Hindi namalayan ni Amara ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya alam kung kanino siya dapat magalit. Kay Rain ba na sinasaktan siya phsically o sa kanyang sarili dahil sa labis na katangahan. She felt guilty, para sa kanya reasonable naman ang galit ni Rain dahil sa kanya nag-aaway ang dalawa.
Kahit pa sabihin na hindi niya ginusto ang lahat pero dahil sa nagpaubaya siya at nagustuhan niya ang ginagawang pagpapaligaya sa kanyan ni Zach ay may kasalanan din siya. Alam niyang mas higit na may karapatan ang babae kaysa sa kanya. First love ito ng binata, ngayon sinira niya ang relasyon nilang dalawa.
Napaatras siya nang akmang lapitan siya ni Zach. Natatakot siya sa binata dahil sa nakita niyang galit sa mga mata nito habang itinataboy si Rain. Kailangan matapos na ang lahat ng ito. She needs to go back home, sa kanyang nakasanayang buhay na walang Zach na nanggugulo. Na tanging sila lang ng kanyang anak, lola Olivia at si Japeth.
“Sweety, ayos ka lang ba?”
Dahan-dahang napaangat ng kanyang mukha si Amara. Sumasalubong sa kanya ang mukha ni Zach na puno ng pag-aalala habang nakatingin sa kanya. Ano kayang drama niya? Bakit nag-aalala pa siya kay Amara gayong ito naman ang nais niya ang makaganti sa dalaga.
“May masakit ba sa iyo? Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital?"
Muli itong nagtanong sa kanya ngunit mabilis na naman siyang umiling.
“A-a-ayos lang ako,” halos bulong na niyang pagkasabi. Totoong masakit ang kanyang anit halos maiyak na nga siya kanina kundi lang sila naawat ni Zach paniguradong lagas ang kanyang mga buhok dahil purisgido si Rain na saktan siya na animo'y babalatan siya ng buhay.
Napaigtad siya nang hawiin ito ang q niyang buhok sa mukha. Hinanap sa paningin ng binata kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Mabilis niyang binawi ang kanyang tingin dahil baka madala na naman siya nito. Tingin pa lang ng binata apektado na ang buong sistema niya. Masyado siyang malulunod sa tingin pa lang ng binata.
Nanlaki ang kanyang mata nang bigla siyang niyakap ng mahigpit ni Zach. Hindi niya inaasahan ito, ang buong akala niya magagalit sa kanya ito dahil sa nagtangka siyang tumakas kanina.
“I'm really sorry, Sweety. Next time hindi ko na hahayaan pang may mananakit sa iyo. Dumaan muna sila sa akin bago ka nila masaktan. Even those Rain, I will kill her if she tried to lay her hand on you.”
Ramdam niya galit sa binata sa bawat katagang binibitawan nito. Hindi alam ni Amara kung dapat ba siyang matuwa dahil sa ipinapakitang pag-alala ng binata sa kanya. Pero na dapat siya magpapadala. Nangyari na ito dati, minsan na siyang naniwala sa binata pero sakit dibdib lang ang kanyang naani. Pero bakit pa siya maniniwala rito gayong galing mismo sa bibig ni Zach ang salitang paghihiganti sa kanya. Gayong halos noong nakaraang araw lang nakita niya kung gaano siya nito kinamumuhian sa hindi niya malamang dahilan.
“Bakit mo ’yun ginawa, ha?”
Itinulak niya si Zach. Para magkaroon sila ng space, dahil pakiramdam niya sumikip lalo ang kanyang dibdib. Kailangan niyang labanan kung ano man ang kanyang nararamdaman para kay Zach. Hindi na niya nais pang muling malunod sa kumunoy dahil sa pagmamahal sa binata. Nakaahon na siya rati pero ngayon natatakot siya na baka hindi na siyang makaahon pa.
“What do you mean, Sweety?”
Buong pagtatakang tanong ni Zach sa kanya. Hindi nito nakuha kung ano man ang ibig sabihin ng sinabi niya. She hold her breath para doon kumuha ng lakas ng loob. Pinilit niyang maging matapang ang kanyang mukha.
“Bakit mo ’yon ginagawa kay Rain? Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos ng lahat-lahat sa inyo, you dispatch her like a trash? Tingin mo sa amin mga babae isang laruan? Zach, tao kami may damdamin, marunong kaming masaktan!” Tumatangis niyajg saad. 0 Hindi na siya mag-abala pang magpahid ng kanyang mga luha. Hinayaan niyang magsilaglag ang kanyang masaganang luha sa kanyang pisngi. Ngunit kahit malabo ang kanyang paningin naaninang pa rin niya ang pagkislot sa mukha ni Zach. Gumihit roon ang pait sa kanyang gwapong mukha.
“No, it's not like that, sweety. Hindi mo lang naintindihan kung bakit ko 'yon na gawa sa kanya.”
Naging nanatiling mababa ang tinig ni Zach ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap ng dibdib ng babaeng pinakakamamahal.
“Ano'ng it's not like that? Ano’ng hindi ko naintindihan, Zach? Malinaw sa akin na ginagawa mo lang kaming tanga!”
Tuluyan ng napahagulhol ng iyak si Amara. Gusto niyang ilabas lahat bg hinanakit niya para sa binata. Simula nang pagtataksil nito sa kanya. Sa lahat ng paghihirap na dinaanan niya na wala man lang Zach na umaagapay sa kanya. Sa tuwing nag-ca-crave siya ng pagkain noon ipinagbubuntis nila ang kanilang anak. Walang Zach na sasama sa kanya sa tuwing montly pre-natal check up niya. Sa mga panahong higit na kailangan niya ang binata noong araw na panganganak niya na dapat na sa kanya tabi ito nag-co-comfort sa kanya kapag sumasakit ang kanyang tiyan. At higit sa lahat walang Zach na mapapahingahan niya kapag nakaramdaman siya ng pagod at takot sa pag-aalaga ng kanilang anaka kapag nagkakasakit ito.
“I'm sorry, sweety. Alam ko na napakagago ko dahil mas pini—”
“Shut up Zach! Dahil wala kang alam. Wala kang alam sa hirap na pinagdaanan ko. Sa sakit na nararamdaman ko nang nakita ko kayong magkasamang natulog ni Rain na walang kahit ano mang saplot. Pero mas pinili kong bigyan kayo ng kailangan dahil sino ba naman ako, 'di ba? Ano ang laban ko sa isang Rain na minahal mo. Alam ko naman, eh. Panakip butas lang ako sa iyo. Malaking pabor pa nga ang ginawa ko sa inyo dahil hindi ka na mahirapang dispatasahin ako!”
Napahilamos siya sa kanyang mukha, trying to control her emotion pero wala na tuluyan na siyang sumabog. Ang hinanakit na kinikimkim niya para sa binata ay tuluyan na niyang pinakawalan.
“Tapos ngayon ipinamukha mo sa akin na kasalanan ko ang lumayo sa iyo?”
“Sweety, I'm sorry. Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan at nahihirapan nang lumayo ka sa akin. My life became so hopeless and miserable with you. Please, forgive me. Mahal na mahal kita.” Hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Amara sa kanyang narinig. Nakita niyang kung gaaano nahihirapan ang kalooban ni Zach. Bahagya siyang natigilan nang makitang niyang umiiyak na rin ito. Tila may kung ano'ng humahaplos sa kanyang puso dahil sa kanyang nakikita. Hindi siya umiilag nang yakapin siya ng mahigoit na Zach, ibinaon nito ang mukha sa kanyang buhok at doon nang tuluyan. humahagulhol.