Kabanata 12 Huminga ako nang malalim nang marating ko ang tapat ng pinto ng kwarto ni Sir Alonzo. Kahit na kinondisyon ko na ang sarili ko na maging matapang sa pagharap sa kanya ay hindi ko pa rin mapigilang kabahan at makaramdam nang bahagyang takot. Ilang araw ko pa lang siyang nakakasama pero may ideya na ako sa ugali niya. Lumunok ako ng laway bago nagdesisyon na kumatok nang tatlong beses, "Si Ligaya po ito, Sir Alonzo," pagpapakilala ko. "Pasok," matigas niyang sagot. Muli akong humugot ng malalim na hininga bago ko pinihit ang doorknob. Unang sumalubong sa akin ay ang amoy ng pabango niya na naglalaro sa hangin. Sa paggala ng mga mata ko sa kanyang silid ay nakita ko siyang nakaupo sa sulok ng kwarto niya suot lamang ang isang manipis na tuwalya na siyang nagkukubli sa ibabang