Chapter 06 Threat

2029 Words
Chapter 06 Zari POV SA Sobrang panginginig ng kamay at panlalambot ng mga tuhod ko nabitawan ko ang cellphone at nahulog sa carpeted floor. Pabagsak akong napasalampak sa sahig habang walang tigil sa pagagos ang aking mga luha. Tinakpan ko ang aking tenga dahil rinig na rinig ko ang mga ungol at halinghing nilang dalawa sa kabilang linya pero kahit anong takip ang gawin ko. Malinaw na malinaw sa pandinig ko, kung paano pinapaligaya ni Hannah si Josh. Hindi ako manhid para hindi ko maunawaan kung ano ang ginagawa nilang dalawa. At hindi ko rin alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang patuloy na pakinggan ang ginagawa nila. May bahagi sa aking isip ang naiinggit kay Ate Hannah dahil napapaligaya siya ni Kuya Josh at may bahagi ng isip ko ang nagnanais na ako na lang sana ang babaeng pinapaligaya ni Josh. At sana ako ngayon ang babaeng nakakaniig nito. "Sige pa, babe...Isagad mo pa...Ooh...Aah!" "I love you, Hannah...I'm cumming..." "Aah...W–wala kang pinagbago until now. Y–ou...Oh! s**t! That's it...Shit! A–ang sarap niyan...Oh!" Malakas na hiyaw ni Hannah sa kabilang linya. Hanggang sabay na umungol silang dalawa at ilang saglit lang parehong natahimik, maya–maya lang naririnig kong pareho silang hingal na hingla marahil nakaraos na ang dalawa. "I love you..." narinig kong sambit ni Josh. Parang gumuho ang mundo kong nanatiling nakatitig sa cellphone ko. Gayong ilang sandali nang natahimik ang sa kabilang linya. May biglaang kirot sa aking dibdib. Ang sakit pala sobrang sakit na ang lalaking mahal mo may kaniig na iba. Sa nanginginig ko pa rin na mga kamay dinampot ko ang aking cellphone, and then tears came. Hindi ko napigil ang aking sarili at umiyak na ako. Dali–daling tumaas ang mga kamay ko upang punasan ang mga luha ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Mabilis akong tumayo at nahiga sa ibabaw ng kama. "Umiiyak ka?" may pag–alala sa tinig ni Zein. Hindi ako sumagot, dumapa ako sa higaan at isinubsob ang mukha ko sa unan. Naramdaman ko ang paglundo ng kama sa tagiliran ko. "Gusto mo talaga si Josh? Ang dami namang lalaki diyan, bakit siya pa?" "Nagkikita pa rin sila ni Ate Hannah," sabi ko at nagsimulang muling manubig ang mga mata ko. "Sinabi ko sa'yo, diba? Sila pa rin, nabubulagan si Josh sa pagmamahal niya kay Ate Hannah. Parang ikaw nabaliw na yata. Hindi ka gusto ng lalaking iyon." "Alam kong mamahalin niya rin ako, Zein. Walang imposible sa akin, lahat ng gustuhin ko nakukuha ko." Napabuntong–hininga si Zein. Nahihimigan ko ang dismaya sa kanyang tinig. "Hindi lahat ng tao sa mundo kagaya ni Daddy na pwede mong diktahan at konting lambing lang bumibigay na. Daddy natin 'yon siyempre hindi tayo kayang tiisin. Tumigil–tigil ka diyan, Zari," naiinis niyang sabi sa akin. "Kaya ayoko ng lalaki—sakit lang sa ulo." Pabagsak itong nahiga sa kama niya. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ko. "Papakasalan niya ako sa gagawin ko. Gusto mo ba laklakin ko lahat ng mga sleeping pills, Zeinab?" Pagbabanta ko. "Kaya ka nasasabihan na conceited rotten child dahil diyan. Gusto mo magsuicide dahil sa lalaking iyon. Naku! Ewan ko sayo, Zari. Gusto mo bili pa kita? Bilhan pa kita tatlong bote kung gusto mo." Pagkasabi 'nun ay inis na tumalikod si Zein at lumabas ng kwarto. Akala siguro niya'y nagbibiro ako pero bago 'yon, kailangan makumbinsi ko ang daddy na ilipat sa Maynila si Ate Hannah sa Women Correctional para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at sisiguraduhin kong hindi siya makakalaya. Para saan pa't naging congressman ang daddy at hindi niya gamitin ang kapangyarihan niya para tuluyang mabulok sa bilangguan ang babaeng iyon. Bumangon ako sa kama, inayos ko ang aking sarili at lumabas ng silid. Patungong library ang mga paa ko kapag ganitong oras nasa library ang daddy. Abala sa pagbabasa ng mga papeles sa mga negosyo niya. Mayroong bankong pag–aari ang daddy. Ang