Kabanata 14 Lumipas na ang araw pero hindi pa rin nawawala ang inis ko kay Sir Alonzo. Ang pangit ng simula ng araw ko dahil hindi man lang ako nakatanggap ng sorry sa kanya kahit man lang sa text. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umakyat na ako sa kwarto ni Uno para tulungan siyang maghanda. Nang makarating ako sa tapat ng pinto niya ay napansin kong naiwang nakaawang ang pinto ng kwarto ni Sir Alonzo kaya naisipan kong sumilip dahil baka hindi siya nakauwi. Pero laking gulat ko sa nakita ko sa loob—naroon siya at may kasamang babae habang nagkalat sa sahig ang mga damit nila. May nakita pa akong iilang bukas na sachet ng còndom sa sahig. Mabilis akong lumayo sa pinto at napailing na lang. Alam kong wala akong karapatang makaramdam ng inis sa kanya, pero hindi ko lang talaga maiwa