Sunshine
TODAY IS THE DAY that I've been waiting for. Ngayon na ako pipirma ng contract sa Acceron at itong araw na rin 'to ang aking simula. Urgently need iyong posisyon na in-apply-an ko kaya agad-agad nila ako nagsimula. Over the weekend, binasa ko ang contract na sinend sa akin ni Ms. Alexa doon at halos maluha ako sa laki ng sahod na nakasaad sa kontrata. Malaking tulong na iyon sa akin at sa pamilya ko kaya hindi ko na dapat pa palampasin ito.
All thanks to Daisy because she recommended me here and adopted me for a while. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na may trabaho na ako ulit. Hindi ko na kailangan mangamba na walang ipasusuporta sa mga magulang at kapatid ko sa probinsya. Despite the pandemic I'm still blessed after all. Kahit paano gumaan ng kaunti ang mga agam-agam ko sa isip at puso.
Isip ako ng isip ng paraan paano muling magkakaroon ng trabaho ngayon may banta sa paligid. Hindi 'man safe ang lumabas-labas ngayon, wala naman akong ibang choice kung 'di ang kumayod. Kapag huminto ako, magugutom ang pamilya ko. Kailangan ko na lang talaga palakasin ang aking resistensya at pati na ang katawan upang 'di dapuan ng sakit. Wala nang atrasan pa, Sunshine.
Kaya at kailangan mo ito!
Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago lumakad papasok ng Acceron. Gaya ng una kong punta dito, nag-log in ako ulit, nag-iwan ng ID, nagpakuha ng body temperature at nag fill up ng contact tracing form. Wala pa akong employees ID kaya visitors pass muna ang ibigay sa akin ng receptionist saka pinaka-akyat na ako sa sixteenth floor. Naroon daw naghihintay si Ms. Alexa at ang CEO nitong Acceron. Matama ko inayos ang aking sarili habang nasa elevator.
I pat dry my forehead and comb my hair using my hands. Magpapasko na pero mala-summer pa rin ang init ng temperatura ngayon. Nakaka-haggard pero kailangan magtiis at sa bahay na lang magreklamo. Pinaypay ko sa sarili ang hawak ko na envelop habang panay-panay ang kondisyon sa aking sarili. Ganito kapag kinakabahan at natatakot na magkamali sa unang araw ko.
"Are you new here?" tanong na pumukaw sa aking pagtingin sa floor number na umaandar sa maliit na screen sa taas ng elevator door. May kasama pala ako at hindi ko siya napansin ng pumasok ako kanina.
Ngumiti ako sa kanya kahit yung mga mata ko lang naman ang nakikitang nakangiti. "Opo," magalang ko na sagot.
"I feel so old suddenly." The handsome guy in front isn't that old looking. Bagay nga sa kanya ang kulay mais niyang buhok pati na ang berde nitong mga mata. Masyado yata akong na-focus sa iniisip ko at hindi agad napansin itong gwapong nilalang sa tabi ko. "Welcome to Acceron! I'm Marco from the marketing department."
Sobrang bait naman ng isang ito hindi gaya ng ibang nakasalubong ko na ang susungit.
"T-thank you, sir!"
Hindi ko alam kung makikipagkamay ba ako sa kanya o huwag na lang. Hindi rin naman siya naglahad ng kamay at ayoko naman mag-initiate. Physical distancing nga daw sabi lagi sa balita. Saka bakit ba hindi naka-mask ang isang ito? Marami-rami na ang empleyado ngayon kasunod ng pagbaba ng quarantine restrictions sa bansa. Hindi rason para magpabaya kahit na nasa mababa na ang restrictions ng gobyerno.
Kaya ayaw umalis ni Covid dito kasi maraming tulad nitong si Sir Marco na akala yata ay 'di siya totoo. Teka, sir ko nga ba siya? Hindi naman nabanggit ni Ms. Alexa ang tungkol sa pag-address ko sa lahat. Ang pinaka-importante lang naman daw ay makasabay ako sa bago kong boss.
"To what department will you be assigned? I didn't know that they would recruit someone new in our department."
"EA po ng CEO niyo,"
Sir Marco's lips formed an O suddenly. Nangunot ang noo ko sa klase ng reaksyon na meron siya. Is that a warning? Kailangan ko ba na mas tapangan pa o umatras na lang? Nalimutan ko pa 'man din tingnan sa internet kung sino ang CEO na siyang boss ko at may-ari nitong Acceron. Ang alam ko lang leading advertising company sila una sa Nimbi pero nagsara na ang inalisan ko, maliliit na ang mga katunggali nitong Acceron.
"I-is there a problem po ba?" tanong ko kay Sir Marco.
That question woke Sir Marco up.
"Uhm, no. None at all. Good luck and welcome again." He smiled at me widely. Dapat ba ako mapanatag pagkatapos niya mag-react nang tila gulat na gulat kanina? "Oh? This is me. See you around… wait, what is your name?"
"Sun. I mean Sunshine."
"Sunshine… what a nice name. See you around, Sun!"
Sir Marco waved at me, and I did the same before the elevator door closed. Weird, but hey, it's okay. At least I met someone nice to me. Huminga ako ulit ng malalim saka itinuon sa elevator number ang aking buong atensyon.
14… 15… 16…
Kumakabog nang matindi ang aking dibdib ng bumukas na sa wakas ang elevator door sa floor kung saan ko kikitain si Ms. Alexa.
Handa na ba ako?
I heaved another deep breath. Kanina pa 'to at tingin ko kakabagan na ako maya-maya nito. Oh my, yung tyan ko. Parang kung anong pinipilit doon sa sobrang kaba na aking nararamdaman. Mariin akong napapikit sandali at sa aking pagdilat ay siya naman pagbukas ng pintuan ng opisina sa harap ko.
"There you are, Ms. Santos. Akala ko ay nawala ka na. Come on, Mr. Vergara is waiting for you."
Vergara… the surname sounds familiar to me.
"Ms. Santos?" Napukaw ang atensyon dahil sa pagkaway ng kamay ni Ms. Alexa sa harap ng mukha ko. "Let's get inside," pag-aya niya sa akin na agad ko naman sinunod. Pumasok ako kasunod niya at hindi ko maiwasang mamangha nang makapasok na sa loob. Maganda ang kabuuan ng pinasok ko na kwarto at pulos salamin na mula sa ceiling hanggang sa sahig. Kita na agad ang buong Metro Manila mula palang sa kinatatayuan ko. What more kapag lumapit na ako.
"Welcome to our company, Ms. Santos."
A baritone voice greeted me suddenly. Nagmula iyon sa swivel chair na nakaharap sa bintana ng kinaroroonan naming kwarto. Dahan-dahan iyon umikot paharap sa akin at napa kurap-kurap pa ako dahil tinamaan ng liwanag ng araw ang kanyang mukha. Nang makapag-adjust ang aking mga mata mula sa liwanag, doon ko unti-unting nakilala ang lalaki sa aking harapan. He's not wearing any facemask right now so I can freely see his face.
Bahagyang umawang ang bakatago kong mga labi sa likod ng facemask na aking suot.
"C-Caden?"
ANG daming nagbago kay Caden mula sa ayos niya, sa pananamit at maging sa paraan ng kanyang pagsasalita. Wala na iyong stuttering Caden na nakilala ko noong high school ako. Hindi na niya suot ang malaking salamin na tampulan ng tukso noon sa school. Who would've thought that he'll changed into a gorgeous man like this? Alam ko na masamang tumitig sa isang tao pero hindi ko talaga maiwasan.
Hindi ako makapaniwala sa rebelasyon na ito. Maling-mali na hindi ko muna hinanap ng maigi sa internet kung sino ang CEO nitong Acceron. Of all people, siya pa na nasaktan ko ang nagbigay sa akin ng trabaho. Nakalimutan na ba niya iyon? Kaya ba niya ako tinanggap dito?
"It's Mr. Vergara for you, Ms. Santos." Pagtatama niya sa akin. Bakit ko ba siya tinawag sa first name niya bigla? Kasasabi ko lang na huwag gumawa ng anumang mali ngayong unang araw ko kaso ngayon palang may mali na agad. "Have a seat and let's get started."
Binalingan niya si Ms. Alexa at hiningi ang kontrata ko. Mas tumindi ang kaba na aking nararamdaman ngayon kaysa kanina. In front of me is the man I hurt several years ago. The man who begged me to stay in his life. The one who cried and humiliated himself trying to change my mind from leaving.
"I'm sorry…" Bigla na iyong lumabas sa bibig ko. Hindi ko rin alam kung sa dinami-dami ng mga salitang pwedeng sabihin ay iyon pa.
"Accepted." Nanlaki ang mga mata ko. So, he really forgives me now! Sandali kami iniwan ni Ms. Alexa pagka-abot sa akin ng kontrata ko. At kahit nakakailang ay hindi ko maiwasan na mapangiti. After several years, I finally received the forgiveness I've been waiting for. "It's for calling me on my first name, Ms. Santos."
Napatanga ako sa harap niya nang sabihin iyon. Masyado ba ako naging assumera kaya daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig ngayon? Gising na gising ang bawat ugat sa aking buong katawan. Akala ko naman iyon na ang kapatawaran na matagal ko nga hinihintay. Although, I couldn't remember that I hurt someone before if we didn't meet today.
"I want to clear something to you, Ms. Santos." Pati ang pagtawag niya sa pangalan ko ay nag-iba na. "I didn't hire you here to rekindle what happened in our past. I want you to work for me, acting like we just met today. You're a total stranger to me now, Ms. Santos."
Hindi ko na nagawa pa na sagutin siya dahil muling bumalik si Ms. Alexa. Kinuha na niya ang kontrata na mabilis ko na lang pinirmahan bawat pahina. Nabasa ko naman na iyon noong weekend at kahit may nakaraan kami ng bago kong boss, walang unfair treatment ang nakasaad doon.
"Welcome aboard, Ms. Santos." Bati ulit sa akin ni Caden saka naglahad ng kamay na hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Nakangiti siya na para bang ngayon lang kami nagkakilala na dalawa. It's true of his words that I am a total stranger to him now. Kahit nag-aalangan ay tinanggap ko iyon ngunit mabilis lang ang ginawa ko na pakikipag-kamay sa kanya. That move earned a stern look from Caden and a shock face from Ms. Alexa.
"A-avoid physical contact daw po sabi sa balita," I said and sprayed alcohol on my hand. Ngumiti si Ms. Alexa sa akin habang si Caden ay nanatili lang nakatingin sa gawi ko. Nakakapaso ang tingin niya at pakiramdam ko ay hindi na ako makatawid yata sa araw na ito.
"I'll take over here, Alexa, thank you." Sambit ni Caden kay Ms. Alexa. "Let's go now. I have a meeting with my marketing team."
Agad ko sinukbit ang bag ko sa aking balikat at lumakad pasunod kay Caden sa kabilang conference room. Everyone greeted Caden when he entered the room. Pinakilala niya ako at umupo ako sa kanyang tabi saka nilabas ang notebook ko upang isulat ang anumang pag-uusapan nila. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing may meeting kami kasama si Ella. Kahit wala akong administrative experience, kaya ko naman sumabay kay Caden.
Kailangan ko sumabay at huwag na maging choosy. Kapag naging choosy ako, magugutom kami ng pamilya ko!
"Does everyone want coffee?" tanong ni Caden sa lahat bago tumingin sa akin. "Can you get us coffee? I want mine -"
"Black, no cream," putol ko kay Caden. "I-i guess?"
Tumango-tango siya sa akin. Habang ang ibang kasama namin ay gulat na gulat. Naalala ko lang naman iyon agad nang banggitin niya ang salitang kape. Kung para sa kanya stranger kami, sa akin hindi at alam ko na ito na ang umpisa ng pagpapahirap niya sa akin.
"Nice guess."
Tumango ako bilang tugon saka sunod-sunod na nagbigay ng order nila ang lahat hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Sir Marco. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan dahil nakita ako? O sadyang smiling face lang siya.
"I'm fine with a latte," aniya sa akin.
Lahat ay tinandaan ko saka lumabas na sa conference room. Dali-dali akong tumungo sa coffee shop na nasa kabilang kanto pa. Ano bang klase na kumpanya ito na walang sariling coffee shop? Dagdag iritasyon pa ang suot ko na mask at face shield. Tapos may pila pa sa labas na hindi ko naman pwede i-bypass dahil iyon ang protocol na kailangan sundin.
I waited in line and when it's my turn, I ordered everything in order and correctly minded the note that others gave me. Tinulungan ko na mag-pack ang staff para lang mapabilis ang kilos at makabalik ako agad sa Acceron. Nang makumpleto ko na lahat, halos tumakbo na ako pabalik. Hindi na bale kung manakit ang mga paa ko dahil sa suot na heels makarating lang na agad. My body temperature is a bit high so the guard held me for a while until it became normal.
Sila kaya tumakbo sa arawan at malamigan sa loob ng coffee shop!
Pagbalik ko sa sixteenth floor, nagulat ako na naglalabasan na ang mga ka-meeting ni Caden at kinuha na lang nila ang order sa akin.
Tapos na agad?
"Ms. Santos, send me a minutes of the meeting later and call the cafeteria chef to prepare my lunch." utos sa akin ni Caden bago tuloy-tuloy na lumabas pag kuha ng kape na binili ko para sa kanya.
Minutes of the meeting? Paano? Wala naman ako dito noong nag-usap-usap sila. Required pala na iwan ang kaluluwa sa loob ng meeting room. Kung alam ko lang dapat iniwan ko na.
"Thanks for this, Sunshine." Nalipat ang atensyon ko kay Sir Marco. "Giving up already? Umpisa pa lang iyan."
"Umpisa pa lang?" Hindi ko makapaniwalang bulalas.
Natatawa ako na tiningnan ni Sir Marco. What kind of boss Caden is? Susuko na ba ako?
Syempre hindi!
Kaya ko ito! Kayang-kaya!
Kaya ko nga ba?