Kabanta 8 Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda. Sinabi kasi sa akin ni Manang Linda kagabi na kailangan kong gumising nang maaga dahil kailangan kong paliguan ang bata at tulungang maghanda para pumasok sa skwela. Pagkabangon ko ay dumiretso na ako sa kwarto ng bata, at doon ay nadatnan ko siyang mahimbing pang natutulog. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. At habang pinagmamasdan ko siya ay may kung anong kumurot sa puso ko. Hindi ko kasi mapigilang maawa sa kalagayan niya. Wala na ang ina niya na siyang dapat magbigay ng kalinga sa kanya, ang ama niya naman ay mukhang nawalan na ng oras sa kanya. Siguro sa murang edad niya ay napapansin na niya ang mga napansin ko, kaya rin siguro gano’n na lang ang ugali niya; kaya siguro ayaw niyang may nanny siya dahil gusto niyang