Navarro Development Bank. At mga Real Estates all over the Philippines at amin din ang University kung saan ako pumapasok at nagtuturo si Kuya Josh. Bahagyang nakabukas ang pinto, nakita ko ang daddy nakayuko at abala sa pagbabasa ng mga papeles. Dahan–dahan akong pumasok sa loob, tumikhim muna ako para kunin ang buong atensiyon ni Daddy. Umangat ang paningin ni Daddy. "May kailangan ka, Zari?" Mabilis akong humakbang at naupo sa harapan niya. "Dad, bakit hindi pa dinadala si Ate Hannah sa women's correctional? Nahatulan na siya? Supposedly, dapat naroon na siya." Walang agam–agam na tanong ko. "What?" Kumunot ang noo ni Daddy dahil sa sinabi ko. "Ang sabi ko, bakit nandito pa rin si Hannah. Dapat dinala na siya sa Maynila at doon siya naka–kulong. Why she still here?" Tumaas ang tinig ko sa inis. Nagsasalubong ang kilay ni Daddy sa inaasal ko. "Dinala na siya roon pero laging napagtutulungan. Naawa si Farrah nung makita ang hitsura ni Hannah kaya binalik." Nanlaki ang mga mata ko. "What? P'wede ba 'yon. Do something, dad , kayo ang gumagawa sa batas tapos hahayaan ninyo ang babaeng iyon," nagagalit na sabi ko. "Ano ang nangyayari sa'yo, Zari? Bakit, parang tinataasan mo ako ng boses?" mataas ang tonong reaksiyon ni Daddy. Nasa mukha niya ang pagtataka. "I'm sorry, dad. Pero hindi rin tama na matulog sa kulungan ang bisita, right? P'wede ba iyon, daddy?" patuloy ko na binale–wala ang pagkabigla sa mukha ni daddy. Kailangan ko siyang makumbinsi na ipadala niya sa Maynila si Hannah. "Daddy, natutulog si Kuya Josh sa kulungan, maling–mali iyon? Pagkatapos ng ginawa ni Ate Hannah kay Kuya Zane basta–basta na lang na gano'n. Dad, do something!" Naguguluhan lalo ang mukha ni Daddy. "Are you okay, Zari..." Inilapag ang hawak na mga papels sa mesa. "Sinong nagsabi sayo na p'wedeng matulog ang bisita sa kulungan—" "Iyon na nga, dad. Ano 'yon special treatment si Hannah at hinahayaan lang na makitulog ang bisita niya," putol ko sasabihin ni Dad. I need to convince him. At hindi p'wede sa batas ang matulog ang bisita sa kulungan maliban lang kung nagpapabayad ang mga naroroon. Like sa nangyari noon kay Kuya Kaydan na pinayagan matulog ang mag–ina niya dahil may pahintulot kay Gob. Jacob. Oo nga pala, bakit hindi ko naisip iyon. Baka nga may pahintulot kay Gobernor kaya labas masok si Kuya Josh sa kulungan. Wala namang impossible dahil magkakaibigan na sila. Hinintay ko ang kasagutan ni Dad. "What now, dad?" "Aalamin ko kung totoo bang natutulog si Josh sa kulungan. Wait , Zari. Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa kaso ni Hannah? Nahatulan na siya, at wala akong magagawa kung binalik siya rito sa atin. Ang mahalaga, pinagbabayaran niya kanyang kasalanan. 'Wag kang makialam. Bakit ma pinoproblema ang pagtulog ni Josh roon? Natural lang iyon dahil may relasyon sila," balewalang pahayag ni Dad at binalik ang mga mata sa mga papeles. Napangiwi ako sa huling sinabi niya. Pagkatapos magtapat ang Hannah na iyon na si Kuya Zane ang gusto niya, bakit pa rib gugustuhin ni Josh ang babaeng iyon. Kahit hindi naman siya ang mahal nito. "Daddy, hindi po kasi ninyo ako naiintindihan," nanlulumong sabi ko. "Hindi kita maintindihan, Zari. Gusto mong ipadala ko si Hannah sa Maynila. Why? Bigyan mo ako ng malalim na dahilan para maintindihan kita," sabi niya, nanatili ang mga mata sa papeles. I took a deep breath. Tinaggap ko ang pag–amin. "I want Josh in my life, dad. I love him. At siya ang gusto kong mapangasawa kaya gusto kong mawala si Hannah sa buhay niya." Nabitawan ni Daddy ang hawak na papel. Shock! At halos manlaki ang mga matang napatitig sa akin. "A–are you out of your mind, Zari. Hindi mo talaga alam ang sinasabi mo. Parang kuya mo na ang lalaking iyon at bestfriend ng Kuya mo. Ano ang pumasok sa isip mo, huh?" "Gusto ko siya, daddy. I'm in love with him at wala akong ibang gustong mangyari kundi ang maging asawa ko si Kuya Josh." Mas lalong nagulantang ang daddy sa mga ipinagtapat ko. "Bata pa lang ako, daddy. Siya na ang pinapangarap ko, please...daddy, tuparin mo ang pangarap ko. I want him, daddy..." umiiyak na sabi ko. "Please, alisin mo si Hannah sa landas niya, maawa ka sa akin, daddy..." Sunod–sunod na umiling ang daddy. "Lahat lahat binigay ko sa inyo, Zari. Kahit anong hiniling ninyong magkakapatid dahil mahal ko kayo—" "Alam ko, Dad. But I'm truly madly and deeply inlove with him. Ngayon lang ako na inlove nang ganito. Makakaya niyo bang nasasaktan ang anak ninyo kung mayroon naman kayong kayang gawin for me. Si Kuya Josh lang ang makapagpaligaya sa akin." Isang malalim na buntong–hininga ang pinkawalan ni Dad. "Oh my God! Kaya kung ibigay kahit na ano sa inyo, Zari. Subalit hindi ko hawak ang damdamin ni Josh. Wala akong kapangyarihan na gawin iyon, anak. Maraming lalaki diyan, kung gusto mo ipakilala pa kita sa mga anak ng mga business partner ko. May kasing edad mo lang. Josh, is older than you." "I don't care, Dad. Siya ang gusto ko period. Wala akong ibang gustong lalaki kundi siya lang. At kapag hindi siya ang mapangasawa ko, I don't want to live." Napatanga ang daddy sa sinabi ko. "Zari, nawawala kana sa tamang pag–iisip. Impossible ang ninanais mo. You are beautiful, sweetie. Maraming lalaking magkakarandapa sa'yo, don't focus yourself to him." Padabog akong tumayo sa kinauupuan. "Do something, daddy. I want him!" Sigaw ko. "Zari, hindi pwedeng ganito ang pag–ibig. Hindi ito ang tamang paraan para makamit mo ang iyong kasiyahan," sabi ni Daddy, may halong pag-aalala sa kanyang mga mata. "Hindi ko maintindihan kung bakit siya pa ang pinili mo. Pero kailangan mong intindihin na hindi lahat ng gusto natin sa buhay ay makakamit natin," dagdag niya. "Kailangan mong matutunan na tanggapin ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. Ang buhay ay hindi fair, pero may mga bagay na kailangan nating harapin at tanggapin." Nanatili akong nakatayo, may luha sa aking mga mata. "Daddy, hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung mawawala si Josh sa akin." "Magiging masakit, Zari. Pero kailangan mong matutunan na maging matatag. Magkakaroon ka pa ng iba pang pagkakataon na magmahal at mahalin," sabi ni Daddy, hinahawakan ang aking mga kamay. "Hindi lahat ng bagay sa buhay ay nabibigay sa atin sa paraang gusto natin. Pero may mga bagay na mas maganda kung hahayaan na lamang natin silang mangyari sa tamang panahon at para sa tamang dahilan." Niyakap ako ni Daddy, at sa sandaling iyon ayaw pumasok sa isio ko ang mga sinasabi niya. Dahil isa lang ang gusto ko, maging asawa si Josh. "Mahal kita, Zari. Hindi ko gusto na makita kang nasasaktan. Pero kailangan mong tanggapin at harapin ang buhay sa lahat ng hamon na ito." Lumayo ako kay daddy. "No, daddy. I want him and do something kung ayaw niyo ako ang mawala. I'm not kidding, daddy." May pagbabanta sa tinig ko, saka tinalikuran ko siya. "May pagpipilian ka, dad. Ang sundin ang gusto ko o hindi? I–blackmail mo si Josh upang ako ang piliin niya at ipadala mo si Hannah sa Maynila." Dagdag kong sabi habang palapit ako sa pinto ng library. Nang lingunin ko ang Daddy ay isang galit na buntong–hininga ang pinakawalan nito habang matalim na nakatitig sa akin. Bakas sa mukha niya ang matinding pagkadismaya. Halatang pinipigil ang galit sa akin pero alam ko naman na hindi niya ako kayang saktan. "Zari, dapat naba akong magsisi ngayon kung bakit ini–spoil ko kayong magkapatid. You are asking too much, sweetheart." Matipid akong ngumiti kay Daddy. "Huling pabor, daddy. Kung hindi masusunod ang gusto ko, I will kill myself. Hindi naman siguro ninyo kakayanin iyon, right?" Namutla ang gwapong mukha ng aking ama dahil sa sinabi ko. Nakonsensiya ako pero kailangan kung gawin masunod lang ang gusto ko. "I'm sorry, daddy." Sabi ko sa aking isip. But this is the only way, para mapasunod kita sa gusto ko. "Zari..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD