Chapter17

1776 Words
Habang lulan sa taxi hindi pa rin mapigil ang pagbuhos ang kanyang masaganang luha sa kanyang mga mata. “Ma'am, saan po tayo?” pukaw sa kanya kay Manong drayber. Napabaling ang atensiyon niya sa nagsasalita na kanina pa pala panaka-nakang nakatingin sa kanya. Pinahid muna niya ang kanyang mga luha bago sumagot. “Sa Easta Ridge Subdivison lang po, Manong. Sa Mandaue City.” Ipinirmi niya ang kanyang mukha sa window shield ng sasakyan. Mabuti na lang at hindi rush hour kaya mabilis ang takbo ng kanyang sinasakyang taxi. “Ma'am, hindi naman sa tsismoso ako, ano? Huwag ka pong magagalit sa akin. May problema ka ba?" Muling na pabaling ang kanyang atensiyon kay manong driver. Mukhang tsismoso nga din ito. Napaismid siya , nagtatalo ang kanyang puso at isipan. Wala naman maitutulong ito sa bigat ng kanyang nararamdaman. Pero baka sabihin na ma-attitude siya kaya marahan na lamang siyang umiiling. “Naku, Ineng. Nahahalata po sa mga mata ninyo na malungkot kayo. Alam mo, kung tungkol sa pag-ibig ang pino-problema mo. Huwag ka ng mag-isip pa. Dapat kung mahal mo, ipaglaban mo. Huwag mong hahayaan na mapunta siya sa iba at lalong huwag mong sayangin ang pagkakataon na dapat makakasama mo ang mahal mo,” tugon nito sa kanya na tila ba nahulaan ang kanyang iniisip. “Pa-paano ninyo nalaman?” nagtatakang tanong niya. “Sa ilang dekada ba naman akong namamasada ng taxi. Marami na akong nakakasalamuhang iba’t-ibang mga pasahero. Alam ko na ang bawat galaw, at sinabi ng mga mata ninyo. Hay, kayo talagang mga makabagong hererasyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kayo kadali sumusuko. Kapag nagmamahal ka kaakibat na riyan ang sakit. Pero kahit ilang beses ka pang masaktan hindi pa rin 'yan rason para sumuko.” Ilang beses siyang napalunok sa kanyang narinig. Tama si Manong drayber, kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para makasama mo siya. Pero hindi madali para kay Amara ang lahat kaya mas pinili niyang lumayo ulit. “Salamat, Manong,” buong pusong pasasalamat niya sa drayber. Pero gusto man niyang sundin ang sinasabi nito pero na nangingibabaw pa rin sa kanya ang takot. Naguguluhan siya dahil mahirap para sa kanya ang kanilang sitwasyon ni Zach. Paano niya ilalaban ang kanyang pag-ibig kung may masasaktan silang iba. Kung pati anak niya madadamay. Mahirap sa kanya bilang ina ang makikitang hindi man lang nakikilala ang kanyang tunay na ama. Hindi man lang niya maibigay ang isang buo at masayang pamilya para sa kanyang anak. Pagkarating niya sa kanilang bahay nagmamadali siyang bumaba ng taxi.. “Ah, Ineng! Sukli mo!” pahabol na sigaw sa kanya ng driver dahil basta na lamang niya iniwan iyon. Ngunit hndi na siya nag-abalang lumingon pa. “Keep the change, Manong!" balik niyang sigaw sa matanda. Tinakbo na niya ang pagitan ng kanyang gate at pintuan ng bahay. Nagmamadali siyang umakyat sa kanyang silid at kinuha ang mga iilang mahalagang gamit. Baka sa mga oras na ito gising na si Zach at papunta na iyon sa kayang bahay at sa pilitan na namang siyang dadalhin pabalik ng mansiyon. Nakita niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table. Hindi na siya nagulat na almsot two hundres miss calls sa kanya. ’Yong iba galing kina May, Tin at Levy. At siyempre kay Lola Olivia at ang pinakamarami ay galing kay Japeth. Bitbit ang kanyang itim na bag nagmamadali siyang bumababa ng hagdan at nagtungo sa kanyang nakaparadang sasakyan. Maliksi siyang sumakay sa driver set. “Oh! s**t!” she cursed. Nahihirapan siyang ipasok ang susi ng kanyang sasakyan dahil sa pangingining ng kanyang mga kamay. Na fu-frustrate na siya sa mga nangyari sa kanya. Pinakalma niya ang kanyang sarili bago muling ini-insert ang susi. Nakahinga ng maluwag si Amara nang matagumpay niyang naipasok at kaagad niyang binuhay ang makina. Hindi na nag-aksaya pa ng oras at kaagad na pinasibad ang kanyang sasakyan. Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil bumibigat na ang daloy ng trapiko. Nakalagpas siya sa dalawang barangay papuntang Norte ang tinahak niyang daan sa lalawigan ng Cebu. Ngunit naging alerto pa rin siya hindi niya alam ang kakayahan ng isang Zach Monterde. Marami ang koneksyon nito maging ang pulisya baka nabayaran na rin nito. Kinuha niya ang kanyang earphone at inilagay sa kanyang tainga pagkatapos at tinawagan si Japeth. Nakailang ring lang ang cellphone nito bago sinagot ang tawag. “Baby! Where have you been? You know that me and lola Olivia worried you so much? Even Levy and Tin. Almost two month kang walang paramdam. Nag-report na kami sa mga pulis, pero hindi ka nila nahanap at nagpunta na ako sa bahay mo. Wala ka rin!” Napahawak na lamang sa kanyang sentido dahil sa mahabang turan sa kanya ni Japeth. Pero hindi naman niya iyon masisisi dahil alam naman niya kung bakit nagkaganoon ang nga ito. “It's a long story. Sasabihin ko sa iyo ang lahat but as of now I'm on the way to Bantayan. Please, do me a favor, find place na hindi ako, kami mahahanap ni Zach.” Muling na lukot ang puso niya sa pagkabanggit sa pangalan ng binata. Nasasaktan siya, kahit alam niya ang totoo na hindi siya niloko nito, pero hindi pa rin mababago ang katotohanan na hindi sila puwedeng magsama at ipagpatuloy ang ano mang ugnayan nila at muling dugtungan ang naudlot nilang pagmamahalan. Kailangan niyang protektahan ang kanyang anak sa abot ng kanyang makakaya. Handa niyang ipasantabi ang kanyang kaligayahan alang-alang sa kanyang anak. “What? Do I hear it right, baby? Zach’s find you? But ho-how? Paano nangyari 'yan?” hindi makapaniwalang saad ng kausap. Mayaman si Zach. Hindi nakapagtataka na madali siyang mahanap nito. “Saka ko na lang sasabihin kapag nagkita na tayo. Ang mahalaga sa ngayon makalabas kami ng Cebu.” “Okay, just calm down, baby. Relax, I take care of everything. Ako na ang bahala. Ipapa cancel ko na lang ang aking mga appointments ako ang magda-drive sa aking private chopper. Doon muna kayo mag-stay sa aking vacation house sa Capiz. Safe kayo doon.” “Thank you, Ja. I owe you everything.” Maluha-luhang saad niya sa kausap. “Shh, don't mention it, baby. It's my pleasure to help you. Simula pa lang nangako na ako hindi ko kayo pababayaan ni baby Athara,” seryosong pahayag nito sa kanya. Tuluyan na siyang napaluha dahil sa mga narinig. Marami na siyang utang loob sa binata and yet hindi man lang niya na suklian ang pagmamahal nito sa kanya. Maagap niyang pinahid ang kanyang mga luha dahil sa nanlalabo ang kanyang pangin. Natauhan siya nang marinig ang malakas na busina at sigaw ng isang drayber na nakagitgitan niya. Hindi kasi niya napansin na napabalis ang pagmamaneho niya. “Hoy, Miss! Kung gusto mong magpapakamatay huwag mo kaming idadamay!” galit na sigaw ng lalaki sa kanya. Hindi na lamang siya kumibo para hindi na makalikha ng gulo. “What happen, baby?” hindi papala niya napatay ang tawag niya kay Japeth dahil narinig niya na muli itong nagsalita sa kabilang linya. “No-nothing, Ja,” pagsisinungaling niya. Ayaw nitong madagdagan pa ang pag-aalala ng binata sa kanya. “Please, take care.” Pagkatapos magpasalamat kaagad niyang pinatay ang tawag kay Japeth at denial ang number ng kanyang lola Olivia. “Hello, La. Si Amara po ito.” “Apo! Salamat sa Dios at tumawag ka na. Labis na akong nag-aalala sa iyo. Iyong anak mo araw-araw kang hinahanap.” Kahit hindi man niya nakikita ang kanyang lola alam niyang umiiyak ito. Tila kinukurot ng pino ang kanyang puso dahil narinig niya ang pag-iyak nito. Labis itong nag-alala sa kanya. “Lola, pasensiya na po. Hindi ko pa masasabi ang lahat sa iyo sa ngayon. Please, sabihin mo kay Letecia na ihanda ang mga gamit natin. Aalis tayo pagdating ko r'yan.” “Ha? Ba-bakit tayo aalis dito apo? Ano ba talagang nangyayari sa iyo?" ramdam niya ang kaba ng matanda base sa tinig nito. “Ipapaliwanag ko po ang lahat, La.” “Sige apo, mag-iingat ka.” Pinatay niya ang tawag. Ngunit biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa may namataan siyang itim na van na nakasunod sa kanya. Kaya binilisan niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan dahil baka si Zach o mga tauhan ito ng binata. “s**t!” hindi mapigilang mapamura ng dalaga dahil mas lalong lumakas ang kaba sa kanyang dibdib nang nakompirma niya na siya talaga ang sinusundan nito. Mabilis niyang kinabig ang manobela pagkarating niya sa makurbang daan ganoon din ang ginawa ng van na itim na sumusunod sa kanya. “Kailangan makahanap ako ng paraan para matakasan ang sumusunod sa akin!” determinado niyang saad sa sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manobela ng kanyang sasakyan at nagmistulang mga anino ang dinadaanan niya dahil sa bilis ng kanyang takbo mabuti na lang at wala masyadong nakasalungat sa oras na iyon. Ngunit hindi rin papahuli ang sumusunod sa kanya dahil namataan pa rin niya sa side mirror na sumusunod pa rin ito sa kanya. Pinagana niya ang kanyang utak at nag-iisip ng paraan para iligaw ang humabol sa kanya. Pinaliko niya ang kanyang sasakyan at ipinasok sa isang mall na kanyang nadaanan. Mabilis ang naging kilos niya. Nagmamadaling isinuot niya ang kanyang back pack at mabilis na umibis ng sasakyan. Patakbo siyang pumasok sa department store at kaagad naghanap ng damit na maipapalit para hindi siya makilala ng mga ito. Napahawak siya siya sa kanyang dibdib, nakita niya ang tatlong lalaki na nakasuot ng leather jacket na pumasok sa loob ng department store. Nagpalinga-linga ito sa paligid. Kung hindi siya nagkakamali mukhang siya ang hinahanap ng mga ito. Hinablot niya ang nakasabit na jacket at pumasok sa fitting room. Pakiramdam niya sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa malakas na nakabog. Buong pagmamadali niyang isinuot ang brown hoody jacket. Sumilip muna siya sa labas ng fitting room, bago tuluyang lumabas. Nang namataan niyang medyo may kalayuan ang tatlong mga lalaki sa kinaroroonan niya, nagmamadali siyang lumabas. Walang salitang ibinigay sa sales lady ang kinuha niyang dinikit na papel na may presyo ng jacket at ang kanyang bayad. Aangal pa sana ang sales lady ngunit nang nakita nitong tatlong libo ang kanyang binayad kaya hinayaan na lamang siya nitong umalis. Buong ingat siyang lumabas ng gusali ngunit tinakbo na niya ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan ngunit kaagad siyang nagtago nang nakita nitong may nagbabantay na lalaki, nakasandal hood ng kanyang sasakya. Nagmamadali siyang pumihit pabalik at lumihis siya ng daan. Sakto namang may dumaraan na bus kaya kaagad niya itong pinara. Doon lamang siya nakakahinga nang tuluyang tumatakbo palayo ang bus.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD