Isang linggo na siyang nakakulong sa isla na iyon. Bagot na bagot na siya at idagdag pang wala na siyang matinong isusuot dahil hindi naman siya marunong maglaba. "Putcha!" Padarag na binato ang isang simpleng floral dress na naroroon. Ito na lang ang maayos ayos pang isusuot niya. Kasi ang iba ay dress na may malalim na cleavage o 'di kaya ay backless na halos lumuwa na ang kaluluwa. Nilibot ang tingin sa kuwarto at nakita pa roon ang kanyang damit noong unang araw siyang dinala ng lalaki roon. "Kilangan kitang labhan," aniya saka lumabas at hinanap ang lalaki. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig mula sa bathroom. Wala kasing bathroom ang silid nito at sa bathroom iyon malapit sa kusina. Buti na lang at may sarili siyang bathroom. Hinintay niya itong matapos. Nang marinig ang pagsara