Kabanata 4

2020 Words
Kabanata 4 Huminga ako nang malalim nang makailang beses na akong hagisan ng laruan ni Uno. Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya. Turo lang siya nang turo. “What toy do you want, Uno?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan at itinaas sa ere. Inobserbahan ko ang reaksyon niya, pero gaya ng mga naunang ginawa niya ay tumingin lang siya sa akin—ni tango o iling ay ‘di niya ginawa. “Okay…” Ibinigay ko sa kanya ang laruan niya at inihanda ang sarili kong umilag, at tama nga ako—ibinato na naman niya ang laruan niya at masamang tumingin sa akin. “Uno, can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?” Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya. Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan kaya mabilis ko itong pinagbuksan. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng pink na uniporme at may dalang tray na may lamang juice at sandwich. Tingin ko’y nasa early thirty’s na siya. “Snack time na ni Uno,” nakangiting sabi niya bago niya ibinigay sa akin ang tray. “Ikaw ba ang bagong nanny niya?” Tumango ako at tipid na ngumiti. “Yes po. Kakasimula ko lang.” “Kumusta naman ang unang araw mo?” tanong niya sa akin bago pasimpleng tiningnan ang bata sa likuran ko. “Hindi ka ba nahirapan sa batang ‘yan? Ang dami nang sumuko riyan, eh.” Hindi ako agad sumagot. Gusto ko sanang tumango at ilabas ang prustrasyong nararamdaman ko pero naisip ko rin na baka may dahilan kung bakit gano’n ang ugali ng bata. “Ayos lang naman po ang unang araw ko. Siguro nag-a-adjust pa sa akin si Uno kaya po medyo mailap pa.” “Ay nako, kahit pa magtagal ka rito nang isang buwan ay ganyan na talaga ang ugali ng batang ‘yan. Ewan ko ba,” aniya at nailing na lang. “O sige na, pakainin mo na siya at ako’y babalik na rin sa kusina.” “Okay po.” “Marie nga pala,” pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya. “May isa pa tayong kasama rito, si Nanay Linda.” Tinanggap ko ang kamay niya. “Ligaya po,” pagpapakilala ko sa kanya at matamis na ngumiti. “Welcome sa bahay ng mga Silvestre,” aniya bago nagmamadaling nagpaalam sa akin dahil marami pa raw siyang gagawin. Tumango lang ako at hinayaan na siyang umalis. Pagkatapos ay lumapit na akong muli kay Uno. “Uno, snacks…” sambit ko bago ako umupo sa tapat niya. “Gusto mo bang subuan kita o kakain ka lang nang mag-isa?” Tumitig lang siya sa akin kaya naisipan kong mag-Ingles dahil baka hindi niya naintindihan ang unang sinabi ko, “Do you want me to feed you or you’re gonna do it yourself?” Ikinalma ko ang boses ko at matamis siyang nginitian. Ayokong isipin niya na naiinis ako sa kanya. Alam kong sensitive ang mga bata pagdating sa reaksyon ng mga matatanda sa ginagawa nila, kaya maingat ako sa bawat reaksyon ko dahil gusto kong maging kampante siya sa akin; na maisip niya na wala akong kahit na anong masamang intensyon sa kanya; na naiintindihan ko ang bawat kilos at reaksyon niya kahit na hirap na hirap akong gawin ito. Kumurap-kurap ang kulay kape niyang mga mata bago niya kinuha sa akin ang platito na may lamang sandwich at ang baso ng juice. Pagkatapos ay dinala niya ito sa sulok ng playroom at doon siya kumain. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at iniligpit ko na lang ang ibang nagkalat niyang mga laruan. Matapos ang ilang minuto ay natapos na siyang kumain. Akala ko ay babalik na siya sa paglalaro pero umupo lang siya sa sofa at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason ng pagtitig niya pero nginitian ko pa rin siya. “Don’t you want to play anymore?” tanong ko. Wala na akong pakialam kung may katigasan ang Ingles ko, basta maintindihan lang niya ay sapat na ‘yon. Tumingin lang siya sa akin bago ibinaling sa ibang direksyon ang tingin niya. Napabuga na lang ako ng hangin bago marahang tumango. “Okay. Sa tingin ko ‘no’ ang sagot niya,” bulong ko sa sarili ko at sinumulan nang ligpitin ang mga laruan niya. Ilang minuto lang akong nalingat, pero pagtingin ko sa direksyon niya ay nakita ko siyang nakahiga na sa sofa kaya dali-dali akong tumayo para tingnan siya. Malalim na ang bawat paghinga niya at payapang-payapa ang mukha. Doon ko lang napansin kung gaano ito kaputi; kung gaano kakinis ang balat nito. Pero nangunot ang noo ko nang may mapansin ako sa bandang noo niya. Nang lapitan ko ito at titigan ay nakumpirma kong isa itong peklat. Mga isang pulgada ang haba nito at may kakapalan. Hindi ko lang agad napansin dahil kakulay lang ito ng balat niya. Napaisip tuloy ako kung saan galing ang peklat na ‘yon. Siguro ay naaksidente siya at natamaan sa may ulo, tapos baka dahil sa trauma mula sa aksidente ay hindi na siya nagsalita pa. Posible. Iyon na lang ang iisipin ko para mas humaba pa ang pasensya at lumawak pa ang pang-unawa ko. Matapos kong maglinis ay minabuti kong kargahin na lang siya. Balak ko sana siyang iwan muna sa sofa para hagilapin si Ate Marie at tanungin kung saan ang kwarto niya, pero naisip ko na baka malaglag pa siya ‘pag pinabayaan ko. Pagkalabas ko ng playroom ay saktong nakita ko si Ate Marie na naglilinis ng vase ‘di kalayuan sa akin. Agad ko siyang tinanong kung saan ang kwarto ng bata at mabilis naman niyang itinuro ang daan, “Sa second floor, Ligaya. Hanapin mo lang ang pintong may stickers ng planets at astronauts.” “Okay po. Thank you.” Nagpaalam na ako sa kanya at mabilis kong inakyat ang engrandeng hagdan. Mabuti na lang talaga at sanay ako sa pagkarga ng mabibigat na mga bagay kaya ‘di na ako nahirapang buhatin si Uno. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap dahil kwarto lang ni Uno lang ang natatanging makulay sa apat na pintong mayroon sa palapag. Agad ko na siyang ipinasok sa kwarto niya at bumungad sa akin ang malamig at napakalawak na kwarto na puno ng dekosrasyon ng mga planeta, spaceship, astronaut, at kung ano-ano pang may kaugnayan sa space. Maging ang kama at kumot niya ay may disensyo ng kalawakan at ang unan niya naman ay may print ng mga planeta sa solar system. At ‘di ko napigilang mamangha nang makita ko ang kisame niya na may painting ng kalawakan. Gusto ko sana siyang purihin dahil ang ganda ng kwarto niya, pero alam kong hindi niya rin naman ako maririnig dahil tulog na tulog siya. Marahan ko siyang inilapag sa kama at kinumutan. Pagkatapos ay bumaba na ako para makausap si Ate Marie at makilala na rin si Nanay Linda. Pero pababa pa lang ako ay nakasalubong ko na si Ate Marie na may dalang makakapal na puting mga tela. “Ligaya, pasuyo naman oh,” aniya bago sumilip mula sa likod ng gabundok na telang dala niya. “Pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa kwarto ni Sir Alonzo? Palitan mo na rin ang punda ng mga unan niya, bedsheet, at comforter? Marami pa kasi akong kailangang gawin, eh. Wala pa si Nanay Linda, nag-grocery pa.” “Okay po. Saan po ba ang kwarto ni Sir Alonzo?” tanong ko. “Nako, salamat. Doon lang sa tapat ng kwarto ni Uno,” aniya bago ibinigay sa akin ang dala niyang mga tela. “Salamat talaga, ha? Baka kasi umuwi si Sir anytime, eh. Habilin pa naman niya na palitan ang bedsheet niya araw-araw.” “Ako na pong bahala,” paninigurado ko sa kanya at matamis na ngumiti. Pagkatapos ay nagpaalam na ako at bumalik na sa second floor. Mabilis kong natunton ang kwarto ni Sir. Agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng pabango niya. Hindi ko maipaliwanag ang amoy, pero kung ilalarawan ko ay parang ang astig at ang angas. Lalaking-lalaki. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at muling napabilib dahil sa lawak ng kwarto niya. Mas malaki pa yata ang kwarto niya kaysa sa buong bahay namin. Kompleto rin ito—may flatscreen TV, may sala set, at may maliit na ref. Pero agad kong ibinaling ang atensyon ko sa kailangan kong gawin. Mabilis kong inayos ang kama niya. Pinalitan ko ng punda ang malalambot niyang mga unan. Sunod kong inalis ay ang bedsheet niya pero natigilan ako nang may tumilapong mga maliliit na kulay pulang pakete na ‘di ko alam kung ano. Square ang hugis nito at may bilog sa gitna. At dahil wala na akong oras para alamin kung ano ang mga ‘yon ay itinabi ko na lang at inilagay sa ibabaw ng bedside table niya. Siguro mga pang-mayamang candy ‘yon. Matapos kong ayusin ang kama niya ay inilagay ko na sa laundry basket ang mga luma niyang bedsheet, kumot, at punda. Pagkatapos ay lumapit na ako sa malaki niyang cabinet para isa-isang ipasok ang mga bagong laba na beddings. Patapos na sana ako nang makarinig ako ng mga yabag ng mga paa palapit sa kwarto at hagikhik ng isang babae. Kasunod no’n ay ang pagpihit ng doorknob at ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Pwede naman sana akong lumabas, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at nataranta. Sa sobrang taranta ko at takot na maabutan ng kung sino mang paparating ay pumasok ako sa loob ng cabinet at doon nagtago. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil paniguradong patay ako kapag nahuli ako. “Alas…” malanding sabi ng babae kaya napasilip ako. At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Alonzo na nakatayo sa may kama niya habang yakap-yakap ng isang babaeng nakasuot ng halos kakarampot na itim na tela. “Stop slithering your hands around me and just get the fúck down, Camille,” matigas niyang sambit bago hinawakan sa balikat ang babae at itinulak pababa hanggang sa mapaluhod ito. Imbes na mainis ay humagikhik pa ang babae na tila ba tuwang-tuwa sa ginawa ni Sir Alonzo. “Aggressive as ever,” malanding sambit nito bago inabot ang sinturon ni Sir. “I’ll worship you like a god, Alas,” dagdag niya at tuluyang inalis ang sinturon nito kasunod ng paghimas-himas nito sa bukol na nasa pagitan ng mga hita ni Sir. Titig na titig ako sa nangyayari dahil unang beses kong makakita nang gano’n. Hindi ko rin alam kung anong nagtutulak sa akin na patuloy silang panuorin. Siguro dahil wala pa akong kahit na anong karanasan sa ganoong bagay at gusto kong malaman kung ano ang ginagawa at paano ito ginagawa. Dama ko ang pag-akyat ng dugo sa magkabilang pisngi ko at ang pagpapawis ng noo ko. Napalunok pa ako dahil sa kaba na baka mahuli nila ako. Kakaisip ko pa lang ng posibilidad ay mabilis nang nanlaki ang mga mata ko nang mapatitig sa direksyon ko si Sir Alonzo. “Wait…” sambit niya sa malalim na boses at pinahinto ang babae sa ginagawa. Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa direksyon ko. “I think I saw something moved,” malamig niyang dagdag. Agad kong natutop ang bibig ko bago pa man ako mapasinghap. Mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng mga naka-hanger na damit. Dama ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko kasabay ng pag-iinit ng tainga at batok ko. Bawat tunog ng paghakbang ng mga paa niya ay patindi nang patindi ang kabog ng dibdib ko. Anong gagawin ko? Paniguradong patay ako kapag nahuli ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD