Kabanata 3

1699 Words
Kabanata 3 Dalawang araw akong namalagi sa hospital dahil ayaw akong palabasin ni Ma’am Antonette hangga’t hindi natatapos at lumalabas ang mga resulta ng tests na ginawa sa akin ng mga doktor para masigurong wala akong natamong seryosong injuries. Hindi na rin ako umangal dahil ipinangako niya sa akin na sa oras na makalabas ako ng hospital ay didiretso na ako sa bahay ng kapatid niya para magsimulang magtrabaho. “But I didn’t expect you to be a degree holder,” aniya habang naglalakad kami sa hallway ng hospital. “You should have asked for a better job. I can offer you a corporate job you know,” dagdag niya pa. Ilang beses na niyang sinabi ito sa akin dahil sayang daw ang pinag-aralan ko kung hindi ko magagamit. “Sinabi ko na po sa inyo ang rason, ma’am,” tugon ko sa kanya. “Don’t worry po, kapag naayos ko na ang lahat, baka tanggapin ko ang alok n’yong trabaho. Pero sa ngayon, okay na okay na po ako sa pagiging nanny.” “Basta, sinabi ko na sa ‘yo na hindi magiging madali ang trabaho mo, ha? Don’t say I didn’t warn you,” paalala niya sa akin. “But if in case na gusto mong mag-resign, just give me a call and I’ll offer you another job.” “Thank you po, Ma’am,” sincere kong pasasalamat sa kanya. “Habambuhay ko pong tatanawing utang na loob ‘tong ginawa n’yo para sa akin.” “Nako, ano ka ba? It’s fine. This is my way of making up to you,” aniya at napailing pa. “I almost killed you, Ligaya.” “Okay na po ‘yon, Ma’am, hindi n’yo naman po sinasadya, eh. Napatawad ko na po kayo,” pagkaklaro ko sa kanya. Tingin ko nga’y tadhana talaga na pinagtagpo kami dahil siya pala ang lulutas sa malaking problema ko. “Thank you,” aniya at matamis na ngumiti sa akin. “Why don’t we grab something to eat before we go to my brother’s house?” alok niya na hindi ko naman tinanggihan dahil alam kong ipipilit niya pa rin. Sa dalawang araw kasi na nakasama ko siya ay ‘yon ang napansin kong ugali niya. At isa pa, grasya na ‘yon; ‘di pwedeng tanggihan. --- Matapos naming kumain ng pananghalian ay dumiretso na kami sa bahay ng kapatid niya. Sa mga kwento niya ay hindi ko napigilang kabahan dahil tingin ko’y seryoso nga talaga siya nang sabihin niya sa akin na mataas ang tiyansa na mahihirapan ako sa trabaho ko. Hindi raw nagsasalita ang batang babantayan ko. Nang tanungin ko kung ano ang rason ay hindi niya sinabi sa akin. Doon pa lang ay alam ko nang sensitibo ang dahilan ng sitwasyon ng bata. Habang ang kapatid niya—ang ama ng bata—ay madalas magsungit at minsan ay masakit magsalita. Ayaw niya sanang sabihin sa akin ‘yon dahil ang dating daw ay parang sinisiraan niya ang kapatid niya, pero gusto lang niya akong abisuhan at nang maihanda ko ang sarili ko. “Huwag po kayong mag-alala, Ma’am Antonette. Sanay na po ako sa mga gano’n,” paninigurado ko sa kanya at matamis siyang nginitian. “Good,” aniya habang nakatingin sa cellphone niya. “I got a text from my brother; he’s at home right now, looking after his son, Uno. Sinabi niya na kung pwede ay magmadali tayo dahil may scheduled meeting daw siya. He wants to meet you before he leaves,” sabi niya sa akin bago siya bumaling sa personal driver niya at sinabihan itong bilisan ang pagpapatakbo. Nagdala na siya ng personal driver dahil natatakot na raw siyang maulit ang nangyari sa akin. “It’s a good thing na makilala mo sila as soon as you arrive para alam mo na kung anong naghihintay sa ‘yo.” Hindi ko mapigilang mapalunok sa mga sinabi niya. Tingin ko’y tinatakot niya talaga ako. Pero mas takot akong mabigong muli ang mga magulang ko. Mas takot akong bitawan ang pangarap ko para sa kanila. “Gagawin ko po ang best ko para hindi kayo mabigo, Ma’am,” paninigurado ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin bago nag-excuse dahil may kailangan siyang kausapin sa telepono. Sa napansin ko, napaka-busy’ng tao ni Ma’am Antonette. Bawat sandali yata ay may kausap siya sa telepono, at ang palaging naririnig ko ay ang schedules, meetings, at kung ano-ano pang terms na related sa negosyo. Kaya ang personal akong i-check ay isang napakalaking bagay para sa akin. Pinapakita lang nito na isa siyang mabuti at responsableng tao. Pwede lang naman niyang utusan ang mga tauhan niya na bisitahin at asikasuhin ako, pero hindi niya ginawa. Kaya mabilis ding gumaan ang loob ko sa kanya. Isa rin ‘yon sa rason kaya hindi ako gaanong kinakabahan, dahil naiisip ko na hindi malayong may itinatagong bait din ang kapatid niya gaya ng sa kanya. --- “We’re almost there,” sambit niya sa akin matapos ang kalahating oras ng biyahe. Nang silipin ko kung ano ang nasa harapan namin ay sumalubong