“Ma'am Rain, bawal po kayo rito. Kabilin-bilinan po ni Sir Zach na bawal tumanggap ng bisita,”
Nagpupuyos sa galit si Rain dahil sa ginawang pagharang sa kanya ng matanda.
“What? hindi mo ba ako kilala, ha? Hindi ako bisita rito, I’m Zach fiancee, kaya kung gusto mong huwag masesanti tumabi ka riyan!” She was just holding her anger. Ang pinaka ayaw pa naman niy sa lahat ang mga pakialamera at sipsip.
“Pe-pero Ma'am. A-ano ka—”
“Shut up! Katulong ka lang dito kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako!” she shouted. Aling Melinda tempting her temper.
“Zach, let's talk! Babe, I’m sorry hindi na kita kukulitin pa! Zach, Babe!” dumadagundong niyang tinig na tumatawag kay Zach nang tuluyan na siyang makapasok sa loob.
“Ma’am Rain, wala po rito si Sir Zach!” she was halted, when Aling Melinda tried to stop her by holding her arms. Nandidiring pinalis niya ang kamay na matanda na tila ba may nakakahawa itong sakit.
“Don’t touch me! How dare you touch your filthy hands to me, Ew!” she hurriedly grab her disinfectant bottle inside her branded hand bag na lagi niyang dala. At walang pakundangang nag-spray sa kanyang braso. Natatakot ito na baka mahawaan ito ng sakit. Tiningnan niya ito nang masama bago nagsalita hindi man lang niya iginagalang ang matanda.
“Ew! Next time don’t you dare to touch me again, understand? Baka may virus ka pa mahawaan mo pa ako! Yuck!” Napayuko ng kanyang ulo si Aling Melinda dahil sa masasakit na salita ni Rain.
“Next time don't you dare touch me! Tse! bati ra ba kaayog nawong giatay arti kaayo.” Rain's raised her eye brows on what aling Melinda says.
“What did you say?” she shouted again. Hindi niya ito naiintindahan kung ano man ang tinuran ni Aling Melinda. Cebuano dialect kasi ang ginamit nito kaya mas lalong ikinainis ng dalaga.
“Ay, naku! wala ma'am. Niingon rako gwapa ka.” patay malisyang sagot ni Aling Melinda. Rain rolled her eyes. She have sense na hindi maganda ang binibitawang salita ng kausap.
“Shut up! Answer me in tagalog. Hindi ko maiintindihan! Kahit kailan boba talaga kayong mga bisaya!”
‘Ay, aba! Kung makapagsalita naman ang babaeng ito. Mas maganda pa nga kaming mga bisaya kaysa katulad mong daig pa ang clown.' she murmured but why I am waisting my time this old woman?
“Stupida! You’re just waisting my time!” pagkasabi noon naiwan na ang katulong mag-isa sa baba dahil nagmamadali na itong umakyat patungo sa ikalawang palapag.
“Zach, babe!” muling tawag niya ngunit wala man lang sumasagot sa kanya.
‘You can't do this to me, Zach! Wala ka nang ibang maaasahan pa maliban sa akin.
Humihingal pa si Aling Melinda nang maratnan niya si Rain dahil sa tinakbo na nito ang hagdan. Hindi na niya alintana ang sumasakit niyang tuhod dahil sa athritis.
“Ma'am, sinasabing wala rito si Sir Zach kaya makakaalis ka na!” Marahang hinablot ni Aling Melinda ang kamay nang dalaga na nakahawak sa door knob sa pintuan ng silid. Sa pagkakataon na ito naiinis na talaga siya sa dalaga lalo na at sa pinapakita nitong kagaspangan ng ugali ni Rain.
“Ano ba? Kanina ka pa, ha! Ano’nge karapatan mo para paalisin ako? You’re just a cheap maid. Dapat matuto ka kung saan ka lulugar!” mabalasik nitong saad. Rain pointing her finger in Aling Melinda's face, ngunit itinabing ito ng matanda.
“Hoy, excuse me, Impakta! Alam ko kung ano ang papel ko rito sa pamamahay na ito. Pero sa akin ipinagkatawila ni Sir Zach ang pamamahay na ito. Kaya si Sir Zach lang din ang susundin ko dahil siya ang nagpapasahod sa akin!”
“How dare you? Bakit mo ako pinagtaasan ng boses?" walang pakundangang muling itinulak nito ang katulong. Dahil sa may kapayatan at may edad na rin kaya madali lamang itong natumba sa sahig. Malakas ang pagkabagsak nito dahilan sa namilipit ito sa sakit.
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Amara. Nagising siya kanina dahil sa ingay na narinig niya sa labas ng silid. Nagmamadali siyang bumangon at kaagad nagtungo sa pintuan. Good thing nabuksan niya ito.
“Ano’ng nangyari sa iyo, Aling Melinda?” takang tanong ni Amara sa matanda at kaagad niyang dinaluhan ito para alalayang tumayo. Mas lalong namula sa galit si Rain dahil sa kanyang nasaksihan. Labis itong nagtataka bakit galing sa loob ng silid ni Zach at mukhang kagigising lang.
“What are you doin’ here?” nakataas ang kilay natanong ni Rain. Halata sa mukha nito ang matinding galit. Pero embes na sagutin pinandilatan lang siya ng mata ni Amara. Bago pa man nakaalis hinila na niya ito sa braso.
“Hindi ko obligasyon na magpaliwanag sa iyo!” Akmang tatalikuran na ni Amara si Rain habang akay si Aling Melinda dahil labis siyang nag-aalala sa matanda.
“How dare you! Tinatanong kita kaya sagutin mo ako ng maayos! ” sigaw ni Rain at walang babalang hinablot ang mahabang buhok ni Amara. Napaigik si Amara dahil sa sakit. Nabatiwan niya si Aling Melinda at hinarap si Rain. Ngunit kahit ano’ng gawin niya masyadong siyang dehado sa laban. Halos napaiyak na siya dahil sa sobrang sakit na ng kanyang anit ngunit hindi pa rin nagpaawat si Rain. Hindi rin naman siya makahingi ng tulong kay Aling Melinda dahil baka masaktan lang din ito.
“Malandi ka! Ang kapal talaga ng mukha mo. Inahas mo ang boy friend ko! Ganyan ka na ba kakati, ha!”
Namumula ang mukha nito dahil sa matinding galit. Maging ang suot nitong red tube dress lumihis na rin dahil sa pagsabunot nito kay Amara.
“Aray, Rain! Let go of me! Wala akong inaahas sa iyo! Hindi ko kasalanan ito,” Maluluha-luhang pakiusap niya.
“No way! Hindi kita bibitawan! I will kill you, b***h!”
Sinisikap ni Amara na maabot ang buhok ni Rain ngunit bigo siya dahil mas may katangkaran din ang babae at nakadagdag pa ang suot six inches tiger heels. Ngunit may marahas na kamay ang pumigil sa babaeng nanakit sa kanya dahilan na bigla siya nitong nabitawan. Sabog ang kanyang buhok nang mag-angat siya ng tingin. Ang matalim na tingin at mabagsik na mukha ni Zach na ang mga mata ay direktang nakatingin kay Rain. Nakaramdam din siya ng takot dahil baka malaman nito na nagbabalak na naman siyang tumakas.
“Siya kasi babe, ayaw niya akong papasukin at pinagsalitaan niya rin ako ng kung ano-ano’ng masasakit na salita. I was just protecting myself!" tila batang sumbong ni Rai na kaagad lumingkis sa kamay ng binata. Ang kaninang tila lion, bigla na lang itong naging maamong tupa sa harap ng binata, playing victim!
“Babe, that gi—” hindi na matapos ni Rain ang nais niyang sabihin dahil mabilis na dumapo sa kanyang pisngi ang malakas na sampal ng binata.
“How dare you to hurt Amara!” marahas ang pagkakahawak nito sa kamay na Rain. Naguguluhan si Amara sa kanyang nakita. Hindi ganito ang eksenang tumatakbo sa isip niya. She was expecting Zach beg Rain for forgiveness.
“Bakit mo ako sinaktan, Zach? I’m your girlfriend you're supposed to be in my side!”
“Oh, common Rain. Wake up! Stop dreaming! Pinaalis na kita rito. Bakit ka pa bumalik?”
“No, Zach. Please, don't do this to me. I love you, bab—”
“Shut up, Rain! Leave at huwag ka ng babalik pa!”
Bilang isang babae nakaramdam din siya ng awa para kay Rain. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagtatalo nila pero isa lang ang alam niya na walang pakialam ang binata sa feeling ng babae kahit nagmakaawa na ito.
“Umalis ka o kailangan pa kitang ipapakaladkad!”
Napalunok siya nang matalim siyang tinitingnan ni Rain bago ito tuluyang umalis.