Kabanata 7 Halos masakal ako sa sariling laway. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos magbutil-butil pawis ko sa aking noo. Kung ano-anong posibilidad ang naglalaro sa isipan ko habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Sir Alonzo. Pero kung sakali mang may gawin siyang kabastusan sa akin ay hindi ko ‘yon hahayaan. Desperado man akong magkaroon ng trabaho, hindi naman sapat na dahilan ‘yon para pati dangal ko ay isugal ko. “Look at me,” sambit niya sa malalim na boses. “P-Po?” utal kong tugon. Nakakapanindig-balahibo ang lalim ng boses niya. Pero hindi sa nakakatakot na paraan. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan ang pakiramdam ko pero kinikilabutan ako sa boses niya at may kung anong kumikiliti sa tiyan ko. “Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Are you that dúmb?” matiga