sa akin ang isang gate na may guard house sa magkabilang dulo. At sa unahan namin ay tanaw ko na ang magagarang mga bahay na halos puti, dark brown, at gray ang tema. May ipinakita pa si Ma’am Antonette sa guard bago kami tuluyang nakapasok. “This is a gated village,” sambit niya sa akin. “Are you Familiar with Forbes Park?” “Narinig ko na po, pero ‘di gaano,” sagot ko sa kanya. “Oh, okay. This is Forbes Park,” nakangiting sagot niya. “This is where my brother lives and where you’ll stay from now on.” Tumango lang ako bago ibinalik ang tingin sa labas. Hindi ko mapigilan ang pag-awang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Ang lalaki at gagara ng mga bahay. At sa tunog pa lang ng pangalan ng lugar ay tingin ko’y tanging mayayaman lang ang nakatira dito. “We’re here,” aniya kasabay ng pagpasok ng sasakyan sa isang magarang gate na automatic na bumubukas. Agad akong napatingin sa kung saan kami papunta at literal na nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha nang makita ang napakalaking bahay sa tapat ko. Halos gawa na ito sa salamin. Kulay dark brown at puti ang kabuoang kulay ng bahay. Modernong-moderno. Ito ang unang beses na nakakita ako nang ganito kagandang bahay sa buong buhay ko. “Let’s go. They’re waiting inside,” aniya at binuksan na ang pinto at lumabas na. Mabilis naman akong sumunod sa kanya. Dadalhin ko pa sana ang maleta ko pero sinabihan na niya akong ang driver na ang bahala roon kaya sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilang magpalinga-linga dahil manghang-mangha talaga ako sa ganda ng bahay. Agaw pansin ang malaking estatwa ng babaeng nakahubad at may hawak na vase kung saan umaagos ang tubig. Nang silipin ko ang ibabang parte ng fountain ay kita ko ang maraming water lily at mga koi fish sa ilalim. Pero hindi ako nagtagal doon. Hindi ko na rin natingnan pa ang ibang parte ng bahay dahil nagmmadali na akong sumunod kay Ma’am Antonette. At kung namangha na ako sa labas, ay halos malula na ako sa pagkamangha nang makita ko ang loob. Unang-una kong napansin ay ang malaking chandelier na nagsasaboy ng ginintuang liwanag na mas nagpa-elegante sa interior ng bahay. Gusto ko pa sanang ilibot ang atensyon ko pero tinawag na ako ni Ma’am Antonette, “I think they’re at Uno’s playroom.” Tumango lang ako sa kanya at sumunod. Umabot din ng ilang minuto bago kami huminto sa isang kulay puting pinto na puno ng stickers at posters ng spaceships, planets, at astronauts. ‘Uno’s Space’ basa ko sa nakasulat sa pinto bago ito binuksan ni Ma’am Antonette. “Kuya, Uno’s new nanny is here,” bungad niyang sambit bago ako nilingon at sinenyasan na tumuloy. Tumango lang ako at tahimik na pumasok. Pagkahakbang ko pa lang ay dama ko na ang mga matang matamang nakatingin sa akin. At nang sundan ko ito ay ‘di ko mapigilang matuod sa aking kinatatayuan nang makita ang isang makisig at napakaguwapong lalaki na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin. “Kuya…” Hinawakan ni Ma’am Antonette ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. “This is Ligaya,” aniya bago ako tiningnan. “And Ligaya, this is my brother, Alonzo, and that kid over there is Uno, the one you’ll be looking after from now on.” “H-Hello po,” sagot ko at marahang yumuko. “Okay. You can start,” malamig niyang sambit. Malalim at lalaking-lalaki ang boses niya. Nakakatakot dahil bakas na bakas ang awtoridad. “I’ll go now,” dagdag niya bago siya tuluyang tumayo at doon ko nakita kung gaano siya katangkad. Tingin ko’y hanggang dibdib niya lang ako. At nang dumaan siya sa gilid ko ay naamoy ko ang pabango niyang tila naiiwan sa hangin. “You could have at least welcomed her,” angal ni Ma’am Antonette pero hindi na siya pinakinggan ng kapatid at nagtuloy-tuloy lang ito sa paglabas. Napabuga na lang siya ng hangin bago tumingin sa akin. “I’m sorry about that.” “Ayos lang po, ma’am,” sambit ko bago binalingan si Uno. “Gagawin ko na lang po ang iniutos ni Sir Alonzo.” “Okay. Basta nagsabi na ako sa ‘yo, ha? In case hindi mo matagalan ang trabaho rito, just tell me and I’ll get you out of here,” aniya bago ipinatong ang palad sa balikat ko. “But for now, show me what you got and prove to me na kaya mo ang trabaho mo gaya ng sinabi mo sa akin.” “Yes po, ma’am.” Tumango lang siya sa akin at nagpaalam nang aalis dahil gaya ni Sir Alonzo, ay may meeting din siyang pupuntahan. Nang makaalis siya ay itinuon ko na ang atensyon ko sa batang babantayan ko. Huminga ako nang malalim at pilit na itinanim sa isipan ko na kaya ko; na kailangan kong kayanin. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD