Kabanata 10 Awang-awa ako habang nakatingin sa bata. Nakauwi na kami at kasalukuyang nasa sala kasama si Nanay Linda. Katabi ko ang isang medicine kit at kasalukuyan kong ginagamit ang mga galos ng bata. Kahit wala itong imik ay pansin ko ang bawat pagngiwi nito sa bawat lapat ko ng cotton sa mga galos niya. “Anong sabi ng papa niya?” tanong sa akin ni Nanay Linda. Habang ginagamot ko kasi ang bata ay ikinukwento ko sa kanya kung ano ang nangyari kanina. “Hayaan na raw na ako ang mag-asikaso, ‘nay,” matigas kong sabi at nakagat ko na lang ang labi ko sa inis. “Isa raw ‘yon sa trabaho ko.” Ibinaba ko muna ang cotton bago hinarap ang matanda. “Nakaka-frustrate lang po, ‘nay. Naiinis ako,” pagtatapat ko sa kanya. “Hija…” Umiling ako. “Alam ko pong wala akong karapatang mainis, pero naaaw