Sunshine I HATE HIM! Promoted na ang boss ko na saksakan ng demanding sa hate list ko. Apat lang naman nilang naroroon - iyong atribida kong tiyahin, iyong lalaki na ayoko na banggitin ang pangalan, mama ni caden at ngayon si Caden mismo. Wala na akong na-send na shortlist sa kumag na ito na hindi niya binago. Sobra bang unpredictable ng mga schedule niya? Sino naman ngayon si Shaina? Sana sinabi niya na may laundry pa siya na kailangan dalhin. Sana sinabay ko na sa pag-pick up ng mga pinalabhan niya para isang puntahan lang. Nakakairita siyang tunay! Trabaho pa ba ng EA itong ginagawa ko? I am more like a maid than an executive assistant to him. Iyon pa nga lang na hindi niya pagsasabi sa protocols ng subdivision nila ay parusa na. Buti na lang talaga pinadala ni God si Sir Marco kung