Caden INAYOS ko ang aking suot na damit matapos bumaba ng aking sasakyan. I asked Rico to roamaround for a while. Matagal pa kasi bago lalabas si Mama sa quarantine facility na nasa harapan ko ngayon. Dito rin ako nagtigil noong umuwi ako sa Pilipinas galing Thailand. Maganda ang serbisyo ditto at talagang may mga pulis pa sareception upang masiguro na walang tatakas na kauuwi pa lamang ng bansa. Two weeks ago pa dito si Mama at ngayon ang labas niya kasabay ng resulta ng kanyang RT-PCR test. Huminga ako ng malalim saka sinipat ang bulaklak na hawak ko. Iyon ang pinabili ko kay Sunshine kanina na kasabay ng ilan ko pang utos na nagawa niya lahat. Mukhang malabo ko pa yata mapasuko ngayon si Sunshine dahil nagagawa pa niyang sumabay sa akin. Kahit ano ipagawa ko talaga ay nagagawa niya ng