"Ba't nakabusangot ka?"
Tanong ni Rances sa kaibigang si Felix Sandoval. Pumasok ito ng opisina na lukot ang mukha na para bang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Nothing." Maikling sagot ni Felix saka sinandal ang likuran sa inuupuang couch. Pinagdekwatro niya ang hita at saka huminga ng malawak.
"Are you sure? You look so problematic, dude."
Sa katunayan, ang dahilan ng pagkakabusangot ni Felix ay dahil sa mga sinabi ng babae sa kaniya, si Trina David. Hindi niya inaakala na ganoon ang sasabihin nito sa kaniya. Ang akala niya'y matutuwa ito na makita siyang muli ngunit hindi pala, halos ipagtulakan pa siya nito palayo nang makita siya.
Hindi siya kailanman naghabol sa babae at hindi niya iyon gagawin ngunit sa ipinamalas ng babae kanina ay tila natapakan ang p*********i niya. Gusto niyang ipakita sa babae na hindi siya ganoong kadaling kalimutan nalang, na maraming naghahabol sa kaniya at ibibilang niya roon ang babae.
Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone na nasa loob ng suot niyang coat. Agad niya itong kinuha at mas lalong nakunot ang noo niya nang makita ang caller na nasa screen.
"Si Dianne na naman ba 'yan?" Naiiling na tanong ni Rances habang nanunukso ang ngiti sa mga labi.
Ang tinutukoy nitong Dianne ay si Dianne Escobar, ang unica hija nina Don Lucio at Doña Constancia at ang nakatakdang pakasalan niya.
Noong nagdaang linggo ay inanunsyo ng kanilang mga magulang ang kanilang nalalapit na pagpapakasal. Batid na niya ito noong una pa lang. Alam niyang ipapares siya ng mga magulang sa isa sa mga anak ng business partners nila. Wala siyang naging anong pagtutol dito sapagkat malaki ang utang na loob nila sa pamilya Escobar. Ito ang sumagip sa negosyo nila nang minsang malagay sa alanganin ang kompaniya.
Imbes na sagutin ang tawag ay pinatay nalang niya ang telepono at isinilid iyong muli sa loob ng coat niya.
"Bakit hindi mo sinagot?" Panunukso ni Rances.
"As if I want to talk to her. Tss. Kukulitin lang ako nun na lumabas." Sagot niya.
"At ayaw mo kasi?"
Pinaningkitan niya ng tingin ang kaibigan. Batid niyang inaasar siya nito.
"Kasi ayoko. That's it!"
Natawa sa kaniya si Rances at pagkatapos ay inabutan siya nito ng inumin na alak sa baso.
"Iinom mo muna 'yan. Mahaba pa ang gabi para bumusangot diyan."
Nailing siya ngunit inabot din ang ibinigay na inumin nito. Agad niya iyon na ininom at muling sinalinan.
"Kailan nga ang kasal niyo?"
Binalingan niya ng masamang tingin si Rances.
"I'm not in the mood for your jokes." Sagot niya na ikinatawa nalang ng mahina ng kaibigan.
Ayaw niyang napapag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Para siyang sinasakal sa tuwing maririnig ang salitang pagpapakasal. Kailanman kasi ay hindi iyon sumagi sa isipan niya. Ayaw niya ng commitment sa kahit na sino lalo na sa hindi naman niya gusto.
Ang nasabi ring kasal ay magaganap sa susunod na buwan. Kung sana rin ay kaya niyang ia-atras ang oras ay ginawa niya na huwag lamang maikasal sa babae. Sa lahat kasi ng nakilala niyang babae ay ito lamang pinaka-ayaw niya. Bukod kasi sa napaka-pabebe nito ay naturang maldita rin ito. May itsura naman ito kahit papaano ngunit mas matitipuhan niya pa ang anak ng katulong kaysa sa ugali at pagkatao nito. Batid niya kasing ito ang nagpumilit sa mga magulang nila upang ipagkasundo.
"You're not a child, bro. Bakit ka pa nila hinanapan ng mapapangasawa? I'm sorry but it's stupidity." Anang muli ni Rances.
Ibinaba niya ang hawak na baso sa ibabaw ng glass center table.
"As if you don't know the story. I have no choice."
"No, bro. You have a choice, you were just afraid to disobey your parents."
Dinilaan niya ang ibabang labi habang seryosong nakatitig sa kawalan.
Alam niyang tama ang sinabi nito. Ayaw man niyang aminin ngunit iyon ang totoo. May pagpipilian naman siya, maaari siyang humindi sa kasal ngunit takot siyang suwayin ang mga magulang niya. Matatanda na kasi ang mga ito at nag-iisa lamang siyang anak. Hindi siya magaling sa paghawak ng negosyo kung kaya't tanging iyon lamang ang maitutulong niya sa mga magulang, ang pagpapakasal sa anak ng mga Escobar.
Muli siyang napabuntong-hininga.
Kung hindi lamang kasi siya ipinagkasundo ng mga magulang ay magagawa niya ang mga bagay na nanaisin niya. Matapos kasi nang anunsiyo sa natakadang kasal ay nawalan na rin siya ng kalayaan. Halos bakuran na siya ng babae sa tuwing magkasama sila nito. Masiyado itong clingy na pinaka-kina-aayawan niya.
Kinabukasan ay dumiretso siya sa kanilang mansyon. Naabutan niya roon ang matagal na nilang family driver na si Mang Arnulfo na abala sa paglilinis ng kanilang kotse. Binati siya nito nang mapadaan siya.
"Magandang araw po, señorito." Bati rin ng ilang katulong nila na tinanguan niya lamang.
Paakyat na siya ng hagdan nang tawagin siya ng ina. Muli siyang bumaba at nagbeso rito.
"Hindi mo naman kasi kailangan na magpunta pa roon. We have another business, doon ka nalang para hindi ka na nagpupuyat," wika ng ina niya. Batid kasi nito na galing siya sa bpo company na isa sa kasusyo nila.
"It's my choice, Ma. Akyat na po ako." Paalam niya saka muling naglakad patungo sa hagdan.
"By the way, Dianne called me last night. Hindi ka raw niya ma-contact. Maghahanda raw kayo for your upcoming wedding."
Nahinto siya sandali sa paglalakad at inis na bumunga ng hangin. Hindi niya alam kung paano bang ipapaliwanag sa mga ito na ayaw niyang makasama ang babae.
Hindi na siya sumagot at nagtuloy na lamang sa kaniyang k'warto. Pagdating doon ay agad niyang ibinagsak ang katawan sa malambimot na higaan. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang dalawin ng antok. Buong gabi siyang walang tulog ngunit hindi siya nakakaramdam ng kahit na anong antok. Maraming tumatakbo sa isipan niya na hindi niya magawang alisin.
Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ang kisame.
Sumagi sa isipan niya ang imahe ng babae na si Trina. Hindi niya alam pero may kung ano'ng mayroon sa babae na hindi niya matanggal sa isipan. Naiinis siya sa ginawa nito sa kaniya. Sa katunayan din ay hindi kasinungalingan ang sinabi niya rito kagabi. Hindi totoong walang special noong gabing magkasama sila. That night was seem to be the most precious thing that happened to his life. Hindi niya makalimutan ang kaunting oras na pinagsaluhan nila. He never taste such a sweet taste of lips. Ilang beses na siyang nakahalik ng mga babae ngunit ibang-iba ang kay Trina. He'll rather face hell just to taste it once again.
Mula sa pagkakahiga ay naupo siya sa dulo ng higaan at napahaplos sa kaniyang mukha.
He never fantasize any woman before. Hindi niya maalis-alis ito sa isipan. Alam niyang wala siyang karapatan na mainis sa babae pero iyon ang nararamdaman niya. Naiinis siya dahil wala siyang epekto rito.
Dahil sa hindi siya makatulog noong araw na iyon ay minabuti na lamang niyang umalis muli ng bahay nila. Matapos maligo at makapag-ayos ng sarili ay nagtungo siya sa kanilang lupain na may kalayuan sa bayan nila. Medyo liblib ang lugar na iyon at tanging authorized person lamang ang maaaring makapasok.
Sa gitna ng buong hacienda ay naroon nakatayo ang bungalow na bahay nila. Ipinatayo ito ng ama upang may matutuluyan sila sa tuwing bibisita rito. Malaki ang kabahayan ngunit hiwalay ang kusina. Dito pansamantalang namamalagi ang care taker sa lupa nila, ang pamilya ni Mang Lito.
"Magandang araw po, señorito." Bati ng matanda nang makita siya. Abala ito sa pagdidilig ng mga halaman.
"Magandang araw rin po." Balik niyang bati rito saka inabot ang isang supot na naglalaman ng ilang pinag-grocery niya para dito.
"Maraming salamat po." Anito at saka pinatay ang hawak na pandilig. "Flora, nandito si señorito!" Sigaw nito dahilan para lumabas ang isang matandang babae na nakabestida at may suot na salamin sa mata. Kasunod na lumabas nito ay nag-iisa nitong anak na si Gina, katorse anyos.
"Magandang araw po, señorito. Nadalaw po kayo?" Masayang wika nito.
"Heto, bigay ni señorito." Inabot ng asawa na si Mang Lito ang grocery kay Manang Flora.
"Salamat dito, señorito. Pasok po muna kayo sa bahay."
Nakangiti siyang tumanggi.
"Mamaya nalang po. Maglilibot po muna ako sa hacienda."
"Hindi bale, paglulutuan kita ng paborito mong ulam." Humarap ito sa asawa. "Manghuli ka ng manok. Magtitinola tayo."
Mas lalo siyang napangiti.
Alam na alam talaga ng mga ito ang gusto niya. Noong bata pa lamang kasi siya'y madalas niyang hilingin sa matanda na ipagluto siya ng ganoong ulam. Mas masarap ang kinatay na manok na native kaysa sa kadalasan niyang nakakain sa mansyon nila.
"Kuya, gusto mo ba samahan kita sa pamamasyal?" Suhestiyon ni Gina na agad na binalingan ng kaniyang nanay.
"Naku kang bata ka, tulungan mo nalang ako sa paghahanda ng lulutuin. Kaya na iyan ni señorito."
"Nay, naman e!" Nagdadabog na wika nito.
"Tama ang nanay mo. Tulungan mo nalang siya," wika niya.
"Nagdadabog pa, may manliligaw na nga." Pang-aasar ni Mang Lito sa anak na mas lalong nakapabusangot dito.
"Tay, naman! Hindi ako magkakagusto sa Pedring na 'yon ano. Bukod sa ang pangit na nga ng pangalan, ang badoy pa nun," sagot ni Gina.
"Asuss. Huwag kang magsasalita ng tapos, Gina. Ganiyan din ako sa tatay mo noon kaya heto ka ngayon." Dagdag pa ng ina.
Natawa naman siya dahil sa pang-aasar ng mga ito kay Gina. Sa tuwing napupunta talaga siya rito ay para bang nawawala ang mga problema niya.
"You have to study first, Gina. Magtapos ka muna ng pag-aaral." Komento niya na ikinangiti nito ng malapad.
"Naman, Kuya. Magiging nurse pa ako."
Pagkatapos niyon ay nagpasiya na rin siyang maglibot sa hacienda. Masaya siya sa nakikita niya. Payapa at malayo sa sibilisasyon. Dalisay ang hangin at tanging huni ng mga ibon at ilang alagang hayop lamang ang mga naririnig niya. Nakakapag-isip siya ng matiwasay at nawawala ang stress niya.
Masaya rin siya dahil kahit papaano ay hindi napabayaan ang hacienda. Malinis pa rin ito at maraming tanim na kung ano-anong mga puno na namumunga.
Kung papipiliim lamang siya'y mas pipiliin niyang mamuhay dito. Malayo sa gulo. Wala ring Dianne na panay pangungulit sa kaniya dahil walang signal dito. Noong nakaraan ay bumisita na rin ang babae sa hacienda ngunit hindi ito nagtagal, ayaw umano nito roon dahil masiyadong boring. Walang signal ng cellphone at napapagod umano ito sa paglalakad. Mainit pa at baka umano umitim pa ito. Sobrang arte kasi nito na siyang ayaw niya rin.
"Kumain kang mabuti. Wala niyan sa mansyon niyo." Anang ginang sa kaniya habang magkakaharap sila sa hapagkainan.
Tanghaling-tapat na at sakto nga noong pagbalik niya ay naghahain na si Manang Flora. Sa labas sila ng bahay kumain, sa isang kubo-kubo dahil mas masarap umanong kumain doon.
"Oo nga po, e. Mas masarap po kasi kayong magluto kaya napaparami rin talaga ang nakakain ko," sagot niya.
"Next time naman kuya, dalhin mo naman dito 'ying girlfriend mo. Pero'wag na 'yong katulad nung babae na Kasama niyo ah. Ang arte-arte nun e. Ang sarap patirin ng babaeng iyon." Ani Gina na ikinangiti niya.
"H'wag kang mag-alala. Ayoko rin." Aniya saka muling sumubo ng pagkain.
Kung sakali man na may dadalhin siya ritong babae ay sisiguraduhin niyang ang babaeng iyon ay ang tanging naglalaman ng puso niya. Hindi na niya kailanman pahihintulutan ang sinuman na makasama siya sa pagpunta rito sa hacienda kung hindi niya naman iyon mahal. Kung mabibigyan din ng pagkakataon ay dito rin niya balak na tumira kasama ang magiging pamilya niya.