Ch 04

2052 Words
Caden I AM surprised with Sunshine's work enthusiasm. Lahat ng utos ko ay ginagawa niya at pabalik-balikin ko siya sa labas ay walang problema sa kanya. Kailangan na kailangan niya ba talaga ng trabaho? What happened to their business and guy she chose over me? Dumagdag pa iyon sa mga tanong ko ngayon. Hindi ko maiwasan na ma-curious lalo kung ano ba ang nangyari kay Sunshine matapos ko umalis papuntang Thailand. Binuksan ko ang aking email at muling binasa ang curriculum vitae ni Sunshine saka background profile. Hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin nang i-send sa akin ni Alexa. Mas nanaig kasi sa isipan ko kung paano siya mapapasuko at mapaalis ng Acceron. I opened her file and it's just a simple background profile about her previous jobs. Base sa listahan, simula year 2014 ay nagtatrabaho na siya sa Nimbi bilang office staff na na-promote sa mga event coordinating positions hanggang sa magsara na nga ng tuluyan kamakailan lamang. Umalis ako ng year 2012 sa Pilipinas at twenty-one na ako noon. That same year, Sunshine broke my heart and chose Gerald - the hottest bachelor in town and thief of my girl. But she’s not mine now. I will never redeemed her back. May negosyo pa sila noon at malakas pa iyon sa pagkakatanda ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang ibang credentials ni Sunshine. She has no records of her MBA either. I automatically dialed Alexa's office number to ask. Nagri-ring na ang telepono ng ma-isipan ko ibaba iyon. Bakit ba ako concern na concern sa credentials ni Sunshine? Kasasabi ko lang sa kanya kanina estranghero na siya para sa akin tapos heto ako panay tanong kung nangyari ten years ago. Inayos ako ang pagkakaba ko sa telepono at isinara na ang mga files ni Sunshine. Sakto lang na ginawa ko iyon dahil kumatok siya at dahan-dahan na pumasok bitbit ang lunch ko. Nag-pop up din ang notification na galing sa kanya na may subject na meeting minutes with Marketing Department. How did she do this? Napatingin ako sa kanya ng ilapag niya ang tray na bitbit sa separate na table hindi kalayuan sa aking working table. Nagtagpo ang tingin namin nang lingunin niya ako na agad ko naman iniwasan. "Your lunch is served, sir. Mr. Vergara," aniya sa akin. "The next schedule of yours will be a meeting with the finance department after lunch. Also, I already sent the minutes you asked for after the meeting a while ago. If you need anything, I'm on my desk outside." "Why did you send it using your personal email?" tanong ko sa kanya. Dumaan ang weekend at wala 'man lang nag-asikaso ng company email niya. How incompetent my IT department was? Friday nang ma-hire si Sunshine and we have Saturday work. Wala 'man lang ba nagpapaalala na may bagong empleyado na kailangan bigyan ng company email? "I haven't claimed my company email yet." Damn! Nagpahinga lang ng ilang buwan nakalimutan na ang mga trabaho. Paano kung hindi pa ako nakalaya sa quarantine facility? Bagsak na panigurado ang Acceron branch dito sa Pilipinas. "I'll asked Ms. Alexa for it." Hindi ako kumibo at tingin ko alam ni Sunshine na ang pananahimik ko ay indikasyon na hindi na maganda ang aking mood. Sunshine left my office silently. I heaved a deep sigh and dialed Alexa's locale. "Hey Lex, why haven't you created Ms. Santos's company email?" Bungad na tanong ko kay Alexa pagkasagot niya ng aking tawag. "Did you know that she used her email to send what I asked her to do?" "Oh crap! I'll check with the IT now." Narinig ko sa kabilang linya na may kausap si Alexa na tingin ko'y tiga-IT department. "It's done, Caden. I'll email Ms. Santos and there's one more thing that she did today that you need to know." "What?" "She used her money for the coffee earlier and for your lunch…" Marahas akong napabuga ng hangin. Epekto ng pandemic nga ito dahil literal na huminto ang mundo para sa ilan. But not to me. Thailand has strict restrictions too but I am able to work and do business deals at home. Isang dahilan kaya nangyari itong branch opening kamakailan lamang. Kailangan ko na lang intindihin na nasa process pa ng pag-cope up sa new normal ang lahat. I need more patience, I guess. "Process her reimbursements today and make sure you'll give it back before she leaves. Also, ensure her email includes her in all of my transactions and dealings. Hand her my credit card too." "Got it, Caden." Malalin akong huminga at akmang ibaba na ang telepono ngunit nabitin nang marinig ko na magsalita si Alexa. "I think Ms. Santos is for a long run," "Huwag ka pakasiguro," "Caden…" "As I've said, I'm not the one who will adjust here." Hindi na ako nakakuha ng sagot kay Alexa. She chuckled before I put down the phone. Nahilot ko ang aking magkabilang sentido. Parang mas stress pa yata ako kay Sunshine ngayon habang siya'y nag-e-enjoy lang sa trabaho. Tumayo ako sa kinauupan at lumakad palapit sa may pintuan. Dinampot ang remote control para sa blinds. Isasara na dapat iyon kaya lang nahinto nang matanaw ko si Sunshine na kumakain sa lamesa niya habang may binabasa sa laptop. I know that she's known for being a hard worker but her shortcuts in life remained in my head. A shortcut that tore us apart. That she used somebody to get ahead in life. I immediately closed the blinds. Hindi ako maaaring magpa-linlang sa pinapakita ni Sunshine. Magaling siya umarte kaya kuhang-kuha niya ako noon pero ibang Caden Vergara na ito ngayon. I'm much wiser now. She can't easily sway me. I will never get lost again. Not now. Never again. ATTENDING MEETINGS is a normal routine for me ever since I planned for this business. Umaga hanggang gabi at kung minsan ay may pahabol pa sa bahay. Being a self-made businessman was hard and I went through a lot of hardships in the past. Marami 'man ang naniniwala na magagawa ko ito, mas nangingibabaw pa rin ang duda sa aking kakayahan. I only proved them wrong when the business world started to recognize my contributions in the business scene. Kabilang ako sa mga kilalang businessman sa buong mundo dahil sa remarkable entrance ng Acceron sa kabila ng takot sa pandemic. Kung marami ang nagsara na negosyo, iyong akin ay patuloy na nakilala hanggang sa mga oras na ito. I refocused my attention on forwarding some emails to Sunshine so she can prepare me a shortlist of activities tomorrow. Matatapos na ang araw ngunit hindi ko pa rin nakikita ang indikasyon ng pagsuko sa kanya. Mukhang kulang pa ang mga pahirap ko sa kanya ngayon. Kanina sa meeting kasama ng Finance Department, na-highlight ang mga gusto ko na pag-usapan namin 'di gaya noon. Inabot lang thirty minutes ang meeting at na-satisfied ako sa mga report na natanggap ko. Malaki ang pagkakaiba nito sa mga nakaraan ko na meeting dito palang sa loob ng Acceron. I must say that the Finance Department was prepared unlike the Marketing Department awhile ago. Alam ko na ang pagkaka-prepared ng Finance Dept ay dahil kay Sunshine na gumagawa ng meeting highlights habang nakain kanina. The only mistake she made today was to pay for my lunch and the coffee for the Marketing Department and email problem. Hindi niya pagkakamali talaga ang sa email at nangyari iyon sa pagiging inefficient ng IT Department. Iyon sa reimbursement part, nalimutan ni Alexa na iwan credit card ko sa reception kaya hindi ko pa rin ma-tag as mintake ni Sunshine. Wala pa rin ID si Sunshine kaya nahihirapan siya pumasok sa mga ID system gates ng Acceron. Another mistake of the back end that I couldn't blame on Sunshine. I'm so done with the inefficiencies today, and I want to go home and rest. "You're still here?" Nagulat 'man ako na makita si Sunshine sa cubicle niya ay hindi iyon pinahalata sa kanya. Since we're in a new normal era, no one is allowed to take overtime unless needed and except for me. In Acceron, I make sure that every employee is competent and healthy. Hindi makakatulong sa kumpanya kung sakitin ang mga empleyado. Ayokong nagpapasahod na walang napupuntahang matino pera nila. "Because you're still here, sir. Mr. Vergara." I let out heavy breathing. "You don't need to wait for me. Your job as my EA ends when the clock strikes at six 'o clock in the evening." Tumango-tango siya na tingin ko ay sagot niya sa aking mga sinabi. "I bet you're not working on digging your burial site." "I think that applies to you too, sir." My forehead creased. "Are you trying to smart-me out, Ms. Santos?" "No. I'm just stating the fact because behind every successful businesses is a healthy and competent CEO," Hindi na ako nakakibo dahil sa sinabi niya. This woman, she really can make up to me whatever I made her do, but there's always room for mistakes. Hindi na ako makahintay na magkamali siya. "do you need anything else from me, sir?" "No. You can now go home," akma siyang tatalikod ngunit muling napalingon ng magsalita ako. “Mr. Vergara is fine, Ms. Santos.” Sunshine’s eyebrow slightly shot up. “Noted. Thank you and see you tomorrow!" Hinintay ko na makaalis siya bago ako sumunod palabas. Dire-diretso akong tumungo sa lower ground floor ng Acceron kung saan narooon ang naghihintay ang driver ko. I told Rico to wait for me there instead in front of the office building. Para dire-diretso ang pag-alis ko at wala na kakausapin pa na iba. Gaya ng sabi ko kanina, masyado akong napagod sa mga mishaps na meron sa back end. "Good evening, sir Caden!" Masiglang bati sa akin ni Rico. "Good evening!" Bati ko pabalik ngunit hindi kasingsigla ng bati niya. "Ihatid mo ako sa penthouse ko." "Sige po sir," Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at matamang binukas ang tablet ko. A pop-up notifications from Sunshine's company email flashed on its screen. May mga file siyang sinend at kasama na roon ang shorlist for para bukas. Binasa ko iyon para aware ako sa schedule na ginawa niya para sa akin. Thirty minutes ang projected time bawat meeting na meron base sa ginawa niya. Habang one and half hour naman sa mga importante such as investors meeting and such. I'm a bit impressed but this will not going to last. Rico started the vehicle as soon as he enter my car. Matapos iyon painitin, minaneobra na palabas ng lower ground floor ang sasakyan. Hindi pa 'man kami nakakalayo ng Acceron ay pinahinto ko sumandali si Rico. Nakita ko kasi Sunshine sa isang sulok at nagpapalit ng panapin sa paa. Napapatungan na rin ng hoodie jacket ang suot niyang office attire kanina. Wait a minute, I remember that hoodie. Hindi ako pwede magkamali. Sa akin iyon at hindi ako makapaniwala na nasa kanya pa rin iyon. "Hindi ba sir siya po iyong bago mong EA?" pukaw na tanong sa akin ni Rico. "Yes, that she is." "Isasabay ba natin siya? Mahirap sumakay dito sa ng ganitong oras," Will I be generous and offer her a ride? Of course not! Gaya ng sabi ko, gagawin kong mala-impyerno ang buhay ni Sunshine hanggang sa sumuko na siya. "No. Drive now, Rico. I badly want to go home." Hindi na nagsalita pa ang driver ko at pinatakbo na ang sasakyan paalis. Muli ko tinuon ang atensyon ko sa tablet na hawak at binasa ang shortlist na gawa ni Sunshine. Nag-isip ako ng paraan paano gagawing mala-impyerno ang buhay niya simula bukas at sa mga susunod pa na araw. I'm not yet contented to what I did this day. Gusto ko na mas mahirapan pa siya. Gusto ko rin na makita niya kung gaano ako ka-successful ngayon. Ipapakita ko kung gaano kalaki ang naging sakripisyo ko noon makatapak lamang sa pedestal na tinatapakan ko ngayon. I want to blame her for the lost I experienced along the way to success. Those sleepless nights and doubtful moments of my life was because of her. Revenge is overrated so I decided to show her instead what she wasted ten years ago. Because regret is a poison that will slowly dim and eventually kill Sunshine's bright personality…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD