Kabanata 5
Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Alonzo. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako.
Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin.
“Alas…” Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya.
Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.
“I know I saw something, Camille,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”
“What? We’re just getting started!” angal ng babae.
“Wala na akong gana,” walang emosyong sagot niya.
“The hell, Alas? I cancelled my shoot for this!” inis na sabi ni Camille at dinig ko pa ang malakas na pagpadyak niya sa sahig. “I cleared my schedule this afternoon because you wanted to see me, and now you’re telling me ayaw mo na?”
“Then I’ll double the money you’re supposed to earn today,” matigas niyang sagot. “Just shut the fúck up and leave!”
“Are you being serious, Alas? Kung ganito mo lang din ako tratuhin, e ‘di mas mabuti pang itigil na lang natin ‘to; let’s stop seeing each other!” may pagbabantang sambit ni Camille.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nila. Pero matapos lang ang ilang segundo ay sumagot na si Sir, “Okay. Don’t you dare scare me, Camille. You know so dàmn well na hindi ka kawalan. I can find someone to replace you in seconds.”
Napaawang ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang gano’ng sagot ang maririnig ko.
“I gave you the privilege to be with me, but I don’t think I can be with you anymore,” malamig niyang sambit. “So leave before I ask my security to drag you out of my house.”
“You can’t do this to me! You can just trash me like some useless shít!” angal ni Camille. “Hindi ko ito mapapalagpas. I’ll make sure you’ll pay for treating me this way!”
“Are you threatening me?” tila walang takot na sagot ni Sir. “You know I can ruin your career with just a snap of my finger. So while I am still being nice here, get out. Leave my fúcking house.”
Tanging tili na lang ni Camille ang narinig ko at ang pahina nang pahina na tunog ng takong niyang padabog na tumatama sa sahig. Nang tuluyan itong mawala ay namayani na ang katahimikan sa paligid. At doon ko muling napagtanto na nasa isang komplikadong sitwasyon nga pala ako.
“You…” pagsasalita ni Sir habang nakaharap siya sa cabinet. “Lumabas ka riyan,” matigas niyang sambit. “Don’t wait for me to open this goddàmn cabinet and drag you out myself!”
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
“I’m warning you. Show yourself…”
Nakagat ko na lang ang labi ko bago ako nagdesisyon na lumabas. Marahan kong itinulak ang pinto ng cabinet at bumungad sa akin ang malamig na ekspresyon ni Sir Alonzo. Kaylamig at talim ng mga titig na ipinupukol niya sa akin.
“I knew it…” aniya na para bang alam na niyang ako ang nasa loob ng cabinet.
“S-Sir, sorry po…” Yumuko ako at pinagdaop ang dalawang kamay ko. At kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay alam ko pa ring nakatitig pa rin siya sa akin. “H-Hindi ko po sinasadyang magtago sa cabinet, sir. W-Wala po sa intensyon ko na—“
“Did I ask you to explain?” matigas niyang tanong.
“S-Sorry po. N-Nataranta lang po ako,” sagot ko at mas yumuko pa. Ramdam na ramdam ko ang pagkain ng takot sa sistema ko.
“Do you expect me to believe you?”
Mabilis akong umiling. “H-Hindi ko po alam, sir. Pero nagsasabi po ako nang totoo. Hindi ko po kasi alam na darating kayo.“
“Stupid,” madiing sambit niya. Isang salita lang ‘yon pero dama ko ang pang-iinsulto niya sa akin. “Pasalamat ka at hirap akong maghanap ng bagong nanny ng anak ko. I’ll let this slide.”
Mabilis akong nag-angat ng tingin saka siya tiningnan. “S-Salamat po, sir! Hindi ko na po uulitin. Pangako.”
“Dapat lang,” mabilis niyang sagot bago siya lumapit sa akin. “Dahil sa oras na gawin mo ito ulit, ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo palabas,” dagdag niya bago ako tinalikuran. “Get out!”
“O-Opo…” mabilis kong tugon at dali-daling niligpit ang mga maruming beddings at inilagay sa laundry basket. Sa sobrang pagkataranta ko ay kamuntik pa akong madapa, dahilan para muling matapon sa sahig ang dala kong beddings. Dali-dali kong pinulot ang mga ito at lumabas na.
Pagkasara ko ng pitno ay halos mapaluhod ako sa sahig dahil sa labis na takot.
Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung makakaya ko bang tumagal sa bahay na ito. Pero ayoko ring sayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin ni Ma’am Antonette. Siguro’y masasanay lang din ako. At iisipin ko na lang na training ko na rin ito kung sakaling matuloy ako sa abroad, lalo na’t may mga amo ring mahigpit sa mga katulong.
Aalis na sana ako nang bumukas ang pinto kaya napalingon ako at nakita si Sir Alonzo na matamang nakatingin sa akin. “You…”
Napalunok ako. “P-Po?”
“Come to my room tonight,” diretsong sabi niya.
“P-Po? Bakit po, sir?”
“Stop asking and just do it,” matigas niyang sambit. “See me at 8:00 PM,” dagdag niya at muling isinara ang pinto.
Napatitig na lang ako sa pinto at napaisip kung ano ang sadya niya at pinapapunta niya ako mamayang gabi.
May iuutos ba siya?
Napailing na lang ako at napagdesisyunang huwag na ‘yong pansinin pa. Marami pa akong kailangang gawin. Aayusin ko pa ang mga gamit ko at aalamin ko pa kung saan ang kwarto ko.
Pero bigla kong naalala ang nasaksihan ko kanina at napaisip—hindi naman siguro gano’n ang ipapagawa niya sa akin, ‘di ba?