Kabanata 15 “I must say, bilib ako sa tapang mo, Ligaya,” nakangising sabi ni Ma’am Antonette sa akin. Nasa playroom kami ngayon ni Uno. Kakarating niya lang at ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ng kapatid niya agad ang pinag-uusapan namin. “Not everyone can stand against my brother.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mahiya sa sinabi niya, kaya naman ay alanganin akong ngumiti sa kanya. “G-Ginawa ko lang po ang sa tingin kong tama, Ma’am,” sagot ko sa kanya bago nilingon si Uno na abala sa paglalaro ng mga bagong laruang dala ni Ma’am Antonette. “Sa totoo lang po ay natakot po ako, pero nilakasan ko lang ang loob ko para sa bata.” “And you did the right thing,” aniya at napapalakpak pa. “Sigurado akong natamaan nang husto ang ego ng kapatid ko sa sinabi mo. You see, mata