Chapter 02 Cupcakes for him

1836 Words
Chapter 02 Zari I WOKE up early, earlier than my usual wake–up time. The first thing came to my mind was Kuya Josh. Kahit hindi siya gaano namamansin sa akin. Siya pa rin ang aking one and only true love. Bigla kong naalala noon at nakikita ko lagi kay Ate Hannah na mahilig si Kuya Josh sa cupcakes. I smiled so sweet, ang mga ngiti ko ay kasing tamis ng cupcakes, I hope he gonna like it. "Today's the day," bulong ko sa aking sarili, my eyes widening awake and my hands reaching for my phone to search for a cupcake that Kuya Josh might like. Sa loob ng kusina, dali–dali kong kinuha ang mga sangkap sa baking cupboard. Sobra akong excited na gawin ito para sa kanya ang amoy ng harina, asukal at vanilla extract ang nagpapasigla sa akin. I cracked the eggs, melted the butter and mixed the batter until it reached the perfect consistency. Matapos ilagay ang cupcakes sa oven and setting the timer, I felt the weight of time. This time was for Josh. "It's not just about the cupcakes, kundi sa sarili ko rin para mapansin niya ako," I whispered to myself ang mga cupcakes ay isang paraan upang ipakita ko sa kanya na mahal ko siya. Nang maluto na ang mga cupcakes ay nilabas ko ang mga ito sa oven, nag–amoy ang buong kusina ng tamis sa cupcake, ang amoy nito ay tila humahalimuyak sa buong kapaligiran, iba talaga ang nagagawa kapag may kasamang pagmamahal. Iniisip ko ang ngiti ni Josh kapag nakita niya ang mga ito, the way his eyes light up at the sight of his favorite treat. Iniisip ko pa lang na magugustuhan niya ito ay kumakabog na ang puso ko sa galak. Excited akong i–abot ito sa kanyan mamaya. "Para sa'yo ito Kuya Josh. Baked with Love." Kinikilig na bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang isang box at buong pag–iingat na nilagay ang mga cupcakes sa loob ng box. I sighed happily, handa na ang mga cupcakes for him. My real hope was that with each bite Josh takes, he'll feel my love for him. Pakanta–pakanta pa ako nang biglang pumasok ang aking kakambal na si Zeinab. Tumawa siya ng malakas at tumingin sa mga cupcakes na nasa ibabaw ng mesa. "Naks! Anong nakain mo at may pa cupcakes ka? Para kanino 'yan? Kay Kuya Josh—mo?" biro niya sabay ngiti at halos mariing binigkas ang huling nabanggit. Napalunok ako at napataas ng kilay. "Hindi ah. Gusto lang mag–bake ng tao. Masama ba?" depensang sabi ko. Mas lalong sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Zein. Without hesitation, she grabbed one of the cupcakes and tasted it. "Hmm, delicious! I bet Josh would love these." Napangiti ako ng bahagya. "Hindi mo naman ako ibubuko, diba?" Kumunot ang noo ni Zein. "Naku, siyempre hindi. So, inaamin mong si Josh ang nagugustuhan mo?" umiling–iling siya. "Alam ko namang crush mo siya. Ilang beses na kitang nahuli na nakatitig sa kanya, kinukunan mo pa ng mga picture. Naku! Naku, Zari! Please, not me. Ano ba ang nagustuhan mo sa lalaking iyon? Bukod sa ka edad lang ni Kuya Zane, may pagka–suplado pa?" My cheeks flushed a bit. "It's not that I'm not denying it, but I'm not sure how he feels. Saka, age doesn't matter naman, right?" Kumunot ang noo ni Zein sa sinabi ko. "You know, I'm your twin. And even though Josh might be avoiding you, mas maganda na rin 'yon baka masaktan ka lang. Mahal kita, Zari , dahil magkarugtong ang pusod natin. Naririnig ko kasing binibisita pa rin ni Josh si Ate Hannah sa kulungan, at doon nga raw natutulog. Ano ang dahilan ni Josh na matulog roon?" May gumuhit na sakit sa aking dibdib sa sinabi niya. May naririnig akong bali–balita na dinadalaw niya lagi ang babae. Maraming nagsasabi na patuloy pa rin ang relasyon ng dalawa kahit sa mga kabilang mga nagawa ni Ate Hannah, natunaw ang bahagyang ngiti sa labi ko. She gave me one of her classic sentimental, but true piece of advise. "Think about it, kaysa mabuhay ka sa "what ifs." Daming lalaki diyan 'wag na sa lalaking halos sampung taon ang tanda sayo. At hindi makamove on kay Hannah." Ma lalong nasaktan ang puso ko. Sa isip–isip ko, baka nga tama siya. Pero para sa ngayon, masaya muna akong makita si Zein na kinakain ang gawa kung cupcakes, at mukhang nagustuhan niya ang lasa. And who knows, maybe Josh would be the next one to try them. "Sarap, next time gawa ka marami para ipamigay ko sa mga bata sa kalye." Tumango lang ako sa kanya. Matulungin itong si Zeinab. Habang kami ay nasa gitna ng aming pag–uusap, biglang dumating ang aming Daddy sa kusina. He was dress in his formal attire, ready to head to work. Being a congressman, he always had a busy schedule. Maagang umalis si Mommy para kunin ang quadroplets, ang mga anak ni Kuya Zane ang nagpapasaya sa matanda araw–araw. Umalis na sina Ate bumalik na sa States pati ang dalawa kong pamangkin. Kasama sana ako pag–alis para mag–aral ng Photography but I change my mind at nagshift ako ng kursong nursing because of him, 'nung nalaman kung nagtuturo si Kuya Josh sa University. Si Kuya Chris, bumukod na simula noong nag–asawa na siya. Kami na lang ni Zeinab at isa pa naming kapatid na lalaki ang naiwan rito sa mansiyon. "Good morning girls," Dad greeted with a smile, his eyes catching the sight of the cupcakes on the table. "What's this? Cupcakes for breakfast?" Agad na sumagot si Zein. "Oo, gawa ni Zari, Daddy. Para daw sa—" huminto siya sa pagsasalita, she smiled playfully. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Ang sarap nila, Dad!" Napabuntong–hininga ako. Nakatingin ako nang medyo kabado kay Dad, umaasa na hindi niya mapansin ang konting pamumula ng aking pisngi or the subtle hints of our conversation about Josh. "I just felt like baking something, Dad , thought you might like some." Sabi ko. Tumawa ang Daddy. "Mukhang masarap pero alam naman ninyo bawal sa akin ang sweet, magagalit ang Mommy ninyo. Gusto ko lang kayo makita na dalawa bago ako papasok sa office. Marami pa akong gagawin sa opisina. At mamayang gabi may dinner tayo withe some of our family friends, 'wag ninyong kalimutan." Si Zein ay laging, mabilis ang isip ay nag–suggest. Alam kong hindi niya gusto marinig ang salitang "dinner". "Bakit hindi mo dalhin ang iilan, para ishare sa mga bodyguards mo, Dad? Sigurado akong magugustuhan nila!" Ngumiti si Dad sa ideyang iyon. "That's a good idea. Yun ang gagawin ko. Salamat sa pagbake, anak." matamis na ngumiti sa akin si Dad. Nilagay ko sa isang box ang iilang piraso ng cupcakes para dalhin ni Daddy at ibigay sa mga bodyguard niya at nagtira lamang ako ng mga anim na piraso para kay Josh. Zienab wink, parang nagsasabi na magiging maayos din ang lahat at maiklimg sandali, naniwala ako sa kanya. "Hold on a sec," Dad interupted before leaving the kitchen. He put down the cupcakes at lumapit sa amin ni Zein. He enveloped us in a warm embrace, 'yung uri ng yakap na tanging ama lang ang may kayang gawin. Busog kami sa pagmamahal mula sa aming mga magulang. Ang aming ama ay sobrang mapagmahal. "Kailangan ko nang pumunta sa trabaho," simula niya, tiningnan kami ng may kahulugan sa mga mata. "But always remember, no matter how busy I get, I'm always here to both of you. Don't hesitate to talk to me about anything, okay?" We both nodded, ramdam ang bigat ng kanyang mga salita at ginhawang dulot ng kanyang yakap. Then, Dad gave each of one a gentle kiss on the forehead. "I love you both," he said softly before grabbing his briefcase and heading out the door. Nang mawala sa paningin namin si Daddy, nagpalitan kami ni Zein ng ngiti. Kahit walang salita, pareho naming alam kung gaano kami kaswerte na may isang ama na sobrang nagmamahal sa amin. At sa kanyang pamilya. Daddy love us more than anything else. "Si Daddy talaga, bini–baby pa tayo kahit ang lalaki na natin," nakangiting sabi ni Zein, abot tenga naman ang ngiti ko. Sabay na rin kaming naligo ni Zein, dahil iisa lang ang kwarto naming dalawa. Kambal kami, one minute lang ang pagitan naming dalawa mas nauna si Zein na lumabas. Kahit kambal kami mayroon pa rin kaming pagkakaiba. Si Zein ay one of the boys, feeling lalaki lahat ng uring libangang panlalaki. So unfeminine. Ako naman ang kikay sa aming dalawa. Pagdating sa boy crush hindi kami nagkakasundo na dalawa. Dahil babae daw ang type niya. Pagkatapos naming magbihis ay sabay rin kaming lumabas sa aming kwarto. Nang lumabas kami sa bahay, nakasalubong namin si Mommy kasama ang quadro pero wala ang kambal na sina Yana at Yuan baka nasa kabila ang dalawa kina Tita Farrah. Ang mga bata ay laging masigla at masaya lalo na kapag kasama ang Lola dahil ini–spoil kaya lalong tumaba. "Good morning, Zein and Zari!" Mommy greeted us, habang ang quadroplets ay agad na nagpasiklab sa amin, vying for attention. Hinila nila si Zein at sabay na pinaghahalikan sa mukha, at ganoon rin ang ginawa sa akin kulang na lang magkatumba–tumba kami sa ginagawa nila. "Mga Tita Pretty, pasok na kayo sa school?" Tanong ni Tigre, isa sa mga quadro. Minsan hindi ko maintindihan si Kuya Zane kung bakit ganito ang palayaw ng mga anak niya. It's not sound cute kundi sounds wierdo, ngumiti ako sa mga bata. Ang mga palayaw nila ay hindi kasing cute nila. Ngumiti si Mommy. Palipat–lipat ang mga paningin sa amin. "Aalis ang Kuya Zane mo at ang Ate Zairah ninyo kaya inuwi ko muna. Ang kambal nasa kabila," lumipat ang mga mata ni Mommy kay Zein. "Ano na naman ang 'yang suot mo, Zein?" iritadong tanong ni Mommy. "Dito ako komportable, Mommy..." sagot niya at mabilis na tumalikod patungo sa sasakyan na maghahatid sa amin sa university, ayaw niya makipagtalo kay Mommy pagdating sa mga damit na isusuot niya. Pero hindi ito nakinig sa tawag ni Mommy. Hinawakan ko ang kamay ni Tigre, yumuko ako at hinagkan ang pisngi ng bata. "Bye! Bye, boy's! Take care at school, boys?" "Yes, Tita pretty!" The boys chorused. Nang makita ni Mommy ang mga cupcakes. "Cupcakes? Para kanino 'yan?" "Ah, s...sa..." nag–iisip ako ng maidahilan. "Sa classmate ko po ito, Mom," matipid akong ngumiti, pero hindi kumbinsido ang mukha ni Mommy. Mabilis akong humalik sa pisngi niya, pagkatapos tumakbo na ako patungo sa sasakyan. "Ingat kayong dalawa." pahabol na sigaw ni Mommy. Hindi niya pwede malaman kung para kanino ang cupcake na ginawa ko. Napasulyap ako sa hawak ko na box, Kuya Josh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD