Chapter 05 Loan

2028 Words
Chapter 05 Zari POV KANINA ko pa tinitigan ang pagkain ko, halos hindi ko ito ginagalaw. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko magkakasakit ako. Malungkot akong napapabuntong–hinga sa harapan ng hapag–kainan. "Are you okay, Zari?" tanong ni Dad. Blangko ang mukha kong tumingin sa kanya at umayos ako ng upo. "May masakit ba sa'yo? he asked worriedly. Napatayo bigla ang mommy sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin, kinapa ang aking noo. "What's wrong, sweetie? Wala kana mang lagnat. Gusto mo ba tawagin ko ang kuya mo para matingnan ka," nag–aalalang sabi ni mommy. Sa gilid ng mga mata ko. Nakita ko ang mga playfully gaze ni Zein sa akin. "Wala pong sakit si Zari. Ang puso po niya ang sumasakit at kumikirot," she giggled. I rolled my eyes. "Zeinab!" bulalas ko. "Masakit ang puso mo? Kailangan nating magpatingin sa cardiologist now," frantic na sabi ni Mommy. "Wala po akong sakit sa puso. Kung anu–ano lang po ang sinasabi ni Zeinab. Nagpapaniwala naman kayo agad, okay lang po ako," naiiritang sabi ko. "Bakit ganyan ang mukha mo? May bumabagabag ba sayo?" You can tell me? Kung ano ang problema mo." Concern na tanong ng aking ama. "Puso nga po niya ang masakit kasi binasted po siya ni Crush," halos pabulong na sabi nito na hindi mawala ang malaking ngisi sa kanyang labi. Nagsalubong ang mga kilay ni Daddy. "Basted? Who?" I took a deep breath. "Nothing, Dad," sabi ko sa mataas na tinig na puno ng iritsayon. Masama kong tinitigan si Zein, minsan nakakainis ang babaeng ito. Wala nang ginawa kundi ang tuksuhin ako. Tumayo ako sa kinauupuan at balak ko na lang tawagan si Claire at yayaing itong lumabas. Sabado naman ngayon at bukas walang pasok. Tatalikod na sana ako ng marinig kong banggitin ni Daddy ang pangalan ni Josh. Pasimple akong bumalik sa upuan ko at muling naupo hindi ko na pinansin ang mga nakakalokong ngiti sa labi ni Zein. Sumandok ako ng kanin, ulam at nagsubo. "Ano daw ang gagawin niya sa pera, Honey?" Inabot ni Dad ang table napkin at nagpunas sa kanyang bibig bago muling nagsalita. "Balak magpatayo ng ospital sa bayan nila para ang mga tao hindi na raw pupunta sa siyudad para magpa ospital. Pinag–iisipan ko dahil masyadong malaki ang perang balak niyang i–loan." "But you are the president of the bank, Honey. Nasa kamay mo pa rin ang final decision." paalala ni mommy. "I doubt for that, honey. Tiyak hindi papayag ang board. Iisipin lang nila na binibigyan ko si Josh ng special treatment dahil kaibigan siya ni Zane. Marami ang gustong umutang sa bangko na mga kamag–anak ng mga board member pero hindi ko pinagbibigyan kung walang sapat na collateral." Paliwanag ni Dad kay Mom. Habang ako'y tahimik lang na nakikinig. Kaya siguro aalis si Josh sa eskwelahan dahil may binabalak at ito na siguro iyon. "Pwedeng i–collateral ni Josh ang resort nila sa Santa Ana at ang taniman nila ng mga palay at gulayan," suhestiyon ni Mommy. "Pwede naman iyon pero wala siyang binabanggit sa akin about that. Hindi niya rin siguro p'wede paki–alaman ang negosyo nang pamilya nila. May pera sila pero hindi sila ganoon kayaman. Maganda ang pamilyang pinagmulan ni Josh, pari ang dalawang kapatid, active sa simbahan ang kanyang ina at lola, mahilig mamigay ng mga donation at magpatayo ng kapilya. May kapatid na nasa amerika at nakapag–asawa rin ng doktor. Ang income ni Josh hindi ganoon ka stable kahit isa pa siyang magaling na doktor. Ipalagay natin nasa 100k lang ang net worth niya, hindi sapat iyon para mabayaran niya ang perang gusto niyang kunin sa bangko." "Dont judge him, honey. Malay mo naman kaya ni Josh," depensang sabi ni mommy, kahit papano natuwa ako sa pagtatanggol niya kay Josh. "Magkano ba ang perang balak niyang i–loan, honey?" "Fifty milyon." Muntik na akong mabilaukan sa kinain kong adobo. Mom pouted her lips and rolled her eyes. "Malaking pera pala ang kailangan niya." Bulalas niya at nagpatuloy kumain. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor at inabot ko ang isang baso ng tubig. Humugot ako ng malalim na paghinga, saglit akong nag–isip ng sasabihin kay Dad. Kailangan ni Josh ang pera, pwede ko siyang tulungan sa parteng ito. Napangiti ako sa aking isip, pwede ko itong gamitin kay Josh para mapapayag ko siyang maging girlfriend niya ako. "Bakit hindi mo i–grant ang loan niya, daddy." Kumunot ang noo ni Daddy dahil sa sinabi ko. "What? Hindi mo alam ang sinasabi mo, Zariyah Ross." "Maliit lang ang fifty milyon sa isang tulad mo, daddy. Aside of that hindi naman niya gagamitin kung saan lang ang pera. Ipapatayo naman niya ng ospital. Bakit hindi mo ibigay ang favor na hinihingi ni Josh?" "Hindi lang basta ang fifty milyon, Zari. Hindi mo alam ang sinasabi mo, anak." "Marami naman kayong pera, daddy. Bakit mo naman ipagdadamot kay Josh ang loan na p'wedeng makatulong sa mga tao sa bayan nila? Congressman po kayo, daddy. Ang serbisyo ninyo para sa taong bayan, para mapabuti ang iyong sinasakupan. Ganoon din si Josh dahil doktor siya concern lang siya sa mga taong wala sigurong pampagamot." Umiling ang Daddy. Panay naman ang sipa ni Zein sa paa ko sa ilalim ng mesa. Sa gilid ng mga mata ko, kitang–kita ko ang pagpipigil niyang matawa. Naguguluhan namang nakatitig sa akin ang Daddy at magkatinginan sila ni Mommy. "Bakit biglang nagkaroon ka ng concern kay Josh? Kinausap ka ba niya para pautangin ko siya?" Umiling ako. "No, Dad. Naisip ko lang na magandan naman ang plano niya. So, why not?" "At bakit ganoon na lang ang eagerness mong tulungan si Josh?" "Simple lang, dad. Dahil gusto niyang magkawang gawa. Same naman kayo, diba? Kayo bilang public figure, gano'n din si Josh." Pangungumbinsi ko kay Dad. Once na mapapayag ko siya, doon ko kakausapin si Josh at pati ang kondisyon ko para ma–grant ang loan niya. Diba, nakatulong na ako? May chance na akong mapalapit sa kanya at maging kami. At doon ko gagawin ang lahat mahalin niya lang ako at makalimutan niya si Ate Hannah. Napansin ko ang mga pagdududa sa mga mata ni Daddy. Tumaas ang isang kamay ni Dad at tinapik–tapik ang balikat ko. "Hindi lang ako basta Congressman lang, isa rin akong negosyante at mahalaga sa akin ang bawat sentimong kita. But I'm not closing doors, ayoko lang magrisk. Paano kung hindi magtagumpay ang ospital niya? Paano niya ibabalik ang pera, Zari?" "Give him a chance, dad. Naniniwala akong kayang bumangon ni Josh. Kailangan din niyang tumayo sa sarili niyang paa. Magaling siyang doktor, hindi habang buhay nasa anino lang siya ni Kuya Zane. Buti, kong anak siya ng bilyonaryo like Kuya Kaydan. The man believes in himself, Dad. Why don't you give him a chance to prove himself." Malakas na tumawa ang Daddy at halos dumagundong sa buong dining area. "May gusto kaba, hija? Outside of the country tour? Or, ipagpapatuloy mo na ang photography? Just tell me, bukas na bukas rin , may flight kana." Matipid akong ngumiti kay Dad at nagkibit ng mga balikat. Paano ko ba sasabihin sa kanya na ang kapalit nito ay si Josh. Gusto ko mapasaakin si Josh. Gusto ko siyang maging asawa. "Wala naman, dad. Naniniwala lang po ako sa kanya kaya siguro kinukumbinsi kita." "Oh?" nakangising sabad ni Zein. Pasimpleng inirapan ko siya. Diskarte ko ito, kaya wala siyang pakialam. Mataman akong tinitigan ni Dad. "Sana walang ibang dahilan ito, Zari." May warning ang tinig ni Daddy. "Twelve years or ten years ang tanda ni Josh sayo, para mo na siyang kuya, Zari." Yumuko ako, hindi ko kayang salubungin ang makahulugang titig ni Daddy. "Wala, Dad. Gusto ko lang siyang tulungan dahil naniniwala ako sa kanya." "Talaga, Zari?" pambubuska sa akin ni Zein na panay ang tawa nang tawa. "Give him the loan he needs." Maawtoridad na sabi ko kay Daddy. Sunod–sunod na umiling ang Daddy. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan nito, nasa mukha niya ang tanda ng kanyang pagsuko. "Alright! Pagbibigyan kita, pasalamat ka at mahal na mahal ko kayong dalawa." Kumislap ang mga mata ko sa labis na tuwa. Napatayo ako sa kinauupuan at lumapit kay Daddy at niyakap ito nang mahigpit. "I love you, Daddy," kunwa'y na sabi ko. Humarap ako kay Zein at malaking ngisi ang binigay ko sa kanya bago ako tumalikod. Tatawagan ko si Josh, kailangan kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Umaasa ako na ito ang maaring maging simula ng pagbabago sa aming samahan. Mabilis akong umakyat sa kwarto at kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng kama. Dinayal ko ang number ni Josh, may kaba sa aking didbib habang inaantay ang sagot ni Josh. Matapos ang ilang ring, sumagot din ang binata. "Hello, Kuya Josh? It's Zari," bulong ko, sinusubukan na hindi maging obvious ang aking nerbiyos. "Ano ang kailangan mo?" tanong ni Josh, na may iritasyon sa kanyang tinig. Nakakarinig ako ng malamyos na musika sa background, at tila ungol na hindi ko maunawaan. Lumunok muna ako bago muling nagsalita. "Ah, tungkol sa ospital na plano mong itayo at sa loan na hinihingi mo sa Dad," sabi ko, na pilit kinukubli ang matinding kaba sa aking tinig. May ilang saglit ang katahimikan sa kabilang linya bago sumagot si Josh. "Paano mo nalaman 'yon? At bakit mo ako kailangang tawagan? Wala ka ng paki–alam sa bagay na 'yon." "Sinabi ni Dad kanina at pinakiusapan ko siya. Because I want to help you." Napabuntong–hininga si Josh sa kabilang linya. "Why did you do that, Zari? Hindi mo kailangang makiusap sa ama mo. Tapos na kaming nagusapan at inayawan niya ang offer ko," naramdaman ko ang pait sa tinig niya. Because I love you at gusto ko mapasaakin ka. Gustong–gustong kumawala ng mga salitang iyon sa bibig ko pero hahanap ako ng tamang lugar para sabihin ang mga kondisyon ko. Hindi rito sa telepono, gusto kong magkita kami bukas. Alam kong ang aking kondisyon ay maaring hindi niya ikatuwa. "Naisip ko lang na maganda ang plano mo at gusto kong makatulong," sagot ko, sinusubukan na maging positibo sa kabila ng negatibong enerhiya mula kay Josh. "Hindi mo dapat pinapakialaman 'yon, Zari," mariing sabi ni Josh. "Hindi ko hinihingi ang tulong mo sa bagay na 'yon. Mas maganda kung huwag ka nang mag–involve." Hindi ako agad nakasagot sa kanya. "Pero Josh, gusto ko lang naman---" "I don't need your help," putol ni Josh, "...hindi ko kailangan ang tulong mo sa paraan na 'yon. Thanks but no thanks, may pera na akong magagamit at nakahanda na. One of the reason why, kung bakit ako aalis sa eskwelahan aside sa iwasan ka. Gusto ko lang maging honest sa'yo, Zari." Napahiya ako sa mga sinabi niya, pakiramdam ko pulang–pula ang pisngi ko ngayon bukod sa masasakit niyang salita ang puso ko ang labis na nasaktan. "Ah, pasensiya ka na, Josh. Akala ko kasi matutuwa ka—" napahinto ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya, tila umuungol. "Sino ang kausap mo, babe?" Tanong nang pamilyar na tinig. "Mamaya na 'yan, please..." "W–wala, pasyente lang na makulit, babe..." Sagot niya na tila nahihirapan "Si Ate Hannah ba ang kasama mo, Kuya..." nanginginig ang tinig ko sa matinding kaba sa maaring ginagawa nila ngayon. Totoo nga ang tsismis na lagi niyang dinadalaw ang babae. Paano napapayagan ang ganoong bagay sa kulungan? Hindi maaring, hanggang ngayon hindi pa putol ang relasyon niya kay Hannah. Bakit napakahalaga ni Hananh sa buhay niya. Kahit sa kabila ng ginawa nito kay Kuya Zane. Bakit? Narinig kong umungol muli si Ate Hannah. Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko. "Y–Yes," he answered directly. "Mas matutuwa ako sayo, Zari. Kung hihilingin mo sa kapatid mo na palayain si Hanna." "I–I... c–can't do that..." sunod–sunod na malisbis ang luha sa mga mata ko habang naririnig ko ang mga halinghing nilang dalawa sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD