Sunshine NGAYON ang ikalawang araw ko sa trabaho at inagahan ko ang pasok para bago dumating si Mr. Vergara ay naayos ko na lahat. Alas singko palang ng madaling araw ay bumiyahe na ako pa-Acceron. Dumaan ulit ako kung ano-anong checking bago nakapasok sa lobby. Binati ako agad ng receptionist saka inabot ang isang box na may note sa ibabaw. It's from Ms. Alexa and she stated on her note that inside the box is my company ID, Mr. Vergara's credit card, my reimbursement for yesterday's expenses and a company phone. Sobrang bilis naman ng reimbursement dito. Samantalang sa Nimbi, uugatan ka muna bago isauli dahil katakot-takot checking pa ang magaganap. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at inumpisahan na ang mga gagawin ko. Tumungo ako sa coffee shop para bumili ng kape at almusal ni Mr.