Noong sumapit ang oras ng shift niya ay confident siyang nagtungo sa building nila. Hindi niya na lamang inisip ang tungkol sa lalaki. Itinuon niya na lamang ang buong atensyon sa pagtatrabaho.
"Thank you for calling customer service. Again, may name is Trina. Have a nice day!"
Ibinaba niya na ang tawag at inalis ang headset sa may ulo. Inunat-unat niya ang kaniyang katawan at inikot-ikot ang ulo dahil sa ilang oras na pananalagi niya sa kaniyang seating area. Ramdam na niya ang ngalay ng buong katawan niya. Alas dose pa lamang ng gabi at kasalukuyan ng break nila. May oras silang kumain at lumabas muna ng building o matulog sandali.
"Trina, kain tayo?" Aya ni Frada ngunit umiling siya.
"Hindi pa 'ko gutom e. Gusto ko munang matulog." Sagot niya at saka humikab.
"Sige. Kapag nagbago ang isip mo, nandun lang kami sa cafeteria ah."
Tumango siya saka na rin tumayo. Pupunta muna siya ng banyo bago tumuloy sa room kung saan may mga available na higaan. Naroon ang ilang call center agent na pawang nagpapahinga during ng break time.
Sinusundan ng yapak niya ang guhit sa sahig habang patungo sa banyo. Nakagawian niya na iyon sa tuwing papunta roon. May limang oras pa bago matapos ang shift nila ngunit parang lantang-gulay na siya. Wala siyang kabuhay-buhay para sa gabing iyon.
"Ang hina mo naman, pre. Iniwanan ka na nga namin e. Akala naman namin, naka-score ka na."
"Umalis e. Sinubukan kong hanapin pero hindi ko na nakita. Hindi na rin bumalik so baka umuwi na nun e."
Huminto siya sa paglalakad at pasimpling sumilip sa mga nag-uusap mula sa may men's restroom. Katabi lang nito ang banyo ng mga babae.
"Tsk. So paano 'yan?"
"Edi, gagawin ko ulit 'yong ginawa ko last time. Lalagyan ko ulit ng gamot 'yong inumin niya o kakainin pero this time, pampatulog na. I'll make sure that Trina will be mine at any cost."
Natutop niya ang sariling bibig nang marinig ang sinabi ng lalaki. Ang mga nag-uusap sa loob ay ang mga kasamahan niya sa trabaho. Ang nagsalita ay si Bryle at hindi niya iyon inaasahan na marinig mula rito.
So all this time, kaya pala ganoon nalang magreact ang katawan niya noong gabing iyon ay dahil may gamot itong inilagay sa alak na ininom niya. Hindi siya lubos makapaniwala ngunit ngayong alam niya na na ganun ang ginagawa ng mga ito ay kinakailangan niya ng mag-ingat. Hindi na siya agad-agad maniniwala sa mga ito.
Tinalikuran niya na lamang ito at nagtuloy na sa banyo. Wala siyang lakas ng loob para kompromtahin ang mga ito at naisip niya rin na baka mas malagay lang siya sa alanganin kung susugurin ito. Kailangan na lamang niyang mag-ingat.
Naghilamos siya ng mukha at dahil na rin sa mga nalaman ay tila nawala ang kaninang nararamdaman niyang antok. Napalitan iyon ng inis at poot.
Matapos niyang magbanyo ay napagdesisyonan na lamang niyang magpunta ng cafeteria.
Muli niyang sinundan ang disenyong guhit sa sahig at hindi alintana ang paglalakad mag-isa sa corridor.
Napabuntong-hininga siya habang naglalakad. Iniisip niya kung sasabihin ba sa mga kaibigan ang mga nalaman. Batid niyang hindi ng mga ito magugustuhan ang binabalak sa kaniya ni Bryle. Kapag nagkataon din ay sigurado siyang susuguruhin ng mga ito ang lalaki at baka magdulot lang ng gulo sa opisina at ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niya ng atensyon.
Patuloy lamang siya sa paglalakad habang nakayuko at malalim ang iniisip nang maramdaman niya ang pagtama ng ulo sa isang bagay na nasa harapan niya. Nasapo niya ang noo at pati na rin ang ilong.
"Bakit ang malas ko?" Mahina niyang wika sa sarili habang nakayuko pa rin at sapo ang noo.
Huminga siya ng malalim at muli na sanang magpapatuloy sa paglalakad nang mapansin niya ang makinis at mukhang mamahalin na sapatos na nasa harapan niya. Mula sa suot na sapatos ay umangat ang tingin niya sa taong nasa harapan at gayon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtanto kung sino ang nasa harapan.
Agad na tinambol ng napaka-lakas ang kaniyang dibdib at hindi alam ang gagawin.
Nagkasalubong ang kanilang mga titig. Habang siya'y naghuhurumintado ang puso sa kaba, ito naman ay tila kampante lamang na nakatitig sa kaniya. Seryoso ang mga tingin nito na para bang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha niya.
"S-sorry," Saad niya.
Nagmadali siyang umiwas sa lalaki ngunit nahawakan nito ang laylayan ng suot niyang damit.
Natigil siya sa paglalakad.
"You're familiar." Malalim na tinig na wika nito bago naglakad papunta sa may harapan niya.
Yumuko siya at napakagat-labi.
"Imposible po, Sir. Ngayon pa lang po kita nakikita." Pagsisinungaling niya saka muling umiwas ngunit hinarangan siya nitong muli.
"Why can't you at look at me?"
Mas lalo niyang nakagat ang ibabang labi. Ayaw niyang i-angat ang tingin dahil baka maalala nitong siya ang babaeng nakasama nito noong nagdaang gabi. Kung bakit ba kasi sa kamalas-kamasalan ay ito pa ang nakasalubong niya.
"W-wala po. Mauna na po ako sa inyo."
Muli siyang nagtangkang umalis ngunit nahinto siyang muli nang banggitin nito ang pangalan niya. Hindi niya inaasahan na alam nito ang pangalan niya dahil siya nga ay hindi alam ang pangalan nito.
"Maria Trina I. David." Ulit nang lalaki dahilan para mapalingon siya rito.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Nagtataka niyang tanong.
Ilang dangkal pa rin ang kanilang layo sa isa't isa.
Noong mga oras din na iyon ay walang sinuman ang dumaraan sa floor na iyon maliban sa kanila. Sobrang tahimik at para bang tanging pintig ng puso niya lamang ang maririnig sa buong building.
"Why are you avoiding me?" Tanong muli nito at humakbang palapit pa lalo sa kaniya.
"H-huh? H-hindi naman kasi kita kilala kaya syempre po malamang ay iiwas ako."
Humakbang muli ito at halos magdikit na ang kanilang katawan sa sobrang lapit.
"I saw you last night and I thought nagkakamali lang ako ng nakita. But now, I guess I'm right."
"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo. May trabaho pa po ako. Maiwan ko na kayo." Kinakabahang sabi niya saka muling tinalikuran ang lalaki ngunit bago pa man siya makahakbang ay nahigit na nito ang braso niya.
Nagulat siya sa pagpigil nito sa kaniya. Nilingon niya ang lalaki at halos magdikit ang mukha niya sa may dibdib nito.
Matangkad ito kumpara sa kaniya na nasa 5'4 lamang ang tangkad. Balingkitan lang din ang kaniyang pangangatawan kung kaya't isang hatak lang nito ay mahihila siya. Hindi siya tabain at iyon din ang kinaiinis niya.
"B-bakit?" Nauutal niyang wika.
Amoy na amoy niya ang pabangong gamit din nito kagaya noong magkasama sila. Nakaka-adik at nakaka-akit na amoy-amoyin ng malapitan.
"I know that you still recognized me. I doubt that you don't." Seryosong wika nito habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Napatingin siya sa mga labi nito na tila nang-aakit na halikan niya. Naalala niya ang gabing kasama ang lalaki at ang paraan ng paghalik nito sa kaniya. Bumalik lahat sa alaala niya ang gabing iyon na pinagsaluhan nila. Bawat haplos nito sa katawan niya'y tila nakapagdudulot ng bulta-bultahing kuryente sa sistema niya.
"Umayos ka, Trina. 'Wag kang marupok."
Marahan niyang itinulak ang katawan ng lalaki palayo sa kaniya. Ayaw niyang maulit ang maling nagawa niya noong nagdaang gabi. Iyong gabing iyon ay isang pagkakasala at wala siya sa tamang pag-iisip at pakiramdam dahil sa gamot na inilagay nina Bryle sa inumin niya. Batid niyang ang nangyaring iyon sa pagitan nila'y taliwas sa nararapat na mangyari.
"Okay, fine!" Huminga siya ng malalim at napakagat sa ibaba niyang labi. "Ako 'yong babae na nakasama mo last time."
May kung ano'ng nagdaang ngiti sa labi ng lalaki ngunit pagkuwan ay nagseryoso din.
"Then, why are you avoiding me?"
"Kailangan ba na i-entertain kita ulit? Hindi kita kilala pero..." Natigilan siya sa dapat sana'y sasabihin. Ayaw niyang bigkasin ang salitang halik dahil hiyang-hiya na siya.
"I'm just asking why you're avoiding me. Wala naman sigurong masama run."
Pilit siyang ngumiti.
"Maniwala ka man kasi sa hindi, n'ong gabing 'yon, hindi ko ginusto iyon. Wala na ring rason para makipag-usap pa ako sa 'yo. Hindi kita kilala. It's just a one night mistake at ayoko ng balikan 'yon, okay?"
Tila may kung ano'ng nagdaang sakit sa dibdib ng lalaki nang marinig ang mga sinabi niya. Para bang natapakan ang ego at p*********i ni Felix dahil doon. Wala pa'ng ni-isang babae ang naglakas-loob na sabihin iyon.
"Y-yeah. O-of course. We both don't like what happened last night. And as for you to know also, wala na rin akong masiyadong maalala noong gabing iyon. And I think that's not even special for me to remember."
Pakiramdam niya'y nahati siya sa gitna dahil sa sinabi nito. Wala naman ngang special noong gabing iyon pero bakit ba siya nakakaramdam ng sakit? Mas matindi pa ito sa pangla-likezone sa kaniya dati ng crush niya. Para siyang na-brokenhearted sa mga sinabi nito.
Pinilit niyang ginawang masaya ang mukha. Pilit siyang ngumiti saka tumango.
"Oo, walang special. 'Wag na nating balikan," sagot niya habang mahinang tumatawa ng pilit.
"And by the way, for your information again. I'm here not because I'm chasing after you. My family's one of the stockholder of this company and it's just a coincidence that we saw each other here."
Tumango-tango siya. Nakakaramdam siya ng pagkabalisa.
"Don't worry, wala po akong ibang iniisip. Una na po ako."
"Wait!"
Nagtataka niya itong tiningnan. May dinukot ito sa bulsa at inabot sa kaniya.
"You left this in my car. I'm hundred percent sure that it's yours."
Ang inabot nito sa kaniya ay ang ID na hinahanap niya kahapon. Hindi niya akalain na nahulog ang ID niya sa kotse nito. Kaya pala nalaman nito ang pangalan niya ay dahil sa ID niya. Inakala niya pang inaalam nito ang pagkakakilanlan niya kaya nalaman ang pangalan niya.
Matapos maibigay ang ID niya ay umalis na ito agad. Nais sana niyang magpasalamat sa pagbalik ng ID niya ngunit naunahan siya ng hiya at kaba. Gusto niya rin sanang itanong kung bakit hindi na lamang nito dinala sa bahay nila ang Id niya ngunit naisip niya rin na sino ba naman kasi siya para puntahan pa sa bahay nila. Kagaya nga nang sinabi nito'y wala namang special noong gabing magkasama sila kaya bakit pa siya paglalaanan ng oras nito.