Chapter 16
Nang naramdaman ni Amara na pantay na ang paghinga ni Zach. At nang nakasisigurado siyang mahimbibg na itong nakatulog. Marahan niyang tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kanyang beywang. Patingkayad siyang naglalakad para hindi makalikha ng ano mang-ingay. Hindi na siya mag-abalang maglinis ng katawan, mabilis niyang dinampot ang kanyang mga damit na nagkalat sa sahig at nagmamadali niyang isinuot.
Panaka-naka siyang lumingon sa higaaan baka magising pa si Zach. Mapurnada pa ang kanyang pag-alis. Nag-aalala na siya kay Athara halos umabot na siya ng isang buwan na hindi nakakausap ang anak niya. Namimiss na niya ito pati ang kanyang lola Olivia baka sobrang nag-aalala na ito sa kanya.
Tumulo ang luha niya habang napabaling sa mahimbing at payapang natutulog na si Zach.
“I'm sorry, Zach. Kailangan kong lumayo ulit. Kung pagbibigyan ng pagkakataon na magkita tayo ulit sana wala ng hahadlang pa sa atin. Gagawin ko ito para sa kapayapaan ng buhay naming mag-ina. Alam ko kung papayag man ako sa gusto mo. Hi-hindi pa rin tayo matatahimik dahil nandiyan si Rain. I'm so-sorry, naging duwag na naman ako, sorry mahina ang loob ko para ipaglaban ka.”
Impit na napatangis si Amara. Nasasaktan siya sa kanyang desisyon pero para sa kapakanan ng anak niya kaya niyang magtiis hindi niya naiis na magulo ang tahimik na buhay ng kanyang anak. Hindi puwede na sarili na lang ang iisipin niya gayong may anak na siyang maapektuhan sa lahat ng mga desisyon niya.
Mabilis niyang pinahid ang basang luha. Nagbuga siyang ng hangin para gumaan ang kanyang pakiramdam dahil kanina parang dinadagaan ng limang sakong semento ang kanyang dibdib. Pinigilan niya ang kanyang sarili na lingunin si Zach na hanggang ngayon mahimbing pa rin itong natutulog walang kaalam-alam na aalis na si Amara.
Huminga muna siyang malalim bago hinawakan ang door knob bago pinihit iyon. Ngunit napatigil siya sa kanyang ginagawa nang maalala niyang wala pala siyang pera pamasahe sa taxi. Dahan-dahan siyang naglalakad muli patungo sa mini drawer na nasa loob. Buong ingat niyang binuksan iyon para huwag makalikha ng ano namang ingay. Nagmamadali niyang dinampot ang wallet ni Zach at kumuha ng isang libo.
“Sorry, Zach. Kailangan ko ito para mapabilis ang pag-alis ko. Sorry God, naging magnanakaw na ako. Pero bahala na basta ang mahalaga makalayo na ako sa kanya.”
Hindi na siya nag-abalang isiradong muli ang drawer at maliksi siyang naglalakad pabalik sa pintuan. Akmang pipihitin na naman niya ang doorknob nang magsalita si Zach.
“Hmmp, sweety dito ka lang. Huwag mo akong iwan.”
Tila may kung ano'ng nagkarerahan sa loob ng kanyang dibdib dahil sa napakalakas na kabob nito. Akala niya nagising ito at mapurnada na naman ang kanyang pag-alis. Mukhang nanaginip lang pala ito dahil sa nagsasalita mag-isa. Muli na naman tumulo ang kanyang masaganang luha. Nakaramdam siya ng awa sa lalaki. Hindi niya akalain na naghihirap din ito sa pag-aalis niya.
Kahit hilam sa luha ang kanyang mga mata nagmamadali niyang binuksan ang pinto. Napasandal siya may pintuan dahil nahihirapan siyang huminga. Ngunit kailangan niyang magmadali baka magising pa ito.
Patakbo siyang bumaba ng hagdan para makarating kaagad sa baba. Pigil ang kanyang hininga nang makarating siya sa may sala. Daig pa ang akyat bahay sa kanyang ginawa dahil nagpalinga-linga siya sa paligid baka mahuli pa siya ni Aling Melinda. Alam niyang na kay Zach ang loyalty ng matanda.
Nang makasiguro na wala si Aling Melinda, kumaripas siya ng takbo papuntang main door. Mabuti na lang at hindi ito naka-lock. Muli siyang nagmasid sa paligid. Tahimik ang paligid kaya siya muling kumaripas ng takbo sa nakasarang gate. Ngunit bago pa man niya iyon nabuksan may kamay na pumipigil sa kanya.
Dumadagundong ang t***k ng kanyang puso. Tila napako si Amara sa kanyang kinatatayuan. Naninigas ang kanyang katawan, nanlalambot ang mga tuhod hindi siya makagalaw. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa taong pumipigil sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata at napaluha. Ilang minuto rin bago niya nakuhang magsalita.
“A-Aling, Me-Melinda!” nagkanda utal-utal niyang saad. Napatingala siya sa ikalawang palapag ng bahay ni Zach kung saan natutulog ang binata. Puno ng pagmamakaawang tiningnan niya ang mata ng matanda nagbabakasaling payagan siya nitong umalis.
“Amara, hija. Magagalit si Sir Zach za gagawin mo,” halata ang takot sa mukha ng matanda. Alam niya kung paano magalit ang binata.
“Maawa ka na sa akin, Aling Melinda. Hayaan mo na lang akong umalis. Kailagan ako ng lola at anak ko. Kaya please, parang awa mo na po. Papalabasin mo na ako,” punong-puno ng pagmamakaawang saad ni Amara sa matanda.
Malakas ang buntonghininga na pinakawalan ni Aling Melinda. Naiwas ito ng tingin. Ayaw niyang makita ang namamagang mukha ni Amara dahil sa kakaiyak. Saksi siya kung paano ang hirap na dinanas ng dalaga. Naawa siya nito pero nagtatalo ang isip niyang kung papaalisin ba niya ito o hindi. Kapag papaalisin niya paniguradong malilintikan siya ng amo.
“Aling Melinda, may anak ka naman po siguro hindi ba? Intindihin mo naman po ang kalagayan ko. Nag-aalala lang ako sa aking anak.”
“Pe-pero, hija. Malalagot ako pagnalaman niya na pinatakas kita. Baka sisantihin niya ako.”
Biglang nanlumo si Amara sa kanyang narinig. Paano kung sisantihin nga nito si Aling Melinda dahil sa kanya? Biglang nakaramdam ng konsensiya ang dalaga kapag siya ang dahilan na mawalan ng trabaho ang matanda dahil sa kanya. Pero paano ang anak at lola niya?
“Hay, naku. Ewan ko ba kay, Zach. Bakit ka ba niya ikinukulong dito? Pero sige na nga, puwede ka ng umalis. Ako na ang bahala rito sa kanya, hija.”
“Talaga po? Sa-salamat po ng mamarami, Aling Melinda?” puno ng kagalakan tanong ni Amara. Ngunit kaagad na palis ang ngiti sa kanyang mga labi nang maalala ang maaring kahihinatnan ng matanda kapag gagawin niya ang kagustuhan niyang tumakas.
“Pe-pero paano po kayo, Aling Melinda? Baka mawalan kayo ng tranaho nang dahil sa akin. Paano na kayo at ang anak mo na nangangailangan sa iyo?" malungkot niyang ana sa matanda. Natatakot siya na maging kargo de konsesniya pa niya kung bakit walan ito ng trabaho.
“Huwag kang mag-aalala sa akin, hija. Kaya
ko na ang sarili ko. Kaya umalis ka na baka maabutan pa tayo ni sir. Kapag ganyang nakaungot tayo rito sa may gate.”
Niyakap niya ng mahigpit ang matanda at nagmamadaling nilisan ang lugar.