Kabanata 11 “I can’t believe he let it happen to his son!” tila dismayadong sambit ni Ma’am Antonette nang makalabas kami ng opisina. Kakatapos lang naming makausap ang head ng school kasama na ang teacher ni Uno. Naglakas-loob na kasi akong i-contact si Ma’am Antonette dahil hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi naaaksyunan ang bullying kay Uno. Akala ko nga ay hindi papansinin ni Ma’am Antonette ang pagsusumbong ko, kaya nagulat na lang ako nang tawagan niya ako ilang minuto lang matapos ko siyang i-text. “How’s Uno?” tanong niya sa akin bago siya huminga nang malalim. “Mukhang ayaw na pong pumasok ng bata, ma’am,” tugon ko sa kanya. “Kaninang umaga kasi, nang puntahan ko siya sa kwarto niya para tulungan sana na maghanda para pumasok ay iling lang siya nang iling. Wala rin